CHAPTER 7 (WHAT IF)

4 1 0
                                    

Ka voice call ko ngayon si axl, inis na inis na kasi ako sa mga chismosa kong kapitbahay

[Hayaan mo sila Madeline, kung papatulan mo sila lalo lang lala] sabi ni axl

"Simula nung umalis na si ate Ayen dito sa bahay lagi na nilang pinapakailaman ang bawat kilos ko!" Umupo ako sa kama ko, ibinaba ko yung selpon ko sa bed side table ko

[Basta huwag mong patulan, mapapagod din yang mga yan. Ma i-stress talaga sila pag di nila nakikitang di ka na bo-bother]

Tumayo ako at kinuha ko yung envelop ko, inaayos ko na yung mga ipapasa next week.


"Sana hindi na nila ko pakialaman pag dating ni tita aye dito" sabi ko

[Huwag mo silang isipin okay? Di natin sila bati] narinig ko ang mahinang pag tawa ni Axl

"By the way tapos mo na ba lahat ng pinapagawa sainyo ng mga subject teachers nyo?" Tanong ko kay axl


Baka mamaya ay pana'y banat sya sa call, wala syang assignment


[Tapos na po, tinapos ko na lahat kanina] sabi ni axl

"Mabuti naman kung ganon" sabi ko at kinuha ko yung painting na ireregalo ko sa recognition

Sana magustuhan nya toh...


[Madeline, huwag ka munang mag salita tutulungan ko lang si Mama sa kusina] sabi nya

Kaya naman ay nag mute muna ko


Sakto din naman dahil nag chat si Marie sa GC


LUBOG NA GC

Marie: Hi guys, I'm here sa Florida

Aerish: Huy bakit andyan ka?

Louise: Di pa tapos school year ate ko!

Mae-mae: Pumunta ka ng Florida ng hindi namin alam?

Ann: Sana all bakasyon na.

Madeline: @Marie Remember Completion next week

Marie: Naipasa ko na lahat, Wala na kasi si Grandpa kaya lumipad agad ako papuntang Florida

Mae-mae: Oh no.. Condolence Marie

Ann: Cheer up marie!

Aerish: So sad, Condolence Marie

Louise: Condolence Marie

Madeline: Condolence marie, so kelan balik mo sa pinas?

Marie: Hindi ko pa alam, baka mag tagal ako rito since kailangan ni Grandma ng kasama

Louise: Daya mo, di ka man lang nag paalam saamin

Marie: I'm sorry Louise, na rush kami sa oras

Mae-mae: Ingat ka dyan Marie sana huwag mo kaming kalimutan

Marie: thank you Mae, never ko kayong kakalimutan

Madeline: I miss you so much na agad


Grabi umalis na ng bansa si Marie :(


Di na kompleto ang LUBOG NA GC

8am palang ay nasa terminal na agad ako ng bus para sunduin si tita Aye, sya yung pinaka favorite kong tita sa lahat dahil bunso sya at wala pang pamilya



Spoiled din ako sakanya pag umuuwi kami ng Probinsya ni ate Ayen.



"Aya rito!" Napatayo ako nang marinig ko na yung boses ni tita Aye


Ulan (Destiny series#2)Where stories live. Discover now