CHAPTER 11: INTO HER WORLD

46 3 0
                                    


"if you won't mind me asking again, anong dahilan kung bakit ka nabulag?" tanong nya kay Era habang nakaupo sila sa swing. dapit-hapon na at nagbabago na rin ang kulay ng kalangitan.

"hit and run. sa sobrang lakas nung impact, basag yung salamin ng kotse. ako naman, tumilapon. pagka landing ng katawan ko sa aspaltadong kalsada, pataob akong bumagsak. yung mga bubog, pumasok sa mga mata ko." anito. mahinang inuugoy-ugoy nito ang duyan. "naiwan ako doon, sugatan at duguan. sumisigaw ako sa sobrang sakit dahil pakiramdam ko ng mga oras na yun, parang tinutusok ng libu-libong karayom ang aking mga mata. at yung nakabangga sa 'kin---pinasibad nya palayo ang sasakyan. ni hindi nya 'ko tinulongan."

she could hear Era let go of a heavy sigh. ramdam nyang ang pagpipigil nitong huwag na muling maiyak.

"ilang taon ka nun?"

"thirteen. isang linggo bago ang birthday ko at kakalibing lang kay Mama. dinala ako sa ospital at sa mismong 14th birthday ko---kinumpirma ng Doktor na 'di na ako makakakita pa."

tumayo si Avril at naupo sa paanan ni Era. she held the lady's hand and gently massage it.

"pinahanga mo talaga ako ng husto. sa kabila ng nangyari, heto ka. matatag pa rin." aniya saka marahan itong hinila patayo. "halika, may gagawin tayong ikakatuwa mo."

"ha? ano naman yun?"

"basta. dun tayo ulit sa loob ng bahay." yakag nya dito. pagkapasok nila, pinaupo nya ito sa isa sa mga sofa ng living room. naghanap sya ng maaaring magagamit sa gagawin nya--at kalaunan, nakita nya ang isang malinis na table cloth. kinuha nya ito at dinala sa kinaroroonan ni Era.

"ano ba kasi yang gagawin natin?" tanong nito.

"teka lang. mabilis lang 'to." aniya na nirolyo ang tela saka ito itinakip sa mga mata nya at itinali ang magkabilang dulo sa likod ng kanyang ulo.

"there. it's done." aniya.

"done? done what?"

kinapa nya ang kinauupuan at umusog palapit dito. nang matantiya na nya ang distansya nilang dalawa, saka nya kinuha ang kamay nito at nagsalita ulit.

"here's my face. what do you feel?" tanong nya dito.

Era cup her face and caress it. she nearly lean into the touch when she immediately get herself together. ang mga kamay nito, parang bulak sa lambot kaya masarap damhin sa balat.

dumako ang kamay nito sa bandang mga mata nya at dinama ang tablecloth nyang blindfold.

"a-ano 'to? bakit may takip ang mga mata mo? wait---don't tell me naka-piring ka?"

tanong nito na 'di naiwasang tumawa. pati sya'y natawa na rin sa kalokohang naisip.

"oo, nakapiring nga ako. wag mo sanang masamain, Era. i don't intend to mock you or anything." aniya na tinanggal ang blindfold. she sighed and held Era's hand again. "nais ko lang na makiramay sa dalamhati mo, sa pagkawala ng lahat sa 'yo. I wanted you to know that you're not alone in the dark, that i'm willing to be in your world. that no matter how cruel this world could be, you can always count on me."

Era bursted into tears and hug her tight. Avril hug her back tightly, too.

sa maikling sandaling nakapiring ang mga mata nya, naramdaman nya ang hirap na mawalan ng paningin at mamuhay sa dilim. ilang minuto lang nyang maranasang nakapiring, alam nya nang 'di nya kakayanin. ngunit si Era---sampung taon nang nabubuhay sa ganitong kalagayan. at nakayanan nito.

kaya sobra-sobra ang paghanga nya sa mga taong may kapansanan ngunit nagsusumikap na mabuhay. nagtatrabaho at binubuhay ang pamilya na hindi umaasa sa awa ng iba. na sa kabila ng pisikal na kakulangan, napiling tumayo sa sariling mga paa at magtiwala sa kanilang kakayahan. dapat silang saludohan at hindi pagtawanan.
**************0o0*****************

"naalala mo pa nung una tayong nagkita?" tanong nya na tinutulongan itong magligpit ng mga hinugasan nilang pinagkainan.

"yung sa pedestrian lane?" anito. "oo naman. sorry nga pala kung nasungitan kita dati. kinabahan lang talaga ako nun. akala ko kasi, nabundol na ng sasakyan si Ash."

"huwag mo ng isipin yun. ano kasi, may itatanong lang ako. if it's okay with you." aniya dito. Era gave her a gentle, close-lip smile.

"sige. ano yun?"

sinara nya ang dish organizer at giniya ito paupo sa isa sa mga silya sa dining area.

"pa'no mo nalaman kung nasa'n ang marker ng Magna Carta for Disabled Persons? curious lang kasi ako. pasensya na."

"naku, yun lang pala. ayos lang. ganito kasi yan---nung itinayo yan, andun din ako. nung pinagtibay kasi ni Senator Legazpi ang batas, isa ako sa naimbitahang dumalo." anito. "sa event din na yun, namigay ang dating Senador ng mga foldable sticks na may GPS trackers. ang purpose nun ay para sa proteksyon naming mga bulag. kapag tatawid kami, tutunog ang tracker na may counterpart ding nakadikit sa bato ng marker. kaya alam ko kung nasa'n ang marker dahil nandun din ang pedestrian at PWD lane."

naunawaan nya na ngayon kung bakit kabisado nito ang naturang batas at kung saan nakatayo ang bantayog o marker nito.

"alam mo dati, may motorista nang pinagtawanan ako dun. sabi nya, 'bakit naituro mo, eh bulag ka?' sabay tawa ng malakas. sumama ang loob ko dahil tila minamaliit nya ang mga may kapansanang gaya ko."

"hayaan mo ang taong ganun. Dios na ang bahala sa kanya." wika nya. "may sayad lang ang taong yun at walang magawa sa buhay."

sa sobrang tuwa nya, 'di nya na namalayan ang oras. kung 'di pa tumawag si JShawn, 'di nya naalalang umuwi.

"i'll come back tomorrow, okay? sa bahay namin tayo pupunta." aniya. tumango ito.

"sige. antayin kita dito. ingat ka."

"salamat. ikaw rin, ingat ka lagi."

masaya syang umalis ng gabing yun. hindi lang nya basta nakilala si Era, naging malapit din sila sa isa't-isa.
***************0o0*****************
samantala....

"kailan pa sila naging magkakilala, Leon?" tanong ng isang high-profiled at VIP na lalaki. nakaupo ito sa backseat, nakatingin pa rin sa bahay ng babaeng bulag.

"sa napag-alaman ko po Sir, bago pa lang." sagot ng nagngangalang Leon. "gusto nyo pong mas igihan ko pa ang pagbabantay?"

umiling ang kausap.

"don't. not yet. baka mahalata nyang binabantayan mo sya. i don't want her to feel alarmed."

"eh yung matangkad na Chinese? you want me to investigate tungkol sa kanya?"

"don't." sagot nito. "ako na ang gagawa nun. leave it to me."
*************0o0********************

yung taong sinusubokang pasukin ang mundo mo para maunawaan ka at ang iyong kalagayan. natatangi ka talaga, Avril 👏👏👏

METROCEANNA TALES II: TULOY PA RINWhere stories live. Discover now