CHAPTER 02: THE UNKNOWN GOOD SAMARITAN

87 5 0
                                    

huminto sya sa tapat ng isang matayog na gate na yari sa kahoy at bakal. palagi itong bukas kaya pumasok na sya at lumapit sa isang malaking box na katabi ang isang grotto. luminga-linga sya at itinakip ng maayos ang hood ng  jacket sa kanyang ulo. may mangilan-ngilang tao, lalo na ang mga madre. kaya agad nyang hinulog doon ang mga supot nyang dala. matapos nito, umalis na rin sya. nakita kasi nyang lumalabas na ang mga bata.

for years, she has been helping this institution by donating to them. ginagawa nya ito na hindi nila nalalaman kung sino sya.

St. Mary Immaculate Institute for Migrants ang pangalan ng lugar. kinukupkop nila ang anak ng mga migranteng manggagawa na hindi afford ang edukasyon dito sa London. kaya ito ang napili nyang tulongan magmula nang tumira sya sa syudad na ito ng Englatera. masaya syang nakikita na may mga mabubuting tao kagaya nila na nakahandang umagapay sa mga nangangailangan. mahirap mamuhay sa isang banyagang bansa, lalo na kung meron kang pamilya. sya nga, naghahanap ng paraang mabuhay kahit sya lang mag-isa.

nakadama sya ng gutom at naalalang wala pa pala syang agahan. sumakay sya ng bus at huminto sa isang kilalang kainan sa Abbey Road.

"good day! welcome to Perry's Diner!" pambungad na bati ng isang reception staff. marami na ring mga kustomer kaya humanap sya agad ng mauupuan.

"good day! here's your menu." anang isang waiter na inabot ang menu book sa kanya.

"thanks." tugon nya na pumili ng makakain. 'di nagtagal, bumalik ang waiter na may dalang isang pitsel ng malamig na tubig at baso.

"are you ready to order, Sir?"

tanong nito sa kanya. hindi nya na iyun alintana dahil lagi talaga syang napagkakamalang totoong lalaki dahil sa iksi ng buhok nya at tindig, idagdag pa ang pagiging flat chested nya. she has her hair done in a mullet style kaya madalas ang mapagkamalan syang straight na lalaki.

"yeah. i'll have your family-sized hawaiian overload pizza, cheese sticks, honey-glazed buffalo wings in sesame seeds and blue berry tart for dessert. i'll just have water for my drinks. thank you." pagkakuha ng order nya, umalis na ito. kilala din ang kainang ito sa bilis ng kanilang serbisyo kaya 'di nagtagal, naihain na ang oven-fresh pizza at ang bagong lutong manok. gutom nyang nilantakan ang mga ito.

walang ibang topic ang mga tao kundi ang gaganaping event bukas. pagdating sa usaping involve ang British Royal Family, talagang nakikisawsaw ang lahat kahit ang ibang lahi. sya naman, pupunta sa kaganapan hindi para panuorin ang maharlikang pamilya kundi para tumugtog. thousands to millions ang dadalo mula sa iba't-ibang panig ng mundo kaya tiyak na kikita sya ulit ng malaki nito.
****************0o0*****************

kinabukasan, 'di na mahulogang karayom ang harap ng Buckingham Palace. mahigpit na ang seguridad na pinapatupad ng Royal Police, Royal Guards at ng Royal Military. topmost priority nila ang kaligtasan ni Queen Elizabeth II at buong Royal Family. pati ang Prime Minister, dadalo rin sa pagtitipon.

nakapwesto lang sya sa 'di kalayuan sa harap ng palasyo. bawal ang lumapit masyado dahil sobrang strikto ng mga security protocols. kaya naghintay lang sya dun hanggang sa matapos ang event.

maya-maya pa, maririnig na ang hiyawan at palakpakan ng mga briton. lumabas na pala ang buong maharlikang mag-anak kasama ang Mahal na Reyna. mula sa kanyang kinauupuan, kita nya ang mga nagaganap sa balkonahe ng palasyo.

nagbigay ng speech ang Reyna. may nakita syang babae katabi ni Prince Harry. ito marahil ang amerikana nitong Fiancé. katabi ng Reyna ang asawa nitong si Prince Phillip, ang anak na si Prince Charles at asawa nitong si Duchess Camilla. ang Royal Princess Anne ay nasa kaliwang panig ng Reyna samantalang nasa kanan naman sina  Crown Prince William at asawang si Duchess Kate.

METROCEANNA TALES II: TULOY PA RINWhere stories live. Discover now