1

9 0 0
                                    

Three meetings na akong binabadtrip ng section na 'to. Ilang meetings nang palaging late ang mga students na 'to. Nakaka-disrespect sa oras. Nakakasayang ng oras sa paghihintay sa kanila na pwede na sanang makapagsimula na ang pag discuss.



Tahimik sila habang nagdidiscuss ang isa sa mga kaklase nila. Walang umiimik. Nakikita kasi sa aura ko na wala ako sa mood ngayon. 9:00am to 10:30 ang schedule pero nakapagsimula ng 9:30 dahil inaantay ang iba.



Matapos ang discussion, nagpa-quiz ang mga assigned discussants.





"Oh, 'yung mga late dyan? Ano? Sa'n kayo kukuha ng answer? Sa katabi ninyo?" nangibabaw ang boses ko.





10:20 na saka may pumasok sa room, "Sorry, Miss, I'm late." Mayabang 'tong batang 'to ah.




"Ang aga mo naman sa next subject? Buti 'di ka nahiyang pumasok?" tinaasan ko siya ng kilay.




"Sorry, miss, bagal kasi ng bus. Nagcommute lang ako, eh," nag-explain pa talaga siya.




"Ako lang pwede ma-late dito sa klase," sabi ko, "Walang quiz ngayon," dagdag ko. May narinig pa akong nag "Yes!"





"Meaning? 0 kayo lahat," naglakad na ako palabas ng room, "Class dismiss."






Namimihasa na ang iba na mahigit 10 ang late ngayon. Ako pa gagawing siraulo na siraulo ako dati pag college.






Siguro nga bumabawi ang mga estudyante ko sa kapasawayan ko nung nag-aaral pa ako.





May mga estudyante rin naman akong nagiging kaibigan ko, hindi rin naman nagkakalayo ang edad namin kaya nagiging barkada lang kami. Pero kapag sinabing respeto, meron naman sila nun.





Nagpahinga muna ako sa faculty para magready sa susunod kong class. Mapapasabak na naman ako sa mga Criminology. Nauubos talaga ang energy ko sa kanila. 60% discussion, 40% scolding ang nangyayari. Ubos pati pasensya ko. Inubos pa naman na ng mga education ang pasensya ko kanina.





Patuloy lang sa pagtatrabaho dahil alipin ako ng salapi. Bahala na kung walang boyfriend basta may pera. May boyfriend nga ginagawa akong sugar mommy, no, thanks. Mas gusto kong pag gastusan ang sarili ko.





Matapos ang klase ko bumili muna ako ng milktea, pagbalik ko sa faculty nandito pala yung dalawang baby boys ni Gemma. Sina Mikho at Echo. Itong si Echo namimihasa talaga to sa'kin.




"Ayay! Nandito pala ang magjowa," sabi ko.





"Hi, miss! Wow pamilktea-milktea ah?" bati sa'kin ni Echo. "Libre mo nga kami."





"Kay Inay Gemma niyo kami magpalibre, mas mayaman yan kesa sa'kin," sabi ko.





Mauutusan talaga ang dalawang to basta kung magpacheck at kung ano-ano pa. 3rd year Secondary Education sila. Silang dalawa ang favorite ni Gemma. Madalas talaga silang nasa faculty kaya nakakapagchikahan kami.






"May boyfriend ka, Miss Mori?" tanong sa'kin ni Mikho. Nakatingin siya ngayon sa salamin. Nagpapagwapo. Iba talaga ang aura niya kapag naka-uniform. Mas gumagwapo siya.





"Wala, ayoko ng boyfriend," sagot ko. Pinagpagan ko ang kwelyo niya na may dumi. "Bakit, may irereto ka ba?" pabiro kong tanong.






"Ako, bro," inakbayan siya ni Echo. "Ako ireto mo."





Napangiwi ako at tinaasan ko ng kilay.




Never Tell the World About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon