Capítulo Cuatro punto uno (4.1)

12 0 0
                                    

"Hurricane? Ibig mong sabihin ay Bagyo? May bagyo rito sa loob?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Oo, dumating na naman ang malakas na bagyo sa Cyrene Group, kaya halika," tugon ni Natalia sa akin at saka ay kinuha niya ang kamay ko at hinila ako palabas ng opisina at pareho na kaming tatlo naglabasan doon. Umiiyak na rin ang iba, at ang ibang mga tao rito sa hallway ay natatakot na.

"Teka, ano ba ang nangyayari? Bakit nagkakagulo?" Naguguluhang tanong ko.

"Halika na lang," walang pakundangang saad ni Natalia sa akin at saka ay hinila na naman niya ako. Dumating na si Sir Wild.

"Sir!" Sabay na tawag namin sa kan'ya at agad siyang lumapit sa pwesto namin, medyo humihingal pa siya nang makarating sa harapan namin pero agad naman niyang inayos ang postura niya at tumikhim.

"Ayos lang ba kayong lahat? Narinig ko na naman ulit ang kanta niya," nag-aalalang saad ni Sir Wild sa amin pero masungit pa rin ang mukha niya. Bumahid sa puso ko ang saya at init nang marinig ko ang nag-aalalang boses niya kahit halos malukot na ang guwapo niyang mukha dahil sa pagiging masungit niya. Bigla na lang tumunog ang cellphone ni Sir Wild kaya kinuha niya ito at sinagot ang tawag.

"Sige, papunta na kami riyan," saad ni Sir sabay baba sa cellphone niya.

"Nasa cr ng locker room ang biktima," agad-agad na saad ni Sir sa amin nang maibaba na niya ang cellphone niya.

"Anong biktima? Sir, ano po ba ang nangyayari?" Naiiyak at naguguluhang saad ko.

"I-explain namin sa 'yo mamaya, kaya halika at puntahan natin ang locker room," si Natalia na ang sumagot at hinila na niya ako at sabay kaming apat nagtungo sa elevator at bumaba na roon at nagtungo kami sa ika-35th na palapag ng gusali.

Pagdating namin doon ay marami ng tao sa hallway. Agad-agad naman nagpuntahan sa magkabilang gilid ang mga empleyado nang dumaan na kaming apat sa harap nila. Nagtungo kami sa locker room, ito 'yung pinuntahan namin kaninang umaga nung kumuha kami ng tsinelas ni Natalia.

Pumasok na kami roon at nagtungo si Sir Wild sa cr. Sumunod naman kami sa kan'ya at napasigaw na lang ako sa takot nang makita ko ang isang babae na nakabitin sa kisame ng cr at walang saplot ang buong katawan niya at naliligo na siya sa sariling dugo niya. Namumukhaan ko siya, siya si Jenny na kinausap ni Natalia kaninang umaga rito sa locker room, at may isang tangkay pa ng dark red na rosas na nakasaksak sa dibdib niya.

Agad akong niyakap ni Natalia at nagtago ako sa kan'ya para hindi ko makita ang bangkay ng babae na nakatali ang leeg. Umiiyak na ako sa takot at nanginginig ang buong katawan ko dahil sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng ganitong pangyayari.

"Ayaw kong tingnan, ayaw kong tingnan," umiiyak na saad ko habang nakasubsob ang mukha ko sa leeg ni Natalia. Ramdam ko ang paghagod niya sa likod ko at pagpapakalma niya sa akin.

"Hush now, hush," pagpapakalma niya sa akin.

"Sino bang gumawa niyan?" Umiiyak na saad ko.

"Ipapaliwanag namin sa 'yo mamaya, kailangan na munang tapusin ang gulong ito," pagpapakalma ni Natalia sa akin.

"Hush, Stella, hush," bulong niya at hinahagod ang likod ko.

|༺☬༻|

Isang oras ang nakalipas. Nandito na kami sa opisina naming mga secretary, nandito rin si Sir Wild, at kami lang ding apat ang nandito. Pinapakalma pa rin ako hanggang ngayon ni Natalia dahil hindi maiwaksi sa isip ko ang nakita ko kanina.

"Tubig pa," saad ni Natalia at sinalinan niya ng tubig ang baso ko. Ininom ko naman ito ng isang lagukan.

"Sir, anong respond ni Ma'am Victoria?" Tanong ni Natalia.

ACHLYS: "HUSH!" ['NDRANGHETA SERIES: UNO]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon