Sabrina's POV
Nagtinginan sila Leah at Vince tapos bigla nalang ngumiti na parang may balak silang gawing hindi maganda. Ayoko ng mga ganyang ngiti nila.
"We choose.. Derick and Brina! Yiiieee~!" Si Leah ang nagsabi niyan.
Jusme naman! Sabi na nga ba may hindi magandang mangyayari dito sa booth na 'to eh =_=
"Orayt! Derick and Sabrina ,come up to the stage!!" Bakit ba lagi nalang kami ni Derick yung trip nila?! Tsk.
Wala kaming nagawa ni Derick kundi umakyat sa stage.
"Wait lang, wait lang!" sabi ni Leah at tinabig yung president ng sports club. Ayun tuloy, umalis nalang sa gitna si president. Tsk tsk tsk. Leah talaga oh.
Pinatabi ako ni Leah kay Derick "Bagay sila guys, diba? Diba?!" sigaw ni Leah. Ano ba yan, naka mic na nga sisigaw pa, letse. G na G?!
"Oo na nga, bagay na kami, alam ko naman yun. Ano na bang dare niyo ha?" tanong ni Derick. Ano siya, excited?! Demanding ang loko. Hindi ko talaga mapigilang isipin na kasabwat 'to sa mga kalokohan nila Leah at Vince eh =3=
"Excited ka naman masyado ,bro. Eto na nga eh sasabihin na nga yung dare eh." natatawang sabi ni Vince. Nagmake face naman si Derick.
Dahil ang daming kaek-ekan ni Vince si Leah na ang nagsabi ng dare nilang out of the world. At talaga nga namang napa- 'WHAT?!' ako at kulang nalang mabali ang leeg ko sa kakailing-iling ko dahil sa di pagsang-ayon sa dare nila.
"Act like a couple for this whole day. Yung couple na tipong sobrang sweet tapos basta! Act like a couple!!" yan lang naman yung Dare nila =_=
Act Like A Couple?! WTH, I can't do that! Lalo na kung si Derick yung lalaki!!
"And.... Wag na wag niyong maisipan na wag gawin yung dare namin! We have eyes everywhere" sabi ni Vince habang nagta-taas baba yung kilay niya. what the?!! Pinaghandaan ba nila 'to??!!
"Fine fine." walang ganang sabi ko habang si Derick naman sobrang lawak ng ngiti. Peste talaga. Wala naman akong magagawa eh, ayokong maging KJ sa mga trip nila. Gaganti nalang ako. Tch.
"Go now! Mag-date na kayo!" sabi ni Leah at tinulak tulak kami pababa kawa wala kaming magawa kundi maglakad na nga at mag- date kuno =_=
"Remember! We have eyes everywhere!!" sigw ulit nila Leah. Naman talaga oh! Ayoko nito!!
"Huy, ano yang mukha na yan?" sabi ni derick at tumawa.
"Manahimik ka nalang diyan!" sabi ko habang nakasimangot parin.
Silence....
Silence....
"Ano nang gagawin natin?"
"Aba malay ko! Ikaw ang lalaki kaya ikaw ang mag-isip!" 'tong lalaking 'to! Balak pa akong pag-isipin?! Aba, matinde nga naman talaga!
"Tch" si Derick yan =_=
Hinila niya ako papunta sa 'Who-knows-where'. Bigla kaming tumigil.
"Let's start acting like a couple. Okay?" sabi ni Derick kaya tumango tango ako. No choice eh =3=
Ngumiti siya but I didn't smiled back. Bakit, required ba akong ngumiti kapag naging kami? Tss.
Naglakad kami tapos hinahawakan niya yung kamay ko pero nilalayo ko yung kamay ko. Sunod na pinuntahan namin yung booth na puro sweets yung tinda. Bumili siya ng Cotton Candy.
"Aaahhh" sabi niya. Sinusubuan niya kasi ako nung cotton candy.
"Kaya ko kainin yan mag-isa ko. Baby ako? Baby?" sabi ko.
BINABASA MO ANG
Love Or Hate [On-Going]
Novela JuvenilSabrina Joy Ramos, a hard hearted yet kind girl. Ang sabi ng lahat maganda siya, mabait, sexy , sikat, mayaman at lahat lahat na ng magandang katangian nasa kanya na. Maraming nagkakagusto sa kanya, maraming nanliligaw. PERO KAHIT NI ISA WALA SIYANG...