WEEKEND. Pasalamat talaga ako na wala akong dinalang trabaho sa bahay. Nag-general cleaning na lang ako sa bahay. Nilinisan ko na rin ang motor at kotse ko. I deserve alak. Hindi ko naman maaasahan sina Gemma sa inuman kasi mga good girls yun. Si Gemma may asawa na, si Faye naman may long time boyfriend, strict daw ang boyfriend niya, si Oli naman single pero conservative yun.
Kaya tatawagan ko na lang sina Rigelle. Pero baka may pasok yun ngayon sa law school. Si Rigelle at Delar kasi ang nagpatuloy sa law school. Ang dalawang mongoloid naman na si JR at Alfred, army na. Si Clarence, ayun, pulis na. Ako, heto, teacher. Hindi ko nga ito inexpect kasi hindi ko naman gusto magturo pero ganun ata talaga ang tadhana. Pinaglaruan talaga ako nito.
Nagchat na ako sa gc namin. Baka sakaling mapansin nila at magkompleto ulit kami. Iba pala talaga kapag graduate na sa college. Adulting feels.
Rigelle:
Okay. Tapos na klase ko alas nueve.
Clarence:
G. May passes ako ngayon.
Delar:
I'll be there at 11pm. May booking. Char.
Morgianne:
Tangina mo, Delar, di ka na nagbago.
Delar:
Sus ikaw din naman. Hahahaha
Wala talagang pinagbago si Delar. May oras pa talaga siya panindigan ang pagiging fuck boy niya. Partida nag-aaral 'yan sa law school, ah.
7pm pa lang naman kaya kumain muna ako. Konti lang kinain ko kasi baka isuka ko lang mamaya.
Nagscroll muna ako sa mga social media accounts ko. Kita kong nagpost si Mikho ng picture na kasama si Echo, nag-iinuman na naman pala sila kasama mga kaklase niya. Nag-heart react lang ako sa post na 'yun.
Biglang nagchat ang Mikho.
Mikho:
Shot?
Morgianne:
Sige. Mamaya pang 11pm ako pupunta dyan. See you.
Mikho:
Nandito asawa mo.
Nag-haha react na lang ako sa reply niya. Siraulo. Pagtitripan na naman ako.
Nang malapit na ang alas onse, naligo na ako at nagbihis. Nakasuot akong long sleeve backless top at skirt, nagsandals na rin ako, light make-up kasi madilim na rin naman na, hindi makikita ng mga tao ang mukha ko. Kinuha ko na ang bag at susi ko.
Pagpasok ko sa resto bar sinalubong ako agad ni Mikho ng beer.
"Ganda natin ngayon, ma'am," bati niya sa'kin. Kinuha ko ang baso at nilagok ang laman nito.
"Thanks," binalik ko sa kanya ang baso.
"Tara, dito sa'min," aya sa'kin ni Echo.
"Hi, Ma'am!" kumaway-kaway pa mga kaibigan nilang sina Andrea, at Chona. Nandito rin pala ang kaibigan nilang gay na si Ashley.
Niyakap ako ni Ashley, "Hi, mother dearest. Mag pogi hunting tayo ngayon!"
"Yes naman!" nag-apir pa kaming dalawa. "'Di kayo kasali kasi may mga jowa kayo!" tinuro ko si Andrea at Chona.
"May asawa ka nga, ma'am, eh," sabi ni Chona. Tinuro pa niya si Echo. Nakatingin lang siya sa'kin habang hawak-hawak ang baso.