"Hoy!"
Sigaw sa akin ni Rafi kaya naman natigil ako sa aking pagkatulala..
"Couz, ano bang nangyayari sayo nung isang araw ka pa laging tulala ah."
Hindi ko din alam kung anong nangyayari sa akin. Pagkatapos nung nakakahiyang pangyayari na yun hindi ko alam kung paano ko pa siya haharapin..
Ang adik mo ba naman kasi Jasmine.. Bakit sa lahat ng sasabihin mo yung mga words na yun pa. Pwede naman "Wow, ang galing mo naman" o kaya "Ikaw na". Kailangan ba talaga yung ILY words pa. Baliw ka din eh.
Hindi pa rin ako Tinitigilan ng utak ko kakasermon.. Out of frustration nai-umpog ko ang ulo ko dito sa Lamesa..
"Ouch" Sabi ko habang hawak ang noo ko..
"Ayan, nababaliw ka na naman. Tama ba naman kasing iumpog mo yang ulo dyan sa Lamesa. Kung hindi ka rin ba naman timang. "
"Rafi... Hindi ko na alam ang gagawin ko".
"Ano ba kasing problema mo?" tanong niya..
Wait... Tama bang sabihin ko sa kanya ito.. Baka hindi lang sermon abutin ko sa kanya kundi isang buong misa pa kapag nalaman niya ang sitwasyon namin ni Seb.
Sitwasyon?
Namin?Arghhh!!! Walang kayo Jasmine.. Ano ba!
Isang kutos na naman ang inabot ko kay Rafi..
"Aray ha!! Nakakarami ka na. Pag ako nakaganti sayo, tandaan mo.. Kilay mo lang ang walang latay.."
Tinawanan lang ako ni Rafi..
"Kung patuloy ka pa ring mananaginip dyan Buti pa bumalik ka dun sa taas at matulog kaysa managinip ka ng Gising. Sige na papasok na ako.."
"Mabuti pa nga Serafika, umalis ka na. Panira ka din eh. "
"Wow ha.. Medyo hard ka sa part na yun.. Couz, aminin mo nga sa akin, part pa ba yan ng pagmu-move on mo?"
"Ewan ko sayo, Serafika! Umalis ka na nga, Sana ma-late ka sa duty mo.."
Sabi ko sa kanya at umakyat na papunta sa kwarto ko..
"Ingat lang Couz, baka mapanaginipan mo ang Ex mo.." pahabol pa niya..
Dumiretso ako at nahiga sa aking kama.. Hay naku, bakit kasi hindi pa rin maalis sa isip ko ang kahihiyang ginawa ko..
-Flashback-
"she will be loved. "
Pagtatapos ni Seb sa kanta.."I Love You.."
Syet!! Ano ba yung nasabi ko.. Bakit bigla bigla na lang may sariling utak ang bibig ko at yun ang nasabi.
Tumigil sa pagtugtog si Seb at napatingin sa akin.. Seryoso ang kanyang mga mata at para bang sinusubukan niyang basahin ang isip ko.
OMG!! Any gwapo niya Pala talaga. Nakakunot pa ang noo niya pero tila hindi yun nakabawas sa kaguwapuhan niya..
Ay wait! Ano ba Jasmine, nakakahiya na nga yung sitwasyon may gana ka pa talagang purihin siya..
Kabadong-kabado na ako at parang ayaw ko ng magsalita. Pakiramdam ko lahat ng dugo na dumadaloy sa aking katawan ay napunta sa aking ulo.. Siguradong pulang pula na ako nito.
Isip ka ng palusot.. Kaya mo yan. Aja!!
"Ahm.. Ano.. Kasi ganito yun.. Ahm"
Wala akong maisip! Help!
Lalo niya akong tinitigan at mas naging seryoso pa ang hitsura niya.
Seb, please naman wag mo.akong titigan ng ganyan. Kung ice cream.lang ako, kanina pa ako tunaw sa mga titig. sigaw ng aking puso..
"Ahem, Ahem... Ahm, I..I..Love You.. Yun nga.. Ayan, kasi diba yung music video nun yun ang ending. Sabi nung lalaki dun sa babae. Kaya nga "She will be Loved " yung title. Kasi yun yung topic nung kanta.. Yung lalaki mahal niya yung babae from afar. Oh diba ang sweet.. He..he..he.."
Hindi niya pa rin inaalis ang mga mata niya sa akin at parang iniisip niya pa kung paniniwalaan niya ba ako o hindi..
Grabe ka naman.. Please maniwala ka na..
Unti unti ay nawala ang pagkakunot ng noo niya..
"Parang wala naman akong matandaan na ganun sa music video nun"
Patay na!! Alam niya..
Para akong nakarinig ng Huni ng mga kulilig.
#Awkwardmoment
#MostembarassingmomentKaylangan mo ng Tumakas...
Takbo! Jasmine!!
"Ahm.. Ay naku lagot, late n din Pala baka hinahanap na ako nina Lola"
Sabi ko sa kanya Sabay tingin sa aking relo
Kahit wala naman talaga.
Tumayo ako at inagaw sa kanya ang gitara.
"Sige Seb, kita na lang uli tayo bukas ha "
Nagmamadaling sabi ko sa kanya para lang mapagtakpan ang kahihiyang ginawa ko.
Mabilis akong lumakad palayo kahit na naririnig ko pa ang pagtawag niya.
"Jasmine!" Sigaw niya.
"Bukas na lang uli Seb!" Sagot ko sa kanya kahit hindi lumilingon
Bukas na lang uli kapag kaya na kitang harapin. Sa ngayon, my mission is to save myself..
-End of Flashback-
Pero ang bukas na sinabi ko sa kanya ay hindi ko natupad. Dahil Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano ko siya haharapin ng hindi ko naiisip ang nasabi ko nun..
Hindi pa ako bumabalik sa beach after nun. Ginawa kong busy ang bawat araw. Nalibot ko na halos ang lugar na ito nila Lola para lang hindi Magtagpo ang landas naming dalawa
Dalawang araw na ang nakakaraan amd I think I kind of miss him.
Anong kind of? Ang sabihin mo you missed him. Yun ang totoo. Wag ka ngang mag-deny. Sabi ng puso ko.
Ano ka ba! Wag mo ngang bigyan ng kung anong isipin ang isang yan. Kaya Lagi n lang akong pagod dahil sayo. Saway ng isip ko.
Bakit ba, yun yung nararamdaman ko eh,. Kaya yun ang susundin ko sagot ni puso.
Ayan pakiramdam na naman.. Try mo minsan sundin ako. Baka sakali hindi ka na masaktan. Tutal mas hirap ako kapag broken ka. sermon ng isip ko.
Hindi ako magiging masaya kung ikaw ang susundin ko.
Bakit sa tingin mo ba, masaya ako sa tuwing binabalewala mo lahat ng payo ko? Kung pwede lang mag shut down ako sa tuwing nasasaktan ka, para hindi ako napapagod, matagal ko ng ginawa.
Hindi ko na kasalanan yun.
Aba teka..
HEP!!
Nababaliw na nga yata ako. Pati ang puso at isip ko nagtatalo na. Kanya kanya sila ng Hugot..
Kasalanan mo to Seb!! Pati sistema ko nagugulo ng dahil sayo..
Help!!
Kring!!! Kring!! Kring!!
Huh? May tumatawag sa cellphone ko?
Unknown number..
Calling..
BINABASA MO ANG
OMG: (Oh my Ghost)
RomanceAng gusto ko lang naman maghilom ang malalim na sugat sa puso ko kaya pumayag ako sa kagustuhan ng mga magulang ko na magbakasyon sa rest house namin sa Batangas. Hindi ko alam meron palang naghihintay para sa akin doon. Maaaring hindi kapani-paniwa...