A/N: Guys si James Paul Ocampo at JP po ay iisa.. JP lang ang tawag ni Sab kay James Paul at Paul naman ang tawag ng iba sa kanya.. Gets?
Sabrina's POV
Monday na ngayon start na'rin ng Foundation week namin. Pero wala masyadong students na nakakalat ngayon sa kung saang part dito sa campus kasi busy sa pagsali sa mga clubs.
Pero ako, nandito sa may rooftop ng Building A.
Yeah, ngayon lang mago-organize ng clubs. Kasi naman ang aga ng foundation namin eh. Second week of school days =_=
Kami ni Janna? Uhh, okay naman kami? Well, hindi kami masyadong nagkita kahapon dahil maaga kami umalis ni Oppa papunta sa Branch ng company namin dito sa Phil. ,tapos gabi na rin kami nakauwi kaya pagdating ko tulog na si Janna. Tapos kanina naman, maaga akong pumasok dito sa GEU kaya hindi ko siya nakasabay.
Ewan ko pero naiinis ako... Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa nakita ko last last night o... Ah basta 'di ko alam! O baka dinedeny ko lang? Aish Ewan!!!
"Sabi na dito kita mahahanap eh" napatingin ako sa likod nung narinig ko yung boses niya.
"Pa'no mo nalaman?" I asked. Lumapit pa siya sa'kin tapos ngumiti.
"Sinabi sa'kin nila Leah. Hinahanap ka din kasi nila, kaya sabi ko ako nalang susundo sa'yo dito."
"Bakit? Anong kailangan niyo sa'kin?" walang ganang sabi ko. Kasi naman eh, wala talaga ako sa mood =_=
"Bago ko sagutin yan.. Bakit ang sungit mo? Meron 'kang red tide ngayon noh?!" pang-asar na sabi ni JP ,oo si JP 'tong kasama ko ngayon.
"OMG, JP! Kadiri ka ha!" natatawang sabi ko.
"Hahaha, joke lang yun.Pinapatawa lang kita, para ka kasing pinagsakluban ng langit at lupa kanina eh. Ang pangit" pang-aasar ni JP. I never thought na may ganitongn side si JP. Hahaha
"Edi ikaw na gwapo!!"
"Hahaha. Tara na nga! Mag reregister pa tayo sa mga clubs." sabi ni JP. ay oo nga pala. Tsk baka mawalan ako ng extra-curriculars kapag nawalan ako ng clubs.
Bumaba na kami ni Jp at naglakad papunta sa hall ng campus. Dun kasi magpapalista ng clubs eh.
Pagdating namin sa hall nakita namin agad sina Leah na nakapila sports club, kaya pumila na din kami.. Ang dami ng tao kaya punong puno ang hall. Mas lalo tuloy uminit. Tsk
"Besh! Ang tagal mo ha!" Leah retorded. Tinignan ko lang siya at di na sumagot.
Turn na ni Belle magparegister sunod si Leah. Pangatlo kasi ako eh tapos nasa likod ko si Jp.
Sports club 'to kaya lahat ng sports nandito. Malamang.
Napatingin ako sa kaliwa ko, nakita ko si Janna at Derick. Magkasama nanaman. Nasa pila sila ng Dance Club. Kung paano ko nalaman? Nakasulat sa Banner eh.
Turn ko na magparegister. Ewan ko pero bigla akong nawala nanaman sa mood.
"Sabrina Joy Ramos.4th year. Badminton" mabilis na sabi ko dun sa nagoorganize ng sports club at umalis agad. Narinig ko pa na sinabi ni Jp dun sa organizer na sa baketball at swimming siya.
Dumiretso ako sa garden tapos pumunta ako dun sa may bandang likuran na part. May malaking puno dito na sobrang ganda, kaya nandito ako madalas . Kung wala ako sa rooftop dito mo 'ko mahahanap. Pero hindi alam nila Leah ,ang alam lang nila sa rooftop ako madalas tumambay. Si Janna lang ang may alam na favorite place ko din dito.
Oo nga pala, si Janna, first day niya ngayon. Kasi nga diba nagtranfer siya dito sa GEU from Korea. Sasamahan ko sana siya maglibot dito sa campus kaso mukhang may kasama na siya. Tss =_=

BINABASA MO ANG
Love Or Hate [On-Going]
Novela JuvenilSabrina Joy Ramos, a hard hearted yet kind girl. Ang sabi ng lahat maganda siya, mabait, sexy , sikat, mayaman at lahat lahat na ng magandang katangian nasa kanya na. Maraming nagkakagusto sa kanya, maraming nanliligaw. PERO KAHIT NI ISA WALA SIYANG...