CHAPTER 12: The House Itself
"Good Morning Philippines, Hello World!!!"
Oh di ba ang hyper ko lang ngayon.
Ganito talaga ako kapag nakakaramdam ng saya. Tuwing naaalala ko kung ano ang nangyari kagabi, napupuno ng saya ang puso ko. I really hope na walang kapalit ang kasiyahan kong ito. Madalas kasi kapag nagiging masaya ako for sure merong kapalit na dobleng kalungkutan.
-Flashback-
Then I guess its official. You are my friend now. Let's begin again."
"Wala naman akong magagawa. Ang kulit mo eh" sabi niya at biglang ngumiti.
Parang magugunaw na yata ang mundo, ngayon ko lang nakita ang ngiti niyang ito pero OMG!!!. Its worth the wait.
"Hoy! Nakanganga ka dyan."
Sinarado ko ang bibig ko.
Sino ba naman kasi ang hindi mapapanganga at matutulala sa ngiti niyang pamatay. Buti na lang talaga minsan lang siya ngumiti dahil kung palagi siguradong madami ng namatay.
Ano ba naman ang naiisip ko? Ang corny lang ng peg.
Jasmine hold yourself together. Ngiti niya lang yan..
"Aherm, wala ka na talagang magagawa. Anyway, I think its time na bumalik na ako sa bahay. Tama ka nga, nakakatakot ang dagat dito."
Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad ng may maalala ako.
"Don't dare na bawiin mo yung promise mo because you will suffer ten folds of karma"
Tumawa siya sa sinabi ko.
"Hindi mo ba naisip na nung tinanggap ko yung promise mo, I'm already suffering from karma"
Its official , wala ng mundo bukas. Nag-joke siya tapos tumatawa pa siya. Nasaan na yung supladong Seb?
Lumapit ako sa kanya at hinipo ang kanyang noo at leeg.
"May sakit ka ba?"
Umiwas siya sa mga kamay ko. Naalala ko na ayaw niya nga palang nai-invade ang kanyang personal space. Medyo dumilim ang kanyang mga mata kaya nakaramdam ako ng konting takot, Nakita niya siguro ang takot sa aking mga mata kaya dagli ding nawala ang dilim sa kanyang mga mata.
His eyes can really express everything..
"I'm sorry ayaw mo nga palang hinahawakan ka. Sige balik na ako sa bahay."
Nagsimula na muli akong maglakad pero napatigil din dahil muli siyang nagsalita.
"Gusto mo ba na ihatid kita?"
Lumingon ako sa kanya, hindi alam ang sasabihin at nakita ko siyang nakatingin sa lupa na tila ba ito ang kausap niya.
"I mean. That's what friends do right? Pero kung ayaw mo eh di wag."sabi niya at nagsimula ng maglakad palayo.
Suplado talaga.
"Sure"Nilingon niya ako na may pagtataka ang mukha.
"I mean sige hatid mo ako. After all we are friends. That's what friends do right?"
OMG!! Ang awkward naman tama ba namang ulitin ko yung sinabi niya.
Sinimulan na namin ang paglalakad pabalik sa bahay nina Lola. Medyo meron pa ring awkwardness sa pagitan namin. Tahimik lang kaming naglalakad at hindi ko napigilan na humanga sa ganda ng gabi. Minsan sinusulyapan ko siya at dahil sa pagsulyap kong yun, hindi ko nakita na meron palang maliit na bato at muntik na tuloy akong madapa.
BINABASA MO ANG
OMG: (Oh my Ghost)
RomanceAng gusto ko lang naman maghilom ang malalim na sugat sa puso ko kaya pumayag ako sa kagustuhan ng mga magulang ko na magbakasyon sa rest house namin sa Batangas. Hindi ko alam meron palang naghihintay para sa akin doon. Maaaring hindi kapani-paniwa...