Capítulo Cuatro punto dos (4.2)

12 0 0
                                    

"Oo, ganito rin ang ginagawa ni Hurricane sa mga naunang biktima niya at palagi na lang naabutan ni Sir Wild ang buong pamilya ng biktima na wala ng buhay at duguan na sa sariling bahay, same method of killings, binibitin rin ni Hurricane ang buong pamilya at may trace ng r-pe ang mga kababaihan sa pamilya, ganoon din kay Jenny, lahat ng babaeng biktima ni Hurricane ay ginagahasa niya at pinapatay," sagot niya.

"Ginagahasa? So ibig mong sabihin na lalaki si Hurricane?" Naguguluhang saad ko.

"Siguro? Kaya nga pinagdududahan din namin si Sir Wild," pabulong na sagot niya kaya naguguluhan din ako dahil tumutulong naman si Sir Wild sa pag-aayos ng problemang ito, so kung siya man ay parang nagpapakitang tao lang siya?

Pero ang hirap paniwalaan, pero may kung anong parte din ng utak kong maniwala na siya rin si Hurricane dahil kitang-kita ko rin sa mga mata niya nang titigan ko ito sa malapitan kahapon na may kung anong dumaan dito, na parang isang mesteryo para sa akin at parang ang hirap kubliin kung ano man iyun. Hindi naman ako bihasa at magaling sa pagbasa ng ekspresyon ng mukha at pag-interpret sa kung ano man ang nakikita ko sa mata ng mga tao, pero expressive lang ako sa kung ano man ang nakikita ko mula rito at kung ano man ang nararamdaman ko sa kung ano man ang nakikita ko sa kanila.

"Kaya mag-ingat ka talaga rito, Stella, kasi hindi natin alam kung sino ang susunod na papatayin ni Hurricane. Si Hurricane ang pinakamadilim na sekreto ng Cyrene Group na kinakatakutan ng lahat at takot din kaming i-report ito sa police dahil sa pagbabanta rin ni Ma'am Victoria sa amin noon, kaya wala kaming magagawa kung siya na ang magsabi na manatili pa rin kaming tahimik," paliwanag niya sa akin.

"Ang hirap naman alamin kung sino ba talaga si Hurricane," naguguluhang saad ko.

"Kaya nga hindi na lang namin inaalam dahil sumasakit lang ang ulo namin, pati nga si Sir Wild na pinakamatalino sa lahat ng tao rito sa building na ito ay nahihirapan din siyang alamin kung sino si Hurricane dahil pabalik-balik na lang din ang iniiwan niyang ebidensya, ang rosas na hindi namin alam kung saan hahanapin dito o kung sino ang nagtatanim ng ganoong rosas dito kasi hybrid rose daw 'yun sabi ni Sir Wild," paliwanag niya pa.

"Kung si Sir Wild ang pinakamatalinong tao rito, ibig sabihin ay mas wais at mautak si Hurricane kaysa sa kan'ya?" Namamanghang saad ko na natatakot din.

"Oo, kasi hindi siya nahuhuli, eh," tugon niya kaya napa-isip ako at biglang ngumiti kay Natalia na ikipinagtataka naman niya.

"Baka ako na ang susi para mahuli ko siya, baka ako na 'yung inaantay ninyong superhero?" Natutuwang saad ko.

"H'wag ka ngang delusional d'yan, Stella, para kang hindi nag-grade 6, ay oo nga pala, 'no? Hindi ka nga pala nag-grade 6 kasi hanggang grade 4 ka lang pala, kaya nakakapagtataka rin talaga at bakit ikaw ang tinanggap ni Sir Wild bilang magiging secretary niya, eh," pangungutya ni Ava sa akin.

"Hoy, Ava, 'yung bibig mo, ha! Noon ka pa talaga," pagbabanta ni Natalia sa kan'ya.

"At ikaw naman d'yan, Natalia, isarado mo rin 'yang bunganga mo sa chismis na naririnig mo, pati si Ma'am Victoria ay dinadamay ninyo riyan sa mga pang-aakusa ninyong siya ang pumatay sa buong pamilya ng Cyrene at inaakusahan niyo rin siya na siya si Hurricane? Ang kapal naman ng pagmumukha mo!" Inis na sigaw ni Ava kay Natalia.

"Bakit defensive ka sa Boss mong wala rin namang inambag sa kompanyang ito? Kung hindi ay puro pagpapaganda lang at hindi nga tumutulong kapag may pinapatay si Hurricane dito, eh! Siya 'yung CEO pero wala rin siyang ginagawa para ayusin ang gulo na ito," sumbat pabalik ni Natalia.

"Ay gan'yanan pala? Siraan ng boss gusto mo? O siraan ng mukha?" Pagbabanta ni Ava at dali-daling nilapitan si Natalia at sinabunutan ito. Agad naman akong tumayo para awatin ang dalawang nag-aaway.

ACHLYS: "HUSH!" ['NDRANGHETA SERIES: UNO]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon