CHAPTER 8 (HOT SEAT FT. BRACELET)

4 1 0
                                    

Hindi ko na hinintay yung mga kaibigan ko kaya umuwi na ko kasabay si axl, habang pauwi kami ay nakasalubong naman namin si tita aye


"Oh aya sino yang kasama mo?" Tanong sakin ni tita

"Si Axl po kaibigan ko" magalang na sabi ko

"Magandang hapon po" nag mano si axl kay tita aye

"Sakto nag luto ako ng meryenda sa bahay" sabi ni tita aye at tumalikod na samin



Napatingin ako kay axl nang hawakan nya ng palihim ang kamay ko


"Tita akyat lang po muna ko" paalam ko kay tita aye, naiwan sa may sala si Axl


Pumasok ako sa kwarto ko at nag palit na rin ng damit, init na init na kasi ako sa uniform ko.



Pag silip ko sa may hagdan ay nakita kong kinakausap ni tita aye si axl




"Ikaw ba ay may pag tingin sa pamangkin ko?" Tanong ni tita aye kay axl

"Meron po" sagot ni axl

"Ang tanong may pag tingin din ba sya sayo?"
Lah grabi si tita, real talk yon ha!

"Hindi ko po alam" nakita kong umiling si axl


Ay sabagay hindi pa nga pala nya alam na may feelings ako sakanya



Grabe din nakaya kong itago yung nararamdaman ko kay axl


"Pero willing naman ako mag hintay" sabi ni axl

"Panindigan mo yan axl, dahil lalaki ka at mga bata palang kayo ni Madeline. Ayaw na ayaw kong nakikitang nasasaktan ang pamangkin ko"


Si tita talaga!



Masyadong over protective


"Tita, hina-hot seat nyo si axl" bumaba ako

"Kinakausap ko lang naman" tumingin sakin si tita aye


Iniwan din naman kami ni tita aye para naman daw mag karoon kami ng privacy ni axl



"Sarap gumawa ng tuna pasta tita mo" nakangiting sabi ni axl

"So favorite mo toh?" Tumingin ako kay axl

"Oo" tumango sya sabay kain



After naming kumain ay pumunta kami sa kwarto ko, alam ni tita dahil nag paalam muna ko kung pwede ba na pumasok si axl sa kwarto




"Only child ka lang?" Tanong sakin ni axl

"Oo, meron dapat kaso nakunan si Mommy" sabi ko

"Ako din, only child lang" sabi ni axl

"Pareho pala tayo noh?" Tumingin ako kay axl

"Hirap pag only child" umupo si axl sa kama ko

"Totoo" sabi ko


Lalo na pag walang pakialam sayo yung mga magulang mo



"Madeline natahimik ka ata" naramdaman kong lumapit sakin si axl

"Wala" umiling ako at humarap sakanya



Hindi din naman nag tagal si axl sa bahay kaya inihatid ko sya sa may sakayan, hindi kami dumaan sa may front door dahil nakita ko na nakatambay ang mga marites sa harap ng bahay namin



Pag uwi ko ng bahay ay nakita ko agad si tita aye na nakaupo sa may sala na parang bang hinihintay akong makauwi



"Ikaw ba ay nililigawan ni axl?" Tumayo si tita aye

Ulan (Destiny series#2)Where stories live. Discover now