CHAPTER 5 (SUNSET)

4 1 0
                                    

"Picture tayo" aya saakin ni Axl

"Sige ba" pumayag ako



Nakailang pose din kaming dalawa sa selpon ni Axl, kumain na din kami after naming mag picture picture.



After naming kumain ay pumunta naman kami sa isang park para doon tumambay, ayaw pa kasi nya umuwi kaya naman pumayag ako.


Wala din naman akong gagawin sa bahay.



"Alam mo ngayon ko lang naranasan na mag bonding kasama ang boy best friend ko" sabi ko at tumingala

"Bakit? Diba kayo nag bo-bonding ni Lei?" Tanong sakin ni Axl

"Hindi" umiling ako "Sa tuwing nag aaya ako palagi syang busy, pero nakikita ko yung myday nya sa fb kasama si Aria"

"Oh.. that's so sad" ngumiti sya ng tipid
sakin "Don't worry ako nalang boy best friend mo"


Nag tagal kami ni Axl sa may park at pareho naming pinanood ang pag baba ng araw....


"Ang ganda talaga manood ng sunset" sabi ni axl

"Totoo" sabi ko

"Hatid na kita sa bahay nyo" saad ni Axl

"No need na" huminto ako sa pag lalakad

"Bakit?" Napakunot ang noo nya at huminto rin sa pag lalakad

"Sa likod ako ng bahay namin dadaan" ngumiti ako ng tipid sakanya "Malapit nalang naman dito yung bahay namin"

"Sige sige, mag iingat ka" sabi nya at nag simula nang mag lakad

"Axl sandali!" Sumigaw ako

Humarap naman sya sakin at lumapit


"Miss mo agad ako?" Nakangising sabi nya

"Sira!" Inirapan ko sya



Feelingero din pala toh?



"Eto, sayo na yung painting" inabot ko sakanya yung ginawa kong painting kanina, kinuha naman nya yon mula sakin

"It's me?" Nakangiting sabi nya

"Oo" tumango ako

"Thank you Madeline!" Niyakap nya ko



Napangiti nalang ako nang yakapin ako ni Axl, like Axl grabi ka na mag pakilig

Saktong pag pasok ko ng bahay ay tumunog ang selpon ko, si Daddy tumatawag



Sinagot ko naman yon at inilayo ko  masyado yung phone sa tenga ko



Expected ko naman na papagalitan nila ko..



[Mariah Madeline totoo ba na hanggang ngayon wala ka sa bahay?] Galit na sabi ni Daddy

"Daddy kanina pa po ako nakauwi" pag sisinungaling ko

[At mag sisinungaling ka pa ha? Nag sabi si Aling Isel umalis ka kaninang umaga para mag jogging kasama ang kaibigan mo, huwag mo kong lokohin Madeline kakauwi mo palang]

What the...


Paano nalaman ni Daddy yon?



"I'm sorry Daddy" iyon nalang ang nasabi ko

[Gusto mo bang ipauwi ka nalang namin sa probinsya? Isa pang pasaway mo!] Sabi ni daddy at ibinaba na yung tawag



See?

Ulan (Destiny series#2)Where stories live. Discover now