Kabanata 1

2 0 0
                                    

Kabanata 1

TROUBLE

Auroraq Gabriela Dela Vega POV.

Sa tanang buhay ko dito na ako lumaki at nagkaisip . Napatingin ako sa mga palay na nadadaanan ko pag naglalakad ako papuntang school. Napakagandang pagmasdan ang mga dahong sumasayaw ng marahan dahil sa hangin.

Napapikit ako dahil sa ginhawa na aking nararamdaman. Kung ganito lang ka peaceful sana ang buhay ko ngayun , wala sanang problema. Kung ganito lang sana ka tahimik ang buhay ko , mas masaya sana.

Habang papalapit na ako sa school ko ay mas nadadagdagan ang kaba at pagkaduwag sa sistema ko. Ayoko mang aminin pero hindi ko na gustong pumasok sa eskwelahang ito. Hindi naman kasi ako nakakapag aral ng mabuti . Gusto kong mag-aral ng tahimik kagaya ng ibang normal na mag-aaral dito pero parang ipinag dadamot iyon sakin ng panahon.

Ano bang mahirap sa gusto ko? Gusto ko lang namang makapagtapos at umalis dito ng tahimik at walan inaalalang sakit ... pero parang ang hirap. Ang hirap hirap..

Pagkapasok ko palang sa gate ay dinig na dinig ko na ang mga bulongan ng mga nakakita sakin.. I bow down my head to hide my face from them.. Gusto kong tumakbo palayo dito pero kailangan kong mag-aral kaya wala akong magawa. Wala akong ibang choice kundi manatili at indahin lahat ng mga masasakit na salita na sabihin nila... Kung salita lang naman ay okay lang dahil kaya ko namang hindi na iyon pansinin pero iyong pisikalan na ay mahina ako doon.. Hindi ako pinalaki ng mga magulang ko na manakit ng kapwa tao.. At hindi ko iyon gusto.

" There she goes again. Wala talagang ka dala dala itong stupida nato.. Nagawa pang pumasok kahit may naagrabyado ng tao.. Stupida! " sabi nung isang babae sa gilid ko. Alam kong hindi niya isinisikreto iyong sinabi niya dahil nilakasan niya talaga ang boses niya para marinig ng lahat.

Mas napapikit ako at mahinang naglalakad . Dumilat ako para makita ang daan. Ayoko namang matapilok dito. Mas nakakahiya iyon..

May humila sa braso ko kaya napatingala ako ng tingin doon " Alam mo bang naghiwalay na sila Queen Steffany and King Damon , dahil sayu? Dahil sa pagiging Estupida mo! Nanira ka ng masayang relasyon ! " Sigaw niya sakin napapikit pa ako dahil tumalsik ang laway niya sa mukha ko... Marahan ko iyong pinunasan.

" Wala akong alam sa sinasabi mo. " mahina kong sabi at pilit na kinukuha ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko pero mas humigpit pa iyon. Napabuntong hininga nalang ako dahil sa sakit non.. Magkaka pasa na naman ako neto.

" And you're expecting me to believe that? Stupid! Humanda ka samin. Hindi pa tayo tapos! " sabi niya at masalampak na hinablot ang kamay niya palayu sakin.

Napapikit ako dahil sa hapdi at napatingin ako sa braso kong namumula. Napatingin ako sa mga taong masama ang mga tingin sakin na parang pinapatay ako sa mga tingin nila..

Hindi ko nalang iyon pinansin pa at naglakad nalang ng naglakad papuntang room ko. May mga bulongan padin akong naririnig pero isinawalang bahala ko na lamang iyon lahat..

Alam ko naman kasi talaga kung anong ikina gagalit nila sakin.. Kahit pa man nuon ay galit na silang lahat sakin kahit hindi pa nangyari iyong sinasabi nilang sinira ko.. Hindi ko nga alam kung bakit eh.. Wala akong ginagawang masama sa kanilang lahat pero bakit parang kung saktan nila ako ay parang nakapatay naman ako ng tao.

Oo , inaamin ko. May gusto ako kay Damon at may mga ginagawa ako para mapansin lang ng binata pero hindi ko naman intensyon na makapanira ng relasyon.. Hindi ko naman intensyon ang mga masasamang bagay na mangyari sa kanila..

Siguro nga tama sila. Ilusyunada nga talaga siguro ako.. Dahil nag iilusyon akong magugustuhan ako ng kaisa isang lalaking gustong gusto ko.. Hindi naman siguro iyon masama ? Tao lang din naman ako . Nagmamahal lang din naman ako.. Bakit ba lahat nalang ipinagdadamot ng lahat sakin? Bakit ?

The Omission Of Tomorrow.Where stories live. Discover now