CHAPTER 03: YULETIDE FEELS

72 3 0
                                    


"don' run too fast, Molly! you'll get hurt--there! i told you so!"

napalingon sya sa kabilang kalsada. isang babae na may dalang brown paper bags ang agad dinaluhan ang isang cute na batang babae. nadapa ito sa kakatakbo. lumapit sa paslit ang isa pang bata, lalaki ito. tinulongan nitong makatayo ang batang babae.

"you're so sttuborn, Molly. you should listen to Mother. look what happened." anito.

"sorry, Malcolm. sorry, Mommy." anang paslit. matapos mapagpagan ang tuhod, nagpatuloy na sa lakad nila ang mag-ina.

she smiled. naalala nya ang mga pamangking sina Amir at Avi. eight years old ang mga ito ng iniwan nya seven years ago. inaamin nya sa sariling nangungulila na sya sa kanilang presensya. ang dating mga bata noon, binatilyo at dalagita na ngayon. 'di nya tuloy maiwasang matawa. tumatanda na nga sya.

"uhm, hi? excuse me Sir?"

napalingon sya sa kanyang likuran ng may kumalabit sa kanya at napagkamalan na naman syang lalaki. pagtingin nya, isang maganda at matangkad na babaeng blondie ang kanyang nakita. nakasuot ito ng trench coat--at may suot na ID. at one glance, alam na nya kung ano ang trabaho nito.

"uhm, hi. can i help you?" she ask, slightly backing away. hinanda nya ang sarili para sa agarang evacuation plan. ang mga kagaya nitong taga-media ang huling taong gugustohin nyang makasalamuha.

"oh no. well, i'm here to ask for an interview. you're this street musician, right?" anito na ipinakita ang isang video sa kanya. kuha iyun sa performance nya kanina lang. "I knew that's you. why, you're way good-looking up close in person."

the blondie brit girl giggled. napakamot na lang sya sa batok. nakalimutan nyang may posibilidad na magva-viral nga ang performance nila.

'hindi maganda 'to. kailangan kong makaalis dito'

aniya sa sarili na inalerto ang mga mata sa paligid. ang mabulgar ang totoo nyang pagkatao at katayuan sa buhay ang hindi nya nanaising mangyari. if she'll leave this place, she'll leave it quietly.

'mag-isip ka, Avril! you need to get away, asap!'

naghahanap na sya ng palusot ng 'di naman nagdamot ang swerte sa kanya. natanaw nya 'di kalayuan ang paglabas ng royal limousine. hindi nya alam kung sino ang sakay nun pero sinunggaban na nya ang pagkakataon.

"hey look! that's Prince Harry's royal service car!" she exclaimed, pointing at the vehicle.

"oh really? where?" the blondie asked, turning to look at where she's pointing out. at that cue--she turn her heels and ran. mahihiya si flash sa bilis nyang kumaripas ng takbo.

"hey! pull-over! i'm boarding! hey!"

sigaw nya sabay kalampag sa gilid ng bus. sumilip ang isang pasahero at sinabihan marahil ang driver kaya huminto ang bus. hinihingal na huminto din sya at tinukod ang mga kamay sa ibabaw ng kanyang mga tuhod. tagaktak pa ang pawis nya kahit lumalamig na ang panahon.

bumukas ang pinto ng bus at kahit sobrang pagod sya sa pagtakbo ng ganun at nanginginig pa ang tuhod, nakasakay naman sya ng maayos.

she heaved a great sigh as she slouch on her seat. dama pa nya ang pamimintig ng mga binti at paa sa pagtakas nya kanina.

kinuha nya ang panyo sa backpocket ng jeans na suot saka pinahid sa mukha nya at leeg. pagkatapos ay ginamit nya ito bilang face mask para takpan ang kalahati ng kanyang mukha. nakayuko na rin sya at umiwas ng tingin sa ibang mga pasahero. mahirap nang mamukhaan sya ulit.

she got off safely. diretso sya sa tinitirhan at agad nag-lock ng pinto. sinara nya rin ang mga bintana.

naghubad sya ng damit at naligo. habang nasa ilalim ng dutsa, naisip nya ang nag-viral nilang video. tyak na kahit sa Pilipinas, nakita ito. hindi sa kinahihiya nya--naiilang lang talaga sya. she aimed for a simple, meek life in London yet now--she became an online trend. matapos maligo at makapagbihis ng pantulog, pumunta sya ng kusina at nagtimpla ng Hot Chocolate. binuksan nya ang cupboard at kinuha ang isang pakete ng marshmallows. dinala nya ang mga ito sa living room at nilapag sa mesa.

binuksan nya ang drawer at kumuha ng isang plaka. sinalang nya ito at nilagay ang karayom ng pin spinner sa ibabaw nito. the vinyl started spinning and an old song played, na alam ng lahat ng mga nasa generation nyang kantahin.

oh vlady, oh vlada
life goes on
bra aahh...!
lalala life goes on
brah!

oh vlady, oh vlada
life goes on
bra ahh...!
lalala life goes on
brah!

in a couple of years
they have built a home, sweet home

in a couple of years
kids running in the yard
of Desmond and Molly Jones...

happy ever after in the market place
Molly leads the children by the hand
Molly showed up with her pretty face
and in the evening she still singing with the band

oh vlady, oh vlada
life goes on bra ahh...!
lalala
life goes on!

she's bobbing her head, tapping her feet and swayed to the music. great songs like this Beatles classic hit never gets old. sinasabayan nya ang kanta habang kumakain ng marshmallows at iniinom ang hot chocolate.

umabot pa ng hating-gabi bago sya inantok at nakatulog.
****************0o0*****************

it's the most
wonderful time of the year...

she wake up the next day to the sound of a popular christmas song. she yawned, stretched and hop off the bed.

lumabas sya ng silid at tinungo ang living room.  kinusot nya ang mga mata at nakitang tila foggy ang bintana. nilapitan nya ito at napag-alamang andap pala iyun kaya malabo. pinunas nya dito ang kurtina at malinaw nyang nakita ang pag-ulan ng nyebe sa labas.

Hark now, hear!
the Angels sing
a King was born today
and man will live forevermore
because of christmas day...

hinawi na nya ang mga kurtina at binuksan ng bahagya. 'di sya nag-aalala kahit malamig dahil may heater sya dito sa loob. nilagyan nya ng tubig ang electric kettle at pinainit ito. naghanda sya ng mug, isang pakete ng hot chocolate powder at loaf bread. solve na itong agahan sa taglamig.

nakaupo sya at ini-enjoy ang mainit na tsokalate at buttered toast ng tumunog ang inbox notif ng e-mail nya. kinuha nya ang kanyang Z fold phone  at binuksan ang kanyang e-mail. napangiti sya sa mensahe.

to: Ahiya
body: please come home for christmas.

love,
Amir and Avi
xoxo

she then folded her phone back.

mukhang kailangan na nga nyang umuwi.
*************0o0*******************

METROCEANNA TALES II: TULOY PA RINWhere stories live. Discover now