CHAPTER 09: THE VISITOR

54 3 1
                                    

the next morning, tinawagan nya ang laundry service at pinakuha ang mga labahin nya. kaya nya ang ibang mga gawaing bahay gaya ng pagluluto at paghugas ng mga pinggan ngunit nahihirapan syang maglaba. at kahit ipilit nya, wala ring saysay dahil hindi naman nya nakikita ang mga mantsa.

maya-maya'y dumating na ang mga tauhan ng Laundry Shop, bitbit ang mga labahin nya.

"Hi, Era. good morning." bati ng isa sa mga ito. lihim syang napaismid. andito na naman ang sisira sa araw nya.

"umalis ka na, Charles. baka maiwan ka na naman nila." she said dismissively.

"ang taray mo talaga. kaya lalo ka tuloy'ng gumaganda." anito na humagikhik pagkatapos. napailing na lang sya sa mga pambobola nito. anak ito ng may-ari ng laundry shop na matagal na nyang suki. noon pa man, nagpahayag na ito ng pagkaka-gusto sa kanya. she turned him down multiple times ngunit talagang makulit ito at balik pa rin ng balik.

"alis na sabi. mahiya ka naman sa mga kasama mo, kanina ka pa nila hinihintay." aniya. dinig nya ang pagpalatak nito.

"alam mo Era, magsisisi ka talagang inisnob mo ang gandang lalaki kong 'to. chicks dig me like chocolate bars and they want mah body, ya know. it's relay yer loose, bebe."

she badly wanted to punch his face for being so obnoxious. idagdag pa ang pagiging bopols nito kahit nakatapos pa ng kolehiyo. kahit simpleng ingles man lang, 'di pa nito magawa ng tama. mabuti pa sya na bulag at hindi nakatuntong ng kolehiyo, magaling pa keysa sa hambog na bisugong 'to.

"I don't know who gave you the idea that ignoring your self-proclaimed good looks is a loss on my part, because they're just definitely making you every inch a fool. now---" she said, standing straight into her full height. dinig nya ang pagsinghap ni Charles sa pinakita nya. "leave my place. or else i'll call Mrs. Suarez and tell her that you're bugging me again. go!"

parang kabayo na tumakbo ang hambog. she smiled triumphantly. finally, she got rid of that annoying guy. sinara nya ang pinto at ni-lock ito.
**************0o0*****************


ang tindi talaga ng hambog ng isang yun. pinangangalandakan nito ang isang bagay na hindi naman totoo, dahil ayon pa sa mga kasamahan nito, hindi ito gwapo. he's just too vain and pompous that's why he lifted his own seat and bragged.

honestly, wala sa kanya ang hitsura ng isang tao. kahit makakita sya, hindi nya alintantana ang pisikal na anyo ng isang tao. para sa kanya, mas mananaig pa rin ang kabutihan at kagandahang dahil yun naman talaga ang mahalaga. aanhin mo ang gwapo nga o maganda kung ang ugali hindi naman kaaya-aya.

she shrug her shoulders and just go on with her monotonous routine in the house. akmang tatawagin na nya para paliguan sina Ash at Philou nang marinig nya ang isang balita sa radyo.

"pinagdiriwang ngayon nina Mayor Ronaldo Romualdez at asawa nitong si Madam Gilda ang pagkapanalo ng anak nilang si Margaux Katerina sa Binibining Pilipinas. ang panganay na anak ng ating Mayor ang magre-representa sa bansa--"

naputol ang balita ng tanggalin nya ang plug ng radyo. a familiar dread and heavy feeling shadowed her heart again. naikuyom nya ang mga kamao kasabay ng paghilam ng kanyang mga mata. tears stung her eyes as she let it fall. gumuhit ang isang mapaklang ngiti sa kanyang labi.

how could he be so happy and celebratory just like that? how could a selfish and an irresponsible man like him be blessed of having a family---habang sya'y nandito at sampung taon nang nag-iisa?

her knees wobbled and she nearly hit the floor kung 'di lang sya napakapit sa hawakan ng silya. she sobbed hardly as she grip the left region of her chest. ramdam nya ang sakit at pagkamuhi sa taong minsan nyang tiningala---

METROCEANNA TALES II: TULOY PA RINWhere stories live. Discover now