Ilang minuto na kaming tahimik. Walang kumikibo. Hindi ko rin maintindihan ang itsura niya. Masaya ba siya? Galit? Disappointed? Nagtataka?
Siraulo, 'di siya dapat magtaka.
"Sige lang, hindi ko pa rin naman alam kung anong gagawin ko, eh," sabi ko. "Pinapaalam ko lang sa'yo na incase na magkasala ako, pinagpi-pray ko na ako lang ang makakuha ng karma."
"Siraulo ka ba?" pagalit niyang sabi sa'kin.
"Joke lang," tumawa ako. Pero half meant talaga ang joke na 'yun. Nawala lang yung tawa ko nang mapansin na seryoso pa rin siya. Hindi siya makaimik.
"Sorry," hinawakan ko kamay niya. "'Wag ka mag-alala, hindi kita oobligahin. Ako na bahala. Ayoko naman masira ang pangarap mo dahil dito."
"Hindi, 'wag mong isipin yan. Ginusto naman natin 'to," hinalikan niya ang noo ko.
Ano ba talaga ang plano mo? Hindi kita maintindihan. Gusto mo ba 'to o hindi? Kaya ko ba 'to mag-isa? Paano kung piliin ko ang maling daan? Hindi ko na alam gagawin ko. Mababaliw na ata ako.
--
"Buntis ka?!" exaggerated na tanong ni Gemma. Nakatingin silang apat sa'kin. Ang apat kong mga kaibigan. Si Sir Lee na tatay-tatayan ng grupo, si Faye na napatakip sa bibig matapos marinig ang chika ko, si Gemma na shock na shock pa rin, at si Olivia na hindi rin makapaniwala sa sinabi ko.
"Oo nga!" padabog kong sagot, "Paulit-ulit naman 'to, eh.""Wala ka namang pinakilalang boyfriend sa'min, 'di ba? So sino ang tatay niyang dinadala mo?" tanong na ni Sir Lee.
"Don't tell us na walang tatay 'yan ah. Hindi ka si Mama Mary, punyeta ka," pinakyu na ako ni Faye.
"Alam ba niya na buntis ka?" ito, ang may concern na tanong ni Olivia. Siya ang pinaka-conservative sa'min.
"Alam niya, sinabi ko sa kanya kagabi," sagot ko. "Sabi ko hindi ko siya hahabulin para obligahin ang bata kasi ano nga ba kami? We're just... fuck buddies."
I sighed. Lutang na lutang ako sa nangyayari sa'kin ngayon. Hindi ko pa rin alam ang gagawin ko sa mga susunod na buwan. Pero sure ako na aasikasuhin ko na ang maternity benefit ko sa SSS at maternity leave ko.
Pukengshet hindi ko talaga inaasahan na mabubuntis ako. Sa fuck buddy ko pa! Mas sasakit ata ang ulo ko sa chismis. Ayoko na! Pakamatay na lang kaya ako?
"Sino ba 'yang lalaki?" curious talaga sila kung sino ang lalaki, eh kilalang-kilala na nila ang lalaki. Palagi ba naman yun nandito.
Napatigil kami sa pag-uusap nang may kumatok sa pinto. Napatayo kami sa kinauupuan namin. Nagkumpulan kasi kami sa isang table. Kanya-kanya kaming bumalik sa mga desk namin.
"Come in!" sabi ni Sir Lee.
"Good morning," nag-bow pa siya. Napatingin ako sa kanya, naka-cap siya, naka-jacket na puti, pants, at sapatos na violet. Favorite color talaga niya ang violet.
Nakipag-handshake muna siya sa mga tao sa office except kay Sir Lee. Nakipag-handshake pa siya sa'kin. Tsaka siya dumiretso kay Gemma, siya ang close niya dito pati na rin si Faye.
Nagkunwari akong nagbabasa ng libro, habang sila nagkukwentuhan at nagtatawanan di lang kalakasan kasi mapapagalitan sila ni Sir Lee.
"Basta mamaya, may chika ako sa inyo," sabi niya kay Gemma at Faye. "Pagbalik ko, promise."
"Gaga, sabihin mo na ngayon," singhal ni Faye sa kanya.
"Mamaya talaga," tumawa siya. He walked towards me.
"May ginagawa ka pa?" tanong niya sa'kin. Nakaharap talaga siya sa table ko. "May pupuntahan tayo."
Ang dalawa, Faye at Gemma napa "what's-the-meaning-of-this look" sa'kin.
"Wala na," sagot ko sa kanya, 'di ko na pinansin sina Faye at Gemma.
"Pa-check up tayo," ngumiti siya. "Tingnan natin kung healthy si baby."
"Putangina," yan na lang ang nasabi ng dalawang kaibigan ko. Alam na nila ang ibig sabihin ng pag-aya ng isa na magpa-check up.