CHAPTER 08: SHE USED TO LOVE THE STARS

60 3 0
                                    


napuno muli ng sigla ang kabahayan ng makauwi na si Ash. agad naglaro ito at si Philou kaya may ilang kagamitan na namang nahulog at natumba. at dahil malalaki silang aso, parang binagyo ang buong bahay.

hindi nya na sinaway ang mga alaga at hinayaan silang maglaro. binaybay nya ang walking stick at pumasok sa isa pang silid. ngunit bago nya pinihit ang pinto, nabitin sa ere ang kanyang kamay--kapagkuwa'y ibinaba nya ito.

she was 14 at that time, the age when her sight totally blacked out. the first time that she welcomed darkness as her friend and isolated herself from the world behind her walls.

so she decided to turn her back again and walk away. sampung taon man ang lumipas ngunit ang sakit ng kahapon ay hindi pa rin naghihilom. ayaw pa ring mawala sa kanyang sistema.

lumabas sya at naupo sa swing na nasa kanyang bakuran. inuugoy-ugoy nya ang sarili sa duyang kasing-tanda nya, ngunit nanatiling nakatayo at matibay pa rin.
ganito lang ang ginawa nya hanggang sa abutan sya ng gabi.

nag-choir na ang mga kuliglig at dinig nya ang pagkalembang ng mga kampana mula sa Cathedral. pumailanlang sa PA System ng simbahan ang Angelus, ang panalangin sa alas sais ng gabi. she hop off from the swing and get back inside the house.

dumiretso sya sa kusina para maghanda ng hapunan.

"Ash, Philou--dalhin nyo rito ang food bowl nyo." utos nya sa dalawa.

"arf! arf!" kahol nila na syang tugon sa kanyang inutos. 'di nagtagal, may lumapag na bagay sa bandang paanan nya.

"good job, boys. akin na yan at lalagyan natin ng dog food nyo." pagkasabi nya nito, inilahad nya ang palad at nilagay doon ng isa sa mga alaga nya ang food bowl. binuksan nya ang sako at nagtakal ng dog food dito. maingat syang dumukwang, kinapa ang sahig kung wala bang nakaharang. nang wala syang mahawakan, inilapag nya ang isang food bowl na may lamang beef flavor na dog food.

"ikaw naman, Ash." dinig nyang inusog nito ang food bowl papunta sa kanya. kinuha nya din ito at nilagyan ng pagkain.

"kain lang. para sa inyo lahat yan."

aniya na hinaplos ang malambot nilang balahibo. muli syang tumayo at naghugas ng mga kamay saka tinunton ang lalagyan ng itlog, mantika, keso, skimmed milk at butter. pinadaan nya ang mga kamay sa bawat cupboard saka nahanap ang mga kailangan nya. maingat na maingat nyang nilabas ang mga ito, lalo na ang mga itlog.

sinimulan na nyang ihanda ang mga sangkap sa gagawing recipe. croquet sandwich ang kanyang magiging hapunan dahil sa totoo lang, she never ate heavy meals. at isa pa, wala syang gas stove o lpg dito dahil takot syang magsunog ang bahay. kaya mas pinili nyang oven na lang ang gamitin para mas safe. ayaw nyang makaperwisyo ng tao dahil sa kanyang kapansanan.

matapos maluto ang ginawang sandwich, in-off nya ang oven at tinanggal ang pagka-kasaksak nito sa outlet. nilapag nya sa dining table ang mga nagawang sandwich. tahimik lang syang kumakain kasama ang mga alaga ng may mga tumatamang kung ano sa gate at bakuran nila. hindi nya ito pinansin ngunit halatang nang-aasar lang at ayaw tumigil.

padabog syang tumayo at tinungo ang bintana. binaba nya ang jalousie at galit na kinumpronta ang mga walang magawang matino sa kanilang kapwa.

"itigil nyo yan at umalis kayo dito! kapag 'di kayo nakinig, tatawagan ko ang baranggay hall! alis na!"

bulyaw nya sa mga ito. ang mga walang silbing tao na ito ay grupo ng mga batang hamog at mga kabataang umanib sa mga gangs at fraternities. sila ang nagdadala ng matinding perwisyo at sakit sa ulo ng mga taga-rito.

"wala kang pakialam kaya syatap!! bulag! bulag! bulag!" kantyaw at pangungutya pa ng mga ito sa kanya. ngunit hindi na sya natatablan ng mga ganyang panlalait. sampung taon na syang bulag kaya tanggap nya ang kanyang sarili.

"so ayaw nyong umalis? sige! ipapadampot ko kayo sa mga tanod at mga pulis!" banta nya pa sa mga ito.

"sumbongerang bulag! sige, magsumbong ka!"

"tama! kahit ilang beses pa nila kaming damputin, 'di kami makukulong! bulag, sira-ulo! bulag! bulag!"

humagalpos na ang kanyang galit kaya pabalya nyang sinara ang mga jalousie.

tinungo nya ang telepono at halos bumaon ang mga button sa lakas ng pagkaka-pindot nya. agad na sumagot ang mga taga-Police Station na inaksyunan ang kanyang reklamo. maya-maya pa'y dinig nya na ang sirens ng mga Police Mobil, idagdag pa ang mga nagsisipulasang mga pasaway sa lipunan na kanya-kanya ng takbo palayo.

nawala na ang kumosyon sa labas at bumalik na ang katahimikan. napabuntong-hininga na lamang sya at bumalik sa kusina para hugasan ang kanyang pinagkainan.

matapos ng mga gawain nya'y pumasok na sya sa kanyang silid, na ngayon lang nya ginawa. kalimitan kasi, lalabas muna sya ng bahay at tatambay. ngunit dahil sa nangyari kanina, hindi na sya lumabas pa.

sinara nya ang pinto ng kwarto at ni-lock ito. patungo na sya sa higaan ng may matamaan ang kanyang paa ng kung anong nasa paanan nito. kaya dumukwang sya at kinapa kung ano ito.

isa iyung kahon. dinama nya ito at tila mahaba ang hugis. so she pull it out and sit indian style on the floor. kinandong nya ang bagay na iyun at binuksan.

may bubble wrap pa iyun ngunit base sa amoy, luma na ito. she felt it's shape with her hands and find out that it was long and tube-like in shape. tinanggal nya ang bubble wrap at dun pa nya nakumpirma kung ano ba talaga ang bagay na ito.

nostalgia and pain hit her all at the same time. bumalisbis ang kanyang mga luha ng sumagi sa isip nya ang isang alaala...
**************0o0******************

"wooaahh!!" ang masayang bulalas ng isang batang babae habang nakasilip sa lente ng isang telescope. "ang gaganda nila Papa, Mama! parang buhangin ng mga bituin!"

"talaga, anak? salamat naman at nagustohan mo. happy birthday, sweetie!" bati ng isang lalaki sa batang babae. ang lalaking ito ang kanyang ama.

"anong mga constellations ang nakikita mo, sweetie? can you name them?"

tanong isang nakangiti at napakagandang babae. ito ang kanyang ina.

nanatiling nakasilip sa lente ang bata at pinangalanan isa-isa ang mga bituin, galaxy, konstelasyon at mga planetang nakikita nito.

"Alpha Centauri, Orion, Sirius, Proxima Centauri, Milky Way Galaxy, Betelguese and...uhm, ano pa ang isang yun Papa?" ang nagugulohang tanong ng paslit na nakalabing tiningala ang ama. the father planted a gentle kiss on his little girl's forehead and take over the telescope's lens.

"what you saw was Keid, sweetie. the brightest star in the constellation of Eridanus...."
*************0o0******************

yumugyog ang mga balikat nya sa lakas ng kanyang paghagulgol. niyakap nya ang tanging bagay na nagpapa-alala sa kanya na minsan sa buhay nya--naging masaya sya. na meron syang ama at ina; ng isang buong pamilya.

she used to love the stars and the moon. gazing at those heavenly bodies gave her ultimate happiness. at mas lalong tumindi ang pagkagusto nya sa mga ito ng ibigay sa kanya ng ama ang regalong ito. ngunit ngayon, nakalipas na ang lahat. malayong alaala na lang ang mga iyun at hindi na maibabalik pa, gaya ng kanyang paningin.

ibinalik nya sa kahon ang teleskopyo. iniwan at inabandona sya ng nagbigay niyun sa kanya. at kahit kailan, nakaukit na iyun sa puso nya.
**************0o0*******************

some memories tend to remain, Era--no matter how painful they are. be strong, my girl. kaya mo yan.

Please, read and comment po sana. Salamat 🙏🤗





METROCEANNA TALES II: TULOY PA RINWhere stories live. Discover now