CHAPTER 3 (REMINDER)

3 1 0
                                    

After naming kumain ng ice cream ay sakto namang tapos na ang mga kaibigan ko sa club nila.


"Uh sige mamaya nalang" paalam saakin ni axl

"Sige sige" tumango ako


Pag ka alis ni axl ay ang sama na agad ng tingin saakin ni Louise


"Bakit kasamahan mo ang mokong na yon?" Pagalit nyang sabi

"Ano ba ang masama? Kaibigan ko si axl" sabi ko

"Umiwas ka sa lalaking yon Madeline!" Sabat ni Marie

"Marie, and Louise is right. Baka mamaya may masamang balak sayo yon" nakisabat na rin si Ann

"Ano ba ang problema nyo kay axl?" Pasigaw kong sabi

"Bad influence sya sayo Madeline!" Saad ni Aerish

"Hindi nyo pa naman kilala yung tao, hinuhusgahan nyo agad!" Umirap ako sakanila

"Eh Ikaw nga sumasama ka sa lalaking yon bakit? Kilala mo na ba sya ng husto? Diba hindi pa!" Galit na sabi ni Louise

"Pinakitaan ka lang ng mabuti ng tao, nag tiwala ka na agad" saad ni Mae-mae

"Teka pinag tutulungan nyo ba ko?" Tumingin ako sakanila

"Pinag sasabihan ka lang namin" tumingin saakin si Ann

"Hindi eh! Parang pinag tutulungan nyo ko! Kung ayaw nyo kay axl pwes wala na kong paki alam don!" Sabi ko at umalis sa harap nila

"Madeline!" Rinig kong sigaw ni Marie



Bakit ba ayaw na ayaw nila kay axl?


Dahil ba sa background nya?


To: Axl
Di na muna tayo matutuloy, sumama pakiramdam ko

From: Axl
Oh okay, pahinga ka po

To: Axl
Sige, ingat ka pag uwi mamaya

From: Axl
Ingat ka din po :))


Itinago ko na yung selpon ko sa bulsa ng palda ko at sumakay na ko ng Jeep, sobrang sama ng loob ko sa mga kaibigan ko


Feel ko ay pinag tutulungan nila ko...



Humiga agad ako sa sofa pag uwi ko, at umiyak...



Soft hearted ako e, kaya lahat ng bagay ay iniiyakan ko..



Pag dilat ko ay nasa harap ko na si Reign, sya lang ata ang hindi nag salita sakanila


"Hey don't cry" she said

"Pinag tutulungan nila ko" parang akong batang nag sumbong sa nanay

"Hindi ka nila pinag tutulungan okay? Concern lang sila sayo, kami ayaw ka naming mapahamak kaya ganon sila sayo" pag papaliwanag nya

"Pero hindi ko naman kayang layuan si Axl, kaibigan na daw kami e" sabi ko

"Hindi dapat lahat ng kakilala mo ay kaibigan ang turing mo sakanila okay? Pwede mo silang pakisamahan pero hindi mo dapat sila tinuturing na kaibigan kung kakakilala mo palang sa taong yon" mahinahon nyang sabi

"Pero...."

"Alam kong may crush ka kay axl right? Crush is pag hanga lang ika nga nila, pero huwag na huwag mong ipag papalit ang mga kaibigan mo dahil lang sa isang tao okay ba yon?" Ngumiti sya saakin

"Oo, pasensya na kanina. Nabigla lang ako" sabi ko


Mabuti nalang ay andyan si Reign, she's so understanding people. Kaya komportable akong mag open sakanya ng problem dahil never ever nya yon ipag kakalat.



Ulan (Destiny series#2)Where stories live. Discover now