CHAPTER 9 (SELOS FT. GOOD BYE)

3 1 0
                                    

Pag ka pasok ko ng bahay ay nag taka ako dahil sumisigaw si Tita aye, tumaas agad ako at pumunta sa kwarto nya.


Binuksan ko ng kaunti yung pinto at sinilip ko sya, katawagan nya si Mommy



"Kaibigan nga lang yon ni Aya, wala naman sila ginagawang masama" rinig kong sabi ni Tita Aye



Bakit hindi ako ang kinausap ni Mommy tungkol don?


"Naniniwala kayo sa mga marites? Bakit ayaw nyong umuwi dito para naman maniwala kayo!"


How I wish makauwi sila...



"See? Di kayo makauwi, naaawa na rin ako Ate myra sa anak nyo. Puro nalang kayo trabaho wala na kayong oras para sakanya, kinakamusta nyo pa ba si Aya?" Nakita kong umupo si Tita aye sa kama "Kita nyo nga naman, bata pa si Aya kailangan nya kayo kahit na andyan kayo kamustahin nyo yung anak nyo, huwag kayong mapanatag na palagi syang okay"




Tita aye is Right, I hope sya nalang mother ko...


[Madeline alam mo ba nakita ko yung  ex ko] sabi ni axl

Ka voice call ko ulit sya ngayon dahil ngayong araw ang Recognition namin, kahapon din umuwi si Marie kaya excited kami

Na kasali sya sa with honors kaya naman ay umuwi sya ng pinas pero babalik din sya agad ng Florida

"Talaga sinong ex?" Sabi ko habang inaayos ko yung make up ko

[Si claire]

"Nag kausap kayo?" Tanong ko kay axl

[Oo, pero saglit lang]

"Mabuti kung ganon" tumayo ako at inayos ko yung uniform na susuotin ko

[Madeline wait lang, mag aayos na ko] paalam saakin ni Axl

"Gow lang" sabi ko


Bumaba na ko dahil sinundo ako ni Louise, Si tita Aye naman ay susunod nalang dahil may ginagawa pa



"Nako, masyado ka namang nag pa ganda" sabi ni Louise sakin

"Okay lang yan" sabi ko

"Excited na kong makita si Marie" masayang sabi nya

"Ako excited ko nang makita si Axl" ngumiti ako

"Edi wow!" Binulyawan nya ko

"Bitter!" Pag ganti ko sakanya

"Tamo mamaya may picture kami" tinanguan ako ni Louise

"Sino? Kay Liane? Ew kala ko ba moved on na?" Tumingin ako kay Louise

"Anong moved on, walang mag mo-moved on sa pamilyang toh!" Sabi ni Louise sabay tawa


Pag karating namin sa school ay niyakap agad ako ni Marie



"I miss you Marie" niyakap ko sya ng mahigpit

"I miss you too Made" Sabi ni Marie


Niyakap din ni Marie si Louise, kompleto na kami kaya pumunta na kami sa may Auditorium


Pa linga-linga ako dahil hinahanap ko si Axl, hindi ko pa kasi nakikita




"Hoy Madeline umayos ka, andyan lang si Axl. Wala pa naman yung mga Section C" kinalabit ako ni Mae-mae

"Oo na oo na" sabi ko at sumimangot

"Mae-mae kasi e, inaano mo pa!" Sabat ni Marie

"Sinaway ko lang naman, baka mamaya ay mabali na ang leeg kakahanap kay Axl!" Rinig kong sabi ni Mae-mae


Ulan (Destiny series#2)Where stories live. Discover now