MAY OBSERVATION SI DEAN NGAYON. Kaya humanda talaga ako sa mga idi-discuss ko. Random lang ang pagpasok ni Dean sa mga classrooms kaya nabigla ako nang bigla siyang pumasok sa klase ko.
"Have you watched the documentary about adult content creators and about babies for sale? It's an eye opener to the audience about sexual exploitation and sexual consent, also poverty. They're willing to sell their babies just to have money," hindi ko na nga alam pinagsasabi ko. Paano ko ba idi-discuss ito nang hindi magiging bastos sa pandinig?
Buti na lang nakinig naman ang mga estudyante ko. Hindi naman sila maingay, attentive naman sila kaya bumuntong-hininga ako with relief. Natapos akong obserbahan ni Dean, nagpatuloy na sa pagdiscuss ang mga estudyante ko.
Bumalik pa nga si Dean na nagdidiscuss ang estudyante ko, confident naman ako kasi magaling sa pagdiscuss si Erica.
Pagkatapos ng klase nagretouch muna ako sa faculty, dumiretso na ako susunod kong klase.
"15 minutes late is considered absent, please monitor the attendance, Racquel," utos ko sa class monitor. "Good morning by the way."
"Good morning, Miss Mori," bati ng mga estudyante ko.
"Take your seat," dumiretso na ako sa upuan ko sa likod. Nakahanda naman na ang mga estudyante ko na magdidiscuss kaya hinayaan ko na sila.
As usual, late na naman ang Jericho. Pagpasok niya nag-bow pa siya sa'kin saka umupo sa pinakadulo sa likod.
Pagkatapos mag-quiz, nagpaalam ako agad. Sumunod na agad sa'kin si Echo, nagvolunteer na siya na magdala ng mga papel na dala ko. Hinayaan ko na lang siya.
"Hoy, may nililigawan ka pala ah!" sabi ko agad sa kanya na may halong pang-aasar para naman hindi halatang ano.
"Ano?!" nagtataka niyang tanong. "Anong nililigawan?"
"Magdedeny pa siya oh," tinusok ko siya sa tagiliran, "May nililigawan ka sa BSEd English, 'di ba?"
"Anong pinagsasabi mo?" takang-taka niyang tanong. "Kung may liligawan man ako, ikaw 'yun."
"Hay naku, Echo, 'wag mo na akong pagtripan. Masasayang lang oras mo. Magfocus ka na lang kay Nami," tinapik ko balikat niya.
"Gaga!" mahina niyang pinitik ang noo ko, "Ibang Jericho 'yun. Jericho sa Economics 'yun. Kilala ko 'yun, eh."
"Weeeh?" pahiya ako konti dun ah. Kaya wala akong masabi.
Tinawanan niya lang ako, "Hindi pa nga ako ready sa commitment, manliligaw pa ako. Hindi pa nga kita maligawan, eh."
Kumunot ang noo ko, "Hindi ka talaga tumitigil sa pag-aano sa'kin? Irereto na nga kita sa iba."
"Payag nga ako basta ireto mo sarili mo, walang problema," ngumiti siya sa'kin. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Nilapag niya sa table ko ang papel. Umalis lang siya agad.
****
"Bakit naman naka-smile sa walang dahilan ang Mori namin?"
Hindi ko napansin nakatulala pala ako.
"Anong naka-smile? May iniisip lang ako," sabi ko. Iniwas ko tingin ko kay Faye.
"Sino naman iniisip mo? Smile na smile ka dyan, eh," may pang-aasar na sabi ni Faye. Lahat na lang talaga napapansin ng gagang 'to.
"Wala lang, may naisip lang," I shrugged.
"Ang ganda mo nung foundation day, kita ko sa mga pictures," pag-iiba niya ng topic. Ay oo nga pala, wala pala siya nun. "Congratulations nga pala. Regards ko kay Dani."
"Thank you, Faye," naaalala ko magkakilala pala sila ni Daniella kasi naging magkaklase sila sa ibang subject nung college.
"Tanungin mo kung sino ang nag-isip ng isusuot ni Mori nung last day ng Foundation day," ayan na naman sila. Bibigyan na naman nila ng meaning ang kung ano-anong bagay.
"Sino nakaisip ng isusuot ni Mori, Gemma?"
"Edi ang anak kong si Jericho," proud niyang sabi.
"Ito kasing si Jericho, hindi lang nakasama si Mori nung 2nd day ng Foundation day, tinawagan ba naman gamit ang phone ko, sabi mag-matchy-matchy daw sila. Pumayag si Mori! Kaya ayun pareho silang naka-black and white."
"Kinikilig ako!" sabi ni Faye.
"Hoy bakit?" hindi na namin napansin na kumatok pala si Mikho. "Anong ganap?"
"Wala, kinikilig lang kami kay Echo at Mori," sabi ni Faye.
"Ahh, oo," ngumiti ng nakakaloko si Mikho. Parang may gusto siyang sabihin pero pinipigilan lang niya.
"Pero nagselos ka, Ma'am Mori?" sabi na nga ba eh. May gusto talagang sabihin itong si Mikho.
"Hoy! Ano 'yan? Ichika na dali! Habang wala pang klase," sabi ni Gemma.
"Punyeta kayo tigil tigilan niyo ako!" tinuro-turo ko sila.
Tinatawanan lang ako ni Mikho. Nang-aasar talaga siya. Humanda 'to sa'kin. Kinurot-kurot ko siya sa tagiliran.
"'Di ka talaga tatahimik, Mikho?" sinamaan ko siya ng tingin. Hinila naman ni Faye si Mikho palabas ng faculty room.
Nakichismis na talaga ang Faye, siraulo talaga 'yun.
Pinabayaan ko na lang sila, nagfocus na lang sa pagsulat ng ididiscuss ko sa klase. Pagod na pagod na ako pero nagpapasalamat ako sa mga estudyante kong nagpapagaan ng loob ko. Nakakalimutan kong mahirap pala maging teacher.
Wala din naman nag-utos sa'kin na maging teacher, eh. Kinausap lang ako ni Sir Rovert na magpass ng resume sa kanya, kinabukasan pinatrabaho na ako as a teacher.
"May dala kang sasakyan ngayon, Mori?" tanong ni Oli sa'kin. Tapos na kasi klase niya, tapos na rin ang klase ko.
"Magko-commute ako, sabay na lang tayo," sagot ko. Inayos ko muna ang desk ko bago umalis.
Paglabas namin sa gate nakasabay namin ang mga anak ni Gemma. Nagkumpulan na naman sila at nag-bye sa'min ni Oli.
Lumapit lang sa'min si Mikho at Echo.
Nag-bow sila kay Oli, habang sa'kin nakipag-handshake sila. Mga siraulo talaga 'to. Hindi kasi nila masyadong close si Oli. Maraming nahihiyang estudyante kay Oli, introvert kasi siya. Madaldal lang siya kapag kaming apat ang kasama. Pero kapag iba, hindi siya nakikipag-usap unless kailangan.
"Pauwi na kayo? Tambay muna tayo," aya ni Mikho sa'min.
"Hindi ako pwede tumambay ngayon, may tatapusin pa akong exam, eh," tanggi ni Oli. "Sorry," bumaling siya sa'kin, "Baka gusto mo sumama sa kanila, Mori."
"Hindi rin ako pwede. Kailangan ko magpahinga, masyado akong pagod ngayon, eh," sabi ko. Hindi ko maintindihan ang pagod ko ngayon, eh.
"Ganun ba? Sige next time na lang," sabi ni Echo. Agad niya akong niyakap, "Bye."
"Bye Miss Oli," nag-bow ulit ang dalawa.
Palagi na lang akong napapatigil basta niyayakap ako ni Echo. Ano kaya iniisip ng mga nakakakita sa'min? Baka ako lang nag-iisip na may malisya sa yakap namin?
Tumigil ka na, Mori. Estudyante mo 'yan. Bata pa 'yan.