Kabanata 4

0 0 0
                                    

Kabanata 4

KAGUBATAN

Aurora Gabriela Dela Vega POV

Masaya akong nakatingin sa aking sarili sa repleksyon ng salamin ko sa kwarto. Sinuot ko ang bagong bili na bistida ni papa para sakin , iyong dala dala niya nung umuwi siya.

Hindi ko alam kung paano ayosin ang buhok ko kaya sinuklay ko nalang iyon at hindi na itinali. Gandang ganda ako sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng bahay ay bumungad sakin ang papalubog na na araw kaya namangha naman ako habang nakatingin doon. Masaya akong naglalakad habang pinagmamasdan ang paligid ko. Sobrang tuwa ng puso ko dahil magkikita kami ni Damon ngayun . Gusto niya akong makita. Mas napangiti naman ako ng lapad dahil sa mga iniisip.

Nakita ko pa ang mga ilang nagpapalay na nag-aayos na ng mga gamit nila pauwi kaya kinawayan ko sila . Kilala ko naman ang ilan sa kanila dahil mga kasama iyon ni mama sa pag papalay.

" Saan ka pa Ineng? Mag gagabi na oh. " tanong ni Aling Martina .. Nginitian ko naman ito.

" May kikitain lang ho. " sabi ko . Hindi mapigilan ang pagkawala ng mga ngiti sa labi dahil sa tuwa. Tinignan niya naman ako ng parang inaasar ako habang nakangiti.

" Oh . Sya ! Sge .. At mauuna na kami . Ikaw ay mag-ingat sa iyong paruruonan , at mag gagabi na. " Sabi niya at naglakad na palayo . Kinawayan ko pa ito at naglakad nadin patuloy .

Napatingin pa ako sa langit at nakita ko pa kung paano dumilim ang mga ulap. Mukhang uulan pa ngayun ah? Huwag naman sana maulanan si Damon.

Kaya mas binilisan ko pa ang lalakad ko at pumunta ako sa lupain ng mga Vargas duon banda kung saan ko siya unang nakita habang tinutulungan niya ang mga tauhan nilang mag tanim ng palay.

Kung saan ako nahulog sakanya . Hindi dahil may itsura siya kundi dahil sa puso niya. Matulungin sa kapwa. Hindi ko napigilan ang sarili ko nuon kundi ngumiti lang at tanawin siya sa malayo.

Sumilong ako doon sa malaking puno at nakangiting tumitingin sa paligid ko. Sa likod ko banda ay kagubatan na kaya kung mag gabi na talaga ay sobrang dilim dito banda.

Napatingin naman ako sa langit at papadilim na. Wala pa naman akong dalang kahit anong ilaw. Mas dumilim pa ang paligid dahil sa nag babadyang ulan .

Inayos ko muna ang bistida ko at mas sumiksik pa sa puno dahil nararamdaman ko na ang ihip ng malamig na hangin.

" Nasaan ka naba? " mahinang bulong ko pa habang palinga linga sa paligid . Hinahanap ang lalaking hinihintay .

Ilang minuto lang ay mas dumilim na ang paligid at bumuhos na ang malakas na ulan . Mabuti nalang at nasa may puno ako kaya hindi ako gaanong nababasa ng ulan . Hindi ko na makita ng mabuti ang paligid dahil sa lakas ng ulan... Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa sarili ko ..

Ilang minuto lang ay may narinig akong kaloskos at tunog ng mga paang papunta sa gawi ko kaya tinignan ko kung saan banda iyon at mas inaninag pa ang gawing iyon . Nagbabaka sakaling si Damon na iyon..

May tuwa sa puso ko nung may mamataan akong pigura ng lalaki na paparating pero nangunot ang noo ko ng makitang hindi lang ito nag-iisa. Kundi madami sila. Hindi ko maaninag ang mga mukha nila.

Mga naka suot sila ng face mask at mga naka cap. Na mas lalong nagpataka sakin.. Habang mas lumalapit sila ay hindi na tuwa ang nararamdaman ko ngayun kundi takot na.. Takot na baka may gawin silang hindi maganda sakin ..

Mas pinalakas ko pa ang sarili ko at iniisip na baka iyong mga manong lang na nagpapalay ang mga iyon at napag-abutan ng ulan .. Pero nung marinig ko ang mga halakhak nila habang nakatingin sakin.. Hindi ko na napigilan ang sarili kog hawakan ang bibig ..

The Omission Of Tomorrow.Where stories live. Discover now