Disappointed? Why am I feeling like this?
Dali dali kong pinunasan ang luha na namalisbis sa aking mga mata. Pinilit ko na ngumiti at nilingon ko si Rafi.
“Jasmine, what are you doing here?” nag-aalalang tanong niya sa akin.
“Rafi? Bakit gising ka pa?”
“I should ask you the same thing. Sa ganitong oras mo pa talaga napili na tumambay dito sa beach.”
“Hindi kasi ako makatulog eh”
Umupo siya sa tabi ko at bumuntong hininga.
“Paano kung si Lola ang nakaalam nito sigurado bukas na bukas din ipapauwi ka niya sa Maynila”
“Sinigurado ko naman na tulog na kayong lahat bago ako pumunta dito eh.” Katwiran ko sa kanya.
“Sabi ko na nga ba na may binabalak ka kanina kaya parang madaling madali ka ng matulog”
“Huh?”
“Napansin ko kasi kanina na parang hindi ka mapakali, parang excited ka na hindi maiintindihan. Kaya sabihin mo sa akin ang totoo, ano ba talagang ginagawa mo dito?”
“Wala talaga Rafi. Parang gusto ko lang kasi magpahangin at mag-isip.”
“You know, you can always talk to me. Eversince na nagkasama tayo dito, walang araw na hindi ko hinihintay na mag-open up ka sa kin. Medyo nagtampo pa ako sayo ng konti nung nag-kaaway tayo, but I still try to understand your situation. Don’t you think its time to talk about it?”
“Rafi-“
“Jasmine, mas makakabuti kung pag-uusapan natin yan kaysa naman sarilinin mo lang at magkulong sa kwarto. Hello, yung mga may kasalanan nagpapakasaya samantalang ikaw nagmumukmok. Unfair naman yata yun diba?”
Natawa ako sa sinabi niyang ‘yon.
“Wag mo akong tawanan Jasmine, dahil lahat ng sinasabi ko sayo ay totoo.”
“Rafi, I’ve already moved one. Mahirap man paniwalaan pero yun ang nararamdaman ko sa ngayon. The pain is still there but it is already bearable. Hindi ko na nga sila masyadong iniisip eh. Tama ka naman unfair naman yung nagpapakasaya sila samantalang ako eh kulang na lang ay mag-goodbye world.”
“WHAT? Naisip mo na mag-goodbye world?”
“NO! Pero kung iisipin natin on how I live my life nitong nakaraan parang ganun na rin yon diba?”
“Sabagay, may point ka naman. But are you sure?”
“Yes I am. And I realize something, I think it is more of the pain of betrayal than knowing that he never loved me. Maybe I didn’t really loved him but the idea of having someone like him loved me. Kaya masakit malaman na ang lahat ay isang malaking pagpapanggap.”
Gulat na gulat si Rafi sa mga sinabi ko pero unti unti rin ay sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.
“I never thought na ganyan ka na ka-mature kung mag-isp. Mukhang hindi mo na nga kailangan ang mga words of wisdom ko. Naka ready pa naman ako.”
“Someone made me realize that I should stop playing the victim and this is the real life and not some story from a movie.”
“I would like to meet that person, kung sino man siya, and thank him for helping you.”
Natawa ako sa sinabi niyang yun. And I feel disappointed again knowing na hindi ako sinipot ni Mr. Arrogant. Alam ko sinabi na niya sa aking na wag umasa but I can’t still help it. I thought all this time may pag-asa na kahit papaano ay maging kaibigan ko siya. But he is right, he’s not what I think he is.

BINABASA MO ANG
OMG: (Oh my Ghost)
عاطفيةAng gusto ko lang naman maghilom ang malalim na sugat sa puso ko kaya pumayag ako sa kagustuhan ng mga magulang ko na magbakasyon sa rest house namin sa Batangas. Hindi ko alam meron palang naghihintay para sa akin doon. Maaaring hindi kapani-paniwa...