Chapter 7

2 1 0
                                    

"Where have you been, Cosette?" Plum asked when she saw me coming out of the restroom. "The administrators have been looking for you and I don't know why."

Dawn bought me a whole new set of uniform kahit na ang blouse ko lang naman ang namantsahan, regalo niya na daw sa akin kahit hindi ko pa birthday. Nagpalit na ako ng uniform kaso nga lang pakiramdam ko ay kumapit ang amoy ng toyo sa bra ko nang lumapat ito sa blouse ko kanina. 

Hindi ko sinagot si Plum, imbes ay nginitian ko siya at tinitigan. "Anong nangyayari sa iyo 'teh? Bakit ka nangiti? Mukha kang praning," sabi nito tsaka kumaway sa harapan ko matapos akong matulala.

Ewan ko rin kung bakit napangiti nalang ako bigla, siguro dahil ang rason ng mga ngiti sa labi ko ay nasa harapan ko na ngayon. Parang bumabagal ang pagtakbo ng oras habang pinagmamasdan ko siya. Mukhang hindi ako magsasawang titigan siya.

"Kumusta? Malaki ba?" tanong nito at lalo akong napangiti.

I giggled, "Kasya naman."

"Mahaba ba?" tanong nito muli.

"Oo pero ayos lang, keri ko naman!" sagot ko dito habang namumula.

"Masarap ba?" hindi ko na napigilang tumawa nang magtanong siyang ulit sapagkat pareho kaming tinignan ni Plum na animo'y nandidiri.

"Oh my gosh, kadiri! Ginawa ninyo na?" tanong nito at tinakpan ang bibig gamit ang dalawa niyang kamay habang nanlalaki ang mga mata.

Tila naguluhan si Dawn. "Anong ginawa?"

"Plum, tigilan mo nga 'yang pagkalat ng maruming impluwensiya sa utak mo. He's asking about the uniform he bought for me," pagpapaliwanag ko ngunit lalo lamang siyang umatras.

"Why does he have to buy you a uniform? Gosh, bakit mo hinubad ang uniform mong g*ga ka!" asik nito sa akin na parang hindi makapaniwala sa istoryang nabubuo sa isipan niya.

I sighed, napakasama talaga ng utak ng babaeng 'to. "Namantsahan yung uniform ko kaninang lunch at kailangan kong magpalit kaso wala naman akong dalang extra. Hindi rin kita mahanap kanina kaya ayan, binilhan niya ako ng bagong uniform."

Nakahinga naman nang maluwag si Plum matapos kong magpaliwanag. Mukhang naniniwala naman siyang nagsasabi ako ng totoo kaya hindi na siya nagtanong pa. Habang naglalakad kami ay pumapagitan siya sa aming dalawa ni Dawn, nagmukha tuloy siyang conservative na chaperone ko. Muntikan pa siyang umiyak at nagpasalamat na hindi pa namin ginagawa ni Dawn ang bagay na tanging mag-asawa lamang ang may karapatan gumawa.

Papunta kami ngayon sa gym kung saan gaganapin ang introduction ng candidates para sa pageant. Kung nasaan man ngayon si Cashew ay hindi ko alam. Wala man lang itong text o chat kung nabilaukan ba siya habang kumakain kasama si Lumierre. Ang lalaking 'yon, hindi ko pa nga natatanong kung seryoso ba siya sa kaibigan ko pero umaasenso na agad. Itong kaibigan niya kaya kailan?

Pansin kong marami na agad ang estudyanteng nagkukumpulan sa loob ng gym na tila may inaabangan. Ayokong mag-assume pero kami nalang kasi ang nakikita kong naglalakad papunta sa loob.

"Ang ganda niya talaga!"

"Her looks never disappoint talaga."

"Sagutin mo na kasi ako, Elodiah!"

Nang marinig ko iyon ay para akong naestatwa--- hindi naman Elodiah ‘yong pangalan ko ah? Huminto ako sa paglalakad at bakas sa mukha nina Dawn at Plum ang pagtataka ngunit tumigil rin sila. Naunang naglakad ang sinasabi nilang Elodiah at kitang-kita ko kung paanong ang mga nagkukumpulan kanina ay biglang pumasok sa loob. Hindi pala ako ‘yong pinaparinggan ng mga estudyante kanina. Ang akala ko pa naman ay kami ang hinihintay nila ngunit hindi nakaligtas sa paningin ko ang dalawang pares ng medyas ng babaeng 'yon, mahaba ang mga iyon at may lace.

Spring BreathWhere stories live. Discover now