Sabrina's POV
Monday pa'rin at I swear, ang bagal ng oras =_=
Nandito kami ngayon sa hall dahil orientation na ng mga clubs. Sus, nagsasawa na'ko diyan sa orientation-orientation na yan. Every year na namin yan naririnig ,paulit-ulit. Tsk.
Nagulat ako nung may biglang nagbato sa lap ko ng crumpled paper. Tumingin ako sa paligid pero wala namang kahina-hinala. Walanjong nagbato yun! Tsk, sasabunutan ko talaga nagbato nito sa'kin!! Tsk, badtrip na nga bina-badtrip pa lalo eh =_=
Binuksan ko yung crumpled paper. Baka may sulat eh =3=
'Galit ka pa?
-Gwapong DJL'
Gwapong DJL? DJL? DJL??!! Si Derick 'to?! Tumingin ako kay Derick at nakatingin na'rin siya sa'kin ngayon. Inirapan ko siya.
Kinuha ko yung ballpen ko sa bag,
'None of your business
-Sab'
Sinulat ko yan tapos binato ko ulit sa kanya yung papel. Nasa kabilang side kasi yung boys.
May nagbato ulit sa'kin ng crumpled paper. Tinignan ko ng masama si Derick. ANg kulit nitong lalaking 'to.
"Sino ba yang kabatuhan mo ng paper ,besh?" si Leah yan. Hindi ko nalang siya sinagot.
'I'm asking you if galit ka pa. Just answer my d*mn question
-DJL'
Aba! At siya pa ngayon ang naiinis?! Tss =3=
'Hindi na nga!
-Sab'
Binato ko ulit sa kanya yung papel..
Ang kulit talaga nitong Derick na 'to eh.
Nung nabasa niya yung nakasulat papel, ngumit siya sa'kin. At inirapan ko nalang siya.
=====
Nandito ako ngayon sa Gym. Natapos na yung orientation. Tapos na'rin pag-usapan ng bawat clubs yung mga gagawin nilang booths para sa Foundation week ng GEU.
At ako,dahil dalawa ang clubs na sinalihan ko-- which is Sports and Dance club, pinili ko nalang sumama sa Sports club. Mas marami kasing members dito sa sports club eh , mas konti yung possibility na ma-assign ako sa booth na gagawin namin =_=
At ang gagawin naming booth ay.... Horror house =_=
"Okay guys, so any volunteers kung sinong gusto mag-aayos ng horror house?" sabi nung President ng buong Sports club. Nagtaas naman ng kamay yung ibang members kaya nag-assign na sila.
Gusto niyo malaman kung sinong VP ng sports club? Well, it's none other than the great Derick John Lee =_= At ako? Ayun, napagtripang gawing Secretary nila Leah =_= Tss.
Ayoko ngang maging Secretary! Laging inuutusan, ang daming ginagawa! Fishtea! Pero okay lang, hindi naman nila akong magagawang utusan eh, problema ko lang talaga yung Derick na yun! Psh.
"Huy! Bakit nakasimangot ka diyan?" tanong ni Belle. Lahat kasi kami dito sa sports club umattend. As in lahat kami nila Leah, Belle, vince,JP, derick at Jake. Gaya gaya yung mga yun eh =3=
"Wala. It's just that naiinis ako sa pagiging secretary ko" sabi ko at tinignan ko silang dalawa ni Leah na magkatabi "At dahil yun sa inyo!" madiing sabi ko sa kanila. Tch
Hindi sila sumagot instead nagpout silang dalawa =_=
"Guys, sino gustong bumili ng mga gagamitin para sa horror house? Any volunteers?" sabi ulit nung president. "Don't worry nakalista na yung mga bibilhin" dagdag niya. yung president at ibang officer lang nag-aasikaso ng mga gagawin para horror house, kaming dalwa ni Derick? Wala eto ,nakaupo lang at pinapanuod sila. Aba! sino bang nagsabi sa kanila na iboto kami? Kasalanan nila yan =3=
BINABASA MO ANG
Love Or Hate [On-Going]
Teen FictionSabrina Joy Ramos, a hard hearted yet kind girl. Ang sabi ng lahat maganda siya, mabait, sexy , sikat, mayaman at lahat lahat na ng magandang katangian nasa kanya na. Maraming nagkakagusto sa kanya, maraming nanliligaw. PERO KAHIT NI ISA WALA SIYANG...