Capítulo Seis punto uno (6.1)

9 0 0
                                    

"What's happening here?" Boses ni Sir Wild ang narinig ko sa likuran ko at binitawan na niya ang braso ko.

"That girl ruined my dress, Wild!" Turo sa akin nung babae, si Ma'am Victoria.

"Calm down, Victoria, don't make a scene here," pagpapakalma ng isang lalaking kakarating lang din at tumayo siya sa gilid ni Ma'am Victoria. Dumating din si Natalia at hingal na hingal siyang huminto sa tabi ng lalaki na katabi rin ni Ma'am Victoria.

"Wild, is that your new secretary?" Tanong ng lalaking katabi ni Ma'am Victoria at Natalia.

"Yes, she is. By the way, I apologize for what my secretary has done to you, Victoria," said naman ni Sir Wild. Hindi ko sila masyadong naiintindihan.

Bumuntong-hininga si Ma'am Victoria. "Ava!" Tawag niya sa sekretarya niya at mabilis pa sa alas kuwatro na dumating si Ava sa tabi ng boss niya.

"Accompany me," tipid na saad ni Ma'am Victoria at umalis agad at saka sumunod sa kan'ya si Ava. Dali-daling lumapit si Natalia sa akin at tiningnan ang katawan ko.

"Ayos ka lang? Hindi ka ba sinaktan ni Ma'am?" Nag-aalalang tanong ni Natalia sa akin at tango lang ang naging tugon ko dahil kinakabahan pa rin ako hanggang ngayon dahil sa nangyari.

"By the way, Sir Gideon, si Stella Levesque nga po pala, secretary ni Sir Wild. Stella, si Sir Gideon Hernandez, ang President ng Cyrene," pagpapakilala ni Natalia sa amin ni Sir Gideon. G'wapo rin ang lalaking ito at may berdeng kulay ng mga mata.

"Nice meeting you, Stella," nakangiting saad ni Sir Gideon sabay lahad sa kamay niya sa harapan ko. Tatanggapin ko na sana ang kamay niya nang biglang hawakan ni Sir Wild ang braso kong hahawak na sana kay Sir Gideon.

"We have to go, Mr. President, we have something to discuss with my clumsy secretary," mariing saad ni Sir Wild at hinatak na niya ako palayo sa pwesto ni Natalia at Sir Gideon. Kinaladkad niya ako at ako naman ay nahihirapan sa paglakad dahil sa takong ko at sa bilis ng lakad niya. Mahigpit din na nakahawak ang kamay niya sa braso ko.

Nakarating kami sa isang corridor na walang mga taong dumadaan at saka ay padabog akong isinandal ni Sir Wild sa pader ng corridor. Agad niya akong sinunggaban ng halik at agad naman akong tumugon dahil marahas na binubuksan ng dila niya ang bibig ko.

Humiwalay kami sa halikan namin nang kapusan na kami ng hininga sa isa't-isa. Nanlilisik ang mga mata niya at parang tinutusok ako dahil sa matalim niyang mga tingin sa akin. Nag-aalab sa galit ang bughaw niyang mga mata kaya napalunok ako ng ilang beses dahil naninindig na naman ang mga balahibo ko sa tingin niya sa akin at kumakawala ang puso ko sa dibdib ko dahil sa matinding kaba at kung ano pang emosyong nararamdaman ko ngayon na hindi ko masabi-sabi at hindi ko maintindihan!

"Rule number 1, h'wag na h'wag kang lumapit sa ibang lalaki kung hindi mo sila boss, nagkakaintindihan ba tayo?" Nanggigil na saad ni Sir Wild sa akin at takot na takot akong tumango. Nanginginig ang tuhod ko dahil sa matatalim na tingin ng bughaw na mga mata ni Sir Wild, parang hinihila ako sa ilalim ng dagat na kung saan ay may nag-aabang na mesteryosong halimaw doon sa ilalim habang nakatingin ako sa mga mata niya.

"Good, and rule number 2, h'wag kang malamya dahil makakaranas ka ng parusa mula sa akin, and lastly, rule number 3, h'wag mo akong ipahiya sa harap ng maraming tao, dahil mas matindi pa ang parusang matatanggap mo mula sa akin, nagkakaintindihan ba tayo?" Singhal ni Sir Wild sa akin at naluluha akong tumango sa kan'ya dahil sa matinding takot. Pilit kong nilalakasan ang mga tuhod ko para hindi ako matumba dahil hindi ko mahawakan si Sir Wild kasi feel ko na kapag hahawakan ko siya ay mapapaso ang mga palad ko sa init ng ulo at dugo niya ngayon.

"Good, h'wag mong kalimutan ang tatlong 'yan," nakangising saad niya at saka ay umayos ng tayo at nakapamulsang naglakad paalis na parang walang nangyari at iniwan ako rito sa corridor na nakasandal pa rin sa pader at umiiyak dahil sa takot. Kumakabog ng husto ang puso ko na parang mamamatay na ako dahil sa matinding takot at sa nararamdaman kong hindi ko pa maipaliwanag sa ngayon.

ACHLYS: "HUSH!" ['NDRANGHETA SERIES: UNO]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon