CHAPTER 4 (JOGGING FT. CONFESSION)

2 1 0
                                    

"Oo nga, pasensya na" yumakap saakin si Marie

"Ano ba guys, it's okay." Ngumiti ako
sakanila "Mali din ako na nagalit agad ako sainyo"

"Basta mag iingat ka parin kay axl" sabi ni Aerish

"Oo, di naman ako mag papa uto ron" tumango ako

Iniluto ko na yung samyang na natitira, dahil yon ang gusto nila and syempre yun din ang gusto ko.

Nag timpla na rin si Ann ng Mango Juice and ng Blue Lemonade.


"Mall tayo bukas?" Aya ni Mae-mae saamin

"Gow gow" sabi ng lahat

"Di ako makakasama bukas" sabi ko

"Ha? Bakit naman? Wala ka namang gagawin bukas diba?" Tanong sakin ni Ann

"Mag jo-jogging kami bukas ni axl and aayain ko din syang mag Simba bukas" kinakabahan kong sabi, kasi baka mamaya ay ma trigger sila

Mag sasalita pa sana si Marie nang Mag salita na si Reign

"Go ahead Madeline, bigyan mo ng time yung sarili mo na kilalanin si Axl" sabi ni Reign

"Basta, mag u-update ka pa rin samin para naman alam namin kung ano ang nangyayari sayo" saad ni Marie

"Yes guys, mag iingat ako" ngumiti ako sakanila

Nag karaoke din kami para naman masaya ang bonding namin, nakakatawa lang dahil umiiyak si Louise nang kinanta ni Mae-mae yung "Masyado pang Maaga" by: ben&ben

"HAHAHAHA umiyak" pang aasar ko kay Louise

"Liane balik ka na daw" sigaw ni Aerish

"Shut up!" Inis na sigaw ni Louise

"Ayan pasok pa more relationship" pang aasar din ni Ann kay Louise

"Wow porket di ka lang na crushback" pag ganti ni Louise kay Ann

"Okay lang at least hindi ghinost" di parin talaga mag papatalo tong si Ann

Napati ako sa phone ko nang tumunog yon

From: Axl
Good evening po!

To: Axl
Uy? Good Evening too :)

From: Axl
Bukas ah? Sunduin kita dyan sa bahay nyo

To: Axl
No need na :)

Baka may masabi na naman ang mga chismosa kong kapitbahay


From: Axl
Why?

To: Axl
Makikita tayo ng mga kapitbahay kong marites baka isumbong ako kila mommy akalain jowa kita

From: Axl
Ay sige

To: Axl
Sa may sakayan nalang us mag kita

From: Axl
Sige po

Nag si uwi na rin yung mga kaibigan ko pwera kay Louise dahil sabi nya ay dito sya matutulog para naman daw may kasamaha ako.


Di kasama yung iba dahil biglaan, at wala silang gamit na dala

"Kanina ka pa pana'y tingin sa selpon mo!" Reklamo ni Louise

"Ay bakit ba? Ka text ko kasi si Axl" tumingin ako kay Louise

"Hmp! Puro ka nalang axl ngayon ah!" Sabi nya na parang nag tatampo kaya naman ay binitawan ko ang selpon ko

"Ano ba yung chika mo?" Lumapit ako kay Louise

Ulan (Destiny series#2)Where stories live. Discover now