♥Chapter 2

22 2 0
                                    

Sabrina's POV

*yaaaaaaaaaaawwnn*

Nagising ako kasi feeling ko parang lumilindol na ewan..

-_0

0_-

0_0

"WHAT THE FVCK ,LEAH?!!!!!!!!!" sigaw ko sa parang batang talon ng talon na si Leah sa kama ko

"Ooops , hehe sarreh!" sabi niya sabay baba sa kama ko

"Kanina ka pa kasi namin ginigising diyan.Like hello,Brina!Tuesday ngayon,may pasok at male-late na tayo!!" inis na sbi ni Belle.Oh,naka-uniform na sila

"Bakit ba kasi kayo nandito sa bahay?? Kita niyo nang puyat yung tao eh." sabi ko sabay takip ng unan sa mukha kasi binuksan ni Leah yung kurtina,nakapasok tuloy yung sinag ng araw,nakakasilaw.

"Malamang para gisingin ka Brina.Eh bakit ka ba naman kasi nag-puyat diba?!" sabi ni Belle, bakit ba kasi ang sungit-sungit nito ngayon? tss. PMS?

"Kasi nag-enjoy ako sa panonuod ng Fairytail eh!" sabi ko,totoo naman, ang gwapo kasi ni Gray!Crush ko yon eh!! Oh? ang gwapo talga kasi niya,cool!!

"Gray nanaman??" sabi ni Leah,hmp palibhasa Idol niya dun si Natsu.

"Yep!"sabi ko tapos umupo na'ko sa gilid ng kama ko

"Alam mo ipapapatay ko na yan si Gray! Tsk.Gray ka ng Gray diyan!" sabi ni Belle sabay tayo at nagpamewang "Bilisan mo na nga at maligo ka na at mag-ayos ng makapasok na tayo sa school!" dagdag pa niya.

"Oo na,oo na!" sabi ko tska tumayo at naglakad papuntang Bathroom, "Palibhasa walang alam sa Anime" sabi ko ng pabulong,pero mukhang narinig niya

"Wala kang pake! Maligo ka na nga!!!" -Belle, at ako naman tumakbo na papasok ng Cr at naligo ng mabilis.Pagkatapos ko nag-ayos na'ko ng sarili ko.Di na'ko nag breakfast at diretso na sa school.

—**GEU**—

Nasa tapat na kami ng pinto ng room namin. Di kami makapasok kasi nagsisimula na yung klase.Terror pa naman tong prof. na'to :3

"Ikaw!Kasalanan mo talaga kung bakit tayo na-late eh!" bulong sakin ni Belle pero dinidiin niya ung pagkakasabi ng every word.. Huehue..ang sungit talaga nito ngayon..Oh well di ko muna sasabayan pagka-init ng ulo niyan =3=

"Oh edi sorry."Sabi ko nalang.

"Tss.ikaw na una pumasok dali!" -Belle

"Oo nga Brina!Pambawi nalang!Go go go!" - Leah, hyper -,-

"Ayok—" naputol yung sasabihin ko dahil may dumating na Bagyo ,if you know what I mean -,-

"Yo,girls!"sabi nung bagyo sabay ngiti "Hi Sabrina" sabi niya sa'kin tapos kumindat pa.Tss.Landi netong lalaking 'to!

"Muntanga ka Derick! Baliw,psh" yep tama ang basa niyo,si Derick nga.Bagyo kasi ang lakas ng dala niyang hangin,you know,Yabang! Super typhoon na nga ata siya.

"Baliw sayo" sabi niya sa'kin sabay kindat ulit

"Lul! Kwento mo kay Barney!" sabi ko ,tawa naman siya.pati yung dalawang bespren ko tawa rin. Psh.

"Uhm.Hi Derick! Late ka rin?" sabi ni Leah.sus pa-cute pa to.Palibhasa may crush to kay Derick eh

"Uhh,yeah.Ba't di pa kayo pumapasok?Pasok na tayo?" -Derick ,tapos binuksan na niya yung pinto,nag-give way siya tapos pina-una kaming pumasok.Aba,gentleman,minsan lang yan :3.. Wala namang reklamo yung terror namin prof.,wala eh kasama namin si Derick.Ta'mo na pati yung terror naming prof. takot kay Derick! Palibhasa anak ng may-ari netong GEU.

Love Or Hate [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon