PAGLABAS ko ng faculty naabutan ko si Echo na nasa labas, tumatambay. Agad siyang tumayo nung nakita niya ako. Inayos niya pa ang cap niya. As usual, nakashades siya na violet. Mas lalo siyang pumogi kasi naka-uniform siya.
"Hi, Miss Mori," salubong niya sa'kin. Patuloy lang ako sa paglalakad.
"Hindi ka pumasok kanina sa klase ko," sabi ko habang patuloy pa rin na naglalakad. Sumusunod naman siya sa'kin.
"Sorry talaga, Miss, bawi na lang ako sa'yo. Sit in lang ako sa klase mo ngayon."
"Tapos? Sa'n ko ilalagay ang grade mo? Sa subject papasukan mo ngayon? Eh 2nd year 'to."
"Hindi. Presence ko lang."
Napatigil ako kaya napatigil din siya.
"Jino-joke time mo ba ako?" kunot-noo kong tanong sa kanya. Siraulo ata 'to. Wala akong panahon makipagbiruan eh.
"Ito naman, hindi mabiro," sumimangot siya. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Hanggamg makarating sa classroom namin.
"Good afternoon, class," pagpasok ko sa room.
"Good afternoon, Miss Mori."
They already know the drill. Pagpasok ko, dumiretso na sila sa pagdidiscuss.
Umupo na ako sa likod. Tumabi naman sa'kin si Echo.
"Mas behave pa kami kaysa dito, 'no?" bulong niya sa'kin.
"Oo pero at least dito walang nale-late at umaabsent," sabi ko.
"Wala talaga kasi hapon naman na ang klase. Kung ganito ang time ng klase natin hindi ako male-late at mag-aabsent, no."
"Sige balik ka 2nd year, dito ka pumasok."
"Ay, ayoko."
Parehas na kaming tumahimik. Nakikinig ako sa discussion ng nga estudyante ko at dumadagdag ng mga informations habang si Echo nagse-cellphone lang.
"Bro," sagot niya sa tumawag sa kanya.
"Oo, susunod ako.... Hindi pa. Nasa school lang...... Basta basta susunod ako..... Sige bye."
Tiningnan ko siya, "Sino yun?"
"Ah, si Mikho. Inaaya ako magbilliards."
"Sige na punta ka na dun."
"Ayoko, gusto pa kitang kasama."
Hindi ako nakapagsalita. Gusto kong ngumiti dahil sa sinabi niya kaso baka isipin niyang kinikilig ako.
Hanggang matapos ang klase sunod nang sunod pa rin sa'kin si Echo. Nawala ang badtrip ko nang nakita at nakasama ko siya.
"Wala ka bang ipapagawa o ipapacheck?" tanong niya sa'kin.
"Mukhang wala naman. Sige na magbilliards na kayo ni Mikho."
"Sure ka?" umupo siya sa harap ng table ko. "Bahala na 'yun si Mikho. Baka may ipapacheck ka dyan."
Naalala ko may mga activities ang mga students na hindi ko pa nache-check pero nasa laptop siya kaya nagdadalawang-isip ako kung magpapacheck ba ako.