Chapter 5

7 0 0
                                    

"I'm very curious na kung sinong napili nilang candidate. Like, sana me nalang," Cashew sighed.

Napaka-conyo talaga nitong babaeng ito. Palibhasa kasi ay lumaki sa ibang bansa at hanggang ngayon ay hindi pa rin sanay mag-full tagalog sa loob ng isang oras. Mabuti nga at madalas niyang kasama si Plum, natututo siya paminsan-minsan.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sinasabi sa kanila na isa ako sa hinirang na candidate para sa paparating na pageant. Ayokong sabihin muna dahil baka pagkaguluhan ako ng mga kaklase namin. And so far, wala pa akong napapakinggang rumor kung sino ang lalaking napili dito sa section namin. 

"Baka madisqualify ka lang pagdating sa question and answer portion dahil conyo ka sumagot. Aba, ilang taon ka na nakatira dito sa Pilipinas pero ang tagalog mo pa rin ay hindi umuunlad, Kasoy," Plum said emphasizing the nickname she used to annoy our friend.

"Stop with that Kasoy, ang pangit pakinggan," Cashew rolled her eyes but her cousin continued to annoy her.

 "Bakit nakakunot na naman 'yang noo mo, Cosette?" tanong ni Plum nang magsawa sa pang-aasar sa pinsan niya.

"Wala, iniisip ko lang bakit ko ba nagustuhan 'yong lalaking 'yon," singhal ko tsaka pinagmasdan ang natutulog na mukha ni Dawn.

Kahit tulog, ang gwapo pa rin.

Mukhang nabasa ni Plum ang naiisip ko kaya sumagot siya."Kasi pogi?"

"Nasaan riyan ang pogi? Wala akong makita," sagot ko at tila naghahanap.

"Sinong niloko mo Ate ko? Lahat ng lalaking naging crush mo, naging crush mo lang dahil pogi," sabi ni Cashew dahilan para matigilan ako.

"Paano kung hindi?" tanong ko sa kanila at sila naman ang matigilan.

Sabay nila akong nilingon tsaka nagsalita si Plum, "Ano naman dahilan mo bakit mo nagustuhan 'yong baklang 'yon?"

"Secret," sagot ko.

"Ayan ka na naman sa mga lihim mo, Cosette ah! Stop your feelings for him na, you are not his type nga daw 'di ba?" Cashew said while raising her right eyebrow.

"Move on daw," saad ni Plum tsaka tumawa. "Huwag ako 'te, marupok ka." 

Ano ba kasing magagawa ko? Dapat pala ay sinunod ko na lamang ang bilin ni Daddy na lumipat ako ng school para daw makaranas ako ng new environment kaso tumanggi ako dahil isang taon nalang rin naman ang itatagal ko sa paaralang ito, sayang 'yong contract at tuition. 

Ngunit bigla akong napaisip. Kung siguro ngang wala ako sa Artique University ngayon ay paniguradong mabubulok lang ako kakaaral sa ibang eskwelahan dahil hindi naman ako sanay makihalubilo sa ibang tao. At isa pa, kung sakaling hindi ako dito nag-aral ngayon ay paniguradong walang Dawn na gumugulo sa isipan ko.

Nasa classroom kami ngayon at saktong wala ang subject teachers namin ngayong umaga dahil sa meeting nila. Wala tuloy kaming ibang magawa kundi ang mag-usap habang gumagawa ng mga iniwan nilang tasks para daw walang palabas-labas ng classroom. Ngunit nakakapagtaka na ang isa sa mga hearththrob ng school ay tulog pa rin. 

Lumipat ako ng pwesto at kinausap si Lumierre kung pwedeng magpalit kami saglit ng pwesto. Isa siya sa mga kaibigan ni Dawn at alam kong matagal na siyang may gusto kay Cashew kaya natitiyak kong papayag rin ito at tama nga ako. Pagkaupo ko ay patago kong pinagmasdan ang inosenteng pagmumukha ni Dawn, walang ditong bakas ng kahit anong makeup ngunit may suot siyang pearl na headband at kahit ganoon ay hindi mo pa rin masasabing bakla ito sapagkat bagay ito at mas maaliwalas tignan ang pagmumukha niya.

Ito ba ang lalaking humalik sa akin? Ang taong nagnakaw ng una kong halik, kailan mo ba ako magugustuhan?

When I found out that almost everyone was busy with what they were doing, I slowly removed the hood of his jacket, fixed the hair covering his eyes, and saw how he flinched with that. I was shocked when the corners of his lips twitched so slightly, hinting at his inner delight. 

Spring BreathWhere stories live. Discover now