Agad akong napagising dahil sa sakit ng ulo ko. Parang piniga ito ng Hydraulic press dahil sa sakit. Dahan-dahan akong bumangon habang hinihilot ang sentido ko para pagaanin ang nararamdaman kong sakit sa ulo pero wala, mas lalo lang itong sumakit nang iginalaw ko ito, masyadong masakit lang talaga.
Napansin ko ang kakaiba sa paligid ko, ang amoy, ang presensya, at ang pakiramdam ko, kahit masakit ang ulo ko ay pilit ko pa ring inilibot ang paningin ko sa paligid kung nasaan ba ako ngayon. Puting pader, puting kisame, puting kama, lahat puti ang nakikita ko, kaninong bahay ba ito? Hindi ganito kaputi ang apartment ko, so ibig sabihin ay wala ako sa bahay ko.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya itinuon ko ang atensyon ko sa kung sino man ang bumukas ng pinto. Napalaki na lang ang mga mata ko nang makita ko si Sir Wild na naka-ayos na ang sarili, nakasuot na siya ng coat at long sleeve na kulay white sa loob at red na necktie. Malinis ang pagkakasuklay sa brown niyang buhok at nakasimangot ang mukha niya.
Napahigit na lang ang hininga ko nang masalubong ko ang bughaw niyang mga mata na matalim na nakatingin sa akin, madilim ito at parang tinutusok na niya ang kaluluwa ko. Alam kong normal na sa kan'ya ang gan'yang tingin pero kapag talaga titingnan ko siya sa mata ay tumatayo ang mga balahibo ko sa balat, at nanlalamig din ang batok ko na naging dahilan para manginig ang kalamnan ko.
Kumunot ang noo niya nang pasuyo akong ngumiti sa kan'ya. Bumuntong-hininga siya at napamulsa at lumakad papunta sa akin.
"Alam mo ba anong oras na ngayon, Stella?" Galit na saad niya kaya napaigtad ang balikat ko at napayuko dahil sa malalim niyang boses. Nakakatakot kasi, eh!
"Sorry, Sir, niyaya kasi ako ni Natalia kagabi na uminom, hindi ko napigilan ang sarili ko," pagrarason ko.
"Tsk, alam mo naman siguro sa sarili mo na low ang alcohol tolerance mo pero bakit uminom ka pa? You know how disgusting you are last night?" Asik niya sa akin at nanatili pa rin akong nakayuko at napakagat sa ibabang labi ko. Pilit kong inaalala ang nangyari kagabi pero hindi ko na maalala.
"Hindi ko po alam," napa-iling na saad ko habang nakayuko.
"Tu es dégoûtant! (You are gross!)" Saad niya at napa-angat ang tingin ko sa kan'ya dahil sa sinabi niyang alien language na hindi ko maintindihan pero napayuko na lang ako kalaunan nang magsalubong na naman ang mga mata naming dalawa na palaging nagpapanginig sa akin ng husto at naging dahilan para maging abnormal na naman ang tibok ng puso ko na parang gustong kumuwala sa dibdib ko.
"Ano po ibig sabihin nu'n, Sir?" Takang tanong ko at tumingin sa kan'ya ulit. Nahigit na naman ang hininga ko at kumabog na ng subra-subra ang puso ko at agad na naman akong napayuko nang magkasulubong na naman ulit ang mga mata naming dalawa.
Mas mabuting hindi ko na lang siya titignan kasi baka ikamatay ko pa. Pero hindi ko kasi maiwasan na maakit ang tingin ko papunta sa mata niya, just to admire it's mysteriousness and deep blue oceanic beauty. Para kasi akong nilulunod sa masarap na pantasya kapag tinitingnan ko ang dalawang pares na bughaw na iyun, gusto kong malunod dito at gusto kong sisirin pa ito ng husto at ayaw ko ng umahon pa.
"That's French, h'wag mo na alamin. Now, Blondie, fix yourself dahil late na tayo sa trabaho. Sa susunod h'wag kang uminom kung may work ka kinabukasan, nagkakaintindihan ba tayo?" Habilin niya sa akin sa mariing boses niya.
"Yes po, pero masakit pa rin ulo ko, eh," saad ko at hinimas ang ulo ko.
"Gumawa ka ng sarili mong kape, ako ang boss mo rito, h'wag mo akong utusan na ipagtimpla pa kita ng kape pagkatapos mo akong sukaan ng limang beses kagabi," galit na saad niya at nagmartsa na siya palabas ng silid at padabog niyang sinarado ang pinto.
![](https://img.wattpad.com/cover/372830082-288-k675549.jpg)
BINABASA MO ANG
ACHLYS: "HUSH!" ['NDRANGHETA SERIES: UNO]
Mistério / SuspenseAraw-araw na naghahanap si Stella Levesque ng trabaho na kan'yang papasukan dahil lubog na siya sa utang ng apartment na kan'yang tinutuluyan. Ilang trabaho at kompanya na ang kan'yang sinubukang pasukan ngunit bigo pa rin siyang matanggap dito dahi...