NAPAGDESISYONAN ng faculty na mag red kami ngayong valentines day. Ako na walang red shirt, or any red colored clothes, humingi ng tulong kay Faye. Kasi marami siyang iba't ibang color ng damit. Siya kasi pinakakikay sa'min. Any color ng damit ata meron siya.
Suot ko ang red crop top na pinahiram sa'kin ni Faye, white denim skirt, at black boots na may heels. Nag-headband na rin ako para cute akong tingnan. Mapapagkamalan na naman akong estudyante nito. Iba talaga hindi naabutan ng K-12, tsaka baby face. Hindi nagkakalayo ang edad ko sa mga estudyante ko. Minsan nga mas mukha pa akong bata kaysa sa kanila.
"I-video mo!" ulit-ulit na sabi ni Gemma kay Faye, "Sasayaw si Mikho!
Ang galing talaga sumayaw ni Mikho. Ang hot niya ring tignan kapag sumasayaw. Pati ako nag-video na rin para kapag inasar niya ako i-edit ko 'tong video niya. Pagti-tripan ko rin naman siya.
"Happy valentine's day, Miss Mori," bati sa'kin ng mga Criminology students ko. Binigyan din nila akong flowers. Ang cute nga kasi iba-iba ang flowers. May totoo, may fake, meron ding crocheted.
"Salamat! Ang gugwapo niyo naman! Happy valentines day rin! Sana magka-jowa na kayo," biro ko sa kanila.I l Nagpapicture pa sila sa'kin. Yung mga babae naman niyakap ako at binati.
"Miss Mori, happy valentine's po," inabot sa'kin ng Education student ko ang cake na dala niya.
"Hala nakakahiya naman. Salamat," natuwa talaga ako sa cake. Nagki-crave ako ng cake eh. May ibang student na binigyan ako ng chocolates at candies.
Natutuwa talaga ako kapag may celebration eh. Tulad ng valentine's day, birthday, christmas, lalo na teachers' day, palaging may chocolate at cake. May mga flowers din at gifts. Mahilig ako sa ganyan eh.
Sumusunod lang ako kay Gemma, Faye, at Mikho pabalik sa faculty. Si Mikho ang may dala ng mga flowers at ecobag na may mga chocolates. Si Gemma na habang naglalakad nagvi-video, nagse-selfie.
"Hoy lumapit ka dito, Moryang!" ayan na naman siya. Poker face lang ako na naglalakad patungo sa kanya.
Hindi kasi talaga ako mahilig sa mga picture-picture at selfie. Eh ang friendship ko ang hilig sa pag video at selfie. Wala akong choice kundi jumoin na lang.
"Asan pala yung kambal mong si Echo?" tanong ni Faye kay Mikho.
"Parating na 'yun. Pasikat 'yun eh. Gusto palaging late" sagot ni Mikho.
"Speaking of the devil," sabi ko, "Ayan na siya, oh," tinuro ko si Echo na papalapit sa'min.
Nakasuot siyang red na checkered long sleeves, white inner sando, denim pants, at naka Dr. Martens na sapatos. May cap din siya. Palagi talaga siyang naka-cap. Dati hindi naman, nung long hair pa siya.
"Happy valentines' day mga OA!" Binati niya kami. Mga OA daw kami, eh. Nakipag-apir siya kay Gemma, Faye, at Mikho. Ako ang huling pinansin niya. Bigla siyang yumakap sa'kin. Pero kumawala rin naman siya agad.
Wala akong nasabi, ngumiti lang ako sa kanya. Ang tatlo naman dumiretso na lang sa paglalakad habang nagkukwentuhan. Kinuha ni Luis ang mga dala kong bulaklak at ang cake.
"Dami mo naman flowers, ganda yarn?" nagsimula na namang mang-trip ang Echo, oo.
"Ganda talaga," I flipped my hair.
"Ganda nga," ngumiti siya, lumapit siya sa tenga ko at may binulong, "Ang sexy mo pa. Happy valentines day, Mori."
"Happy valentines day, Jericho," kumapit ako sa braso niya.
Wala namang malisya para sa'kin, ganito rin naman ako sa iba kong estudyante. Sadyang magkaibigan talaga ang turingan namin.
"Hanapan niyo nga ako ng lalaki, tapis i-blind date niyo sa'kin," sabi ko sa kanila. Pagkarating na pagkarating namin sa faculty.