Chapter 5

6 0 0
                                    

FOUNDATION DAY.

Mas marami ang booths ngayon kaysa noong Valentine's day. May mga competition din kaya maraming pagkakaabalahan, panonoorin, at gagawin ang mga estudyante. Ako pa nga napag-utusan gumawa ng questions sa quiz bowl.





Nakasuot ako ng black paramore band shirt, brown skirt, at white shoes. Nagbandana din ako as my head dress.



Hindi na ako sumama sa parade kasi inuna ko ang paggawa ng mga questions. Pagkatapos ng parade nagsidatingan na sina Gemma kasama si Mikho at Echo.



"Ba't 'di ka sumama, ma'am?" tanong ni Mikho. Umupo siya sa harap ko. Habang si Echo kumuha muna ng alcohol sa table ni Faye na hanggang ngayon wala pa.



"Mainit. At tsaka gumagawa pa ako ng question para sa quiz bowl mamayang hapon," sabi ko. "Wow ang pogi niyong dalawa ngayon, ah!"

Si Mikho na naka black oversized polo, gray pants, may mga accessories din siya, naka-Dr. Martens na loafers. Habang si Echo naka blue polo, white pants at violet na nike shoes, naka-shades din siya at cap.




"Ikaw gagawa? Akin na answer, kasali ako dun, eh," lumapit si Echo kay Mikho.



"Kala ko wala kang sinalihan?" tanong ni Mikho.



"Nilista naman na ako ni Melon, hindi na ako naka-hindi," aniya.





Tinawag sila ni Gemma kaya lumapit ang dalawa sa table ng kanilang Inay Gemma. Hindi ko na rin sila masyadong pinansin kasi nagfocus ako sa paggawa ng questions. Mamayang hapon pa naman na 'to.





"Okay, done," nag-stretching pa ako. Dumating na rin ang Faye. Aba, ang dalawa nag-matchy-matchy! Parehong naka-blue vest si Faye at Gemma.



"Good morning, everyone!" bati ni Faye sa'min.

"Cute niyong dalawa, para kayong teletubbies," sabi ni Mikho.



"Compliment ba yan o insulto?" tanong ni Gemma, "Upakan kaya kita dyan."


Tumawa ng malakas si Echo kaya napatigil si Gemma, "Tawang-tawa, Echo?" Kaya nagtawanan kaming lahat.



"Ikaw ang team captain, Echo?" Sir Lee is so busy sa ML Tournament.



"Yes, Sir," lumapit si Echo kay Sir Lee. "Ako po tapos ang coach po si King."



"Teacher dapat ang coach," ani ni Sir Lee.


"Si Sir Geoff sana, magaling 'yun mag-ML, eh," sabi ni Faye. Ah si Geoff, ex ni Rigelle.

 

"Ikaw na lang, Mori," sabi ni Sir Lee. "Naglalaro din naman 'yan si Mori. Ano na rank mo?"

Nagsimula na naman silang mang-asar. Hay nako.


"Pwede din, Sir," sabi ni Echo. Lumingon siya sa'kin tinaas-baba niya ang kilay niya.



"Legend pa lang ako, Sir. 'Di na ako masyadong naglalaro, eh. Pero sige," pumayag pa rin ako. "Basta si King ang student coach."

 

Kailangan ko rin ng katulong. Hindi naman ako masyadong magaling maglaro, eh.


"Okay, Miss Mori. Noted po," sabi ni Sir Lee. Nagpatuloy siya sa kinabi-busy-han niya. Habang ang dalawa, si Faye at si Gemma nagseselfie.




Lumabas muna si Mikho at Echo kaya kami-kami na lang sa faculty ang nag-usap-usap.



"'Yung Geoff ba, 'yun 'yung english teacher, 'no?" tanong ni Gemma. For sure nakikichismis na naman 'to.


Never Tell the World About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon