Leah's POV
"Leah ,nasan si Belle? Nakita mo na ba siya?" Brina asked me. Kanina pa kasi wala si Belle. Ang tagal naman nun sa restroom :3 Haaays ,dapat talaga sinabay nalang namin yun pagpunta namin dito sa pagkatapos ng klase eh.
Kanina kasi pagkatapos na pagkatapos ng klase namin ,nagmamadali lumabas si Belle.Pinigilan namin siya kaso sabi niya magre-restroom daw siya,tapos tumakbo na siya ng mabilis kaya kami nalang Besh Brina ang nagsabay pumunta dito sa gym.
Kaso 30 minutes na yata ang nakalipas wala parin siya dito sa gym.
"Nope.Hindi ko pa siya nakikita besh" I answered Brina.
"Nasaan kaya yun babaeng yun?! Hindi naman siya nagsabi satin na uuwi na siya."
Nilibot ko yung paningin ko sa buong gym.Baka kasi makita ko si Belle na naga-ala Dora lakwatsera. And there I saw Jake.Ang dakilang boyfriend ni Besh Belle.
"Jake!!" I called him.
Malapit lang naman yung inuupuan namin ni Besh Brina sa pwesto ng GEU players eh.Halos nasa harap nga lang namin sila.
Lumapit sa'min si Jake."Oh, bakit Leah? Wala pa'rin si Belle?" He asked.
Tumango tango ako as an answer "Sige tatawagan ko nalang siya" Jake said.
Hindi ko matawagan si Belle kasi nasira yung Cellphone ko ,hehe. Yung cellphone naman ni Besh Brina ,lowbat :3
Umupo sa tabi ko si Jake.May bakanteng upuan kasi sa tabi ko para kay Besh Belle.After a few seconds nagsalita si Jake, may kausap siya sa phone nya.
"Belle, nasan ka?.... Huh? diba may basketball game kami ngayon? Pumunta ka na dito sa gym girlfriend ko.... Good ,I'll wait for you.20 minutes nalang magi-istart na girlfriend ko." Naks naman ang sweet! Haha XD
Tumingin siya sa phone niya na parang natatawa "Leah, papunta na raw siya.Nagmamadali na nga eh, binabaan na'ko ng phone." Sabi ni Jake sabay tawa tapos bumalik na siya dun sa mga ka-team mates niya na nagwa-warm up na.Si Derick pala yung captain ball nila. Naks XD
Nagwa-warm up na yung team.Hmm, lahat naman sila gwapo at hot pero si Derick ,Jake ,Paul at siyempre si Vince KO yung pinaka-gwapo at hot sa kanila.
Hihihi ,kung tititigan mo ang buong basketball team ng GEU si Vince Christian Torres talaga ang pinakagwapo para sa'kin! Pero si Derick talaga yung pinaka-hot eh.
Kekeke~ yung biceps niya ,yung paggalaw ng adams apple niya kapag umiinom siya ng tubig ,yung bawat galaw niya that makes him hotter, yung---- ayy! ano ba 'yan ,pinag nanasaan ko nanaman si Derick! Argh! Magbehave ka nga Leah! Kay besh Sabrina na si Derick eh! Solid Sabrick shipper ako eh!
"Besh!!!" napalingon ako dun sa sumigaw, and I'm right it's besh Belle.Kumaway kaway siya tapos lumapit siya sa'min ni Besh Brina.Nagbeso-beso kami tapos umupo na siya sa left side ko tapos nasa right side ko naman si besh Brina.
"Uy,san ka galing Belle?"
"Sa parking lot,Hehe.Actually nakalimutan ko nga 'tong basketball game nila Jake eh." sabi ni besh Belle habang nglalagay ng face powder sa mukha niya.
Saming tatlong magkakaibigan si Belle ang pinaka mahilig mag-make up ,tuwing nagsha-shopping nga kami siya yung may pinaka maraming dala na paper bag -_-
"Mga besh,wag niyo sasabihin kay Jake na nakalimutan ko ah" Belle said after retouching.Tumakbo ata siya siya papunta dito kaya siya pinagpawisan eh :3 "Please" sabi niya ulit at nag puppy eyes. Eeeww ,hindi bagay. Hind naman kasi siya nagpapacute ng ganyan eh.Usually ako lang ang gumaganon sa'min eh.Minsan si Brina din. Pero si Belle? Neverrrrr.
BINABASA MO ANG
Love Or Hate [On-Going]
Teen FictionSabrina Joy Ramos, a hard hearted yet kind girl. Ang sabi ng lahat maganda siya, mabait, sexy , sikat, mayaman at lahat lahat na ng magandang katangian nasa kanya na. Maraming nagkakagusto sa kanya, maraming nanliligaw. PERO KAHIT NI ISA WALA SIYANG...