Arghh!!! Ang sakit ng ulo ko tapos ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Medyo masakit din ang katawan ko. Ang alam ko naki-party lang ako kina Rafi, pero bakit daig ko pa yatang nakipag-wrestling. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at bigla akong napabalikwas ng bangon. Huh? Paano nangyari ‘to? Paano ako nakarating sa kwarto ko. Ang huling natatandaan ko ay nasa beach ako dahil umalis na ako sa party kaya paano ako nakarating dito. At dahil doon muli kong naalala yung lalaki sa beach. His eyes that mesmerized me. Siya ang nagdala sa akin dito? No way! It’s impossible.
Muli na namang sumakit ang ulo ko. Arghh!!!
“Anu ba naman Jasmine, stop thinking silly things,” sabi ko sa sarili ko at mas sumakit pa lalo ang ulo ko.
Ito na yata yung sinasabi nilang hang-over. Kung ganito palagi ang magiging resulta tuwing iinom ng alak, eh bakit may ibang nagpapakalunod dito. Ayoko ng umulit uli. Tama nga sina Rafi at Marcus mas lethal ang effect kapag pinaghalo-halo ang mga liquor. Last night would be the first and last na titikim ako ng alak. Nag-iba iba na ako ng posisyon sa kama para kahit papano eh mabawasan ang sakit ng ulo ko. How can I make it stop!.
Tumigil ako sa pag-ikot ikot sa kama ko nang marinig ko na may kumatok sa pinto. Dali-dali kong inayos ang pagkakahiga ko at nagkunwaring tulog pa. Baka si Lola yung kumakatok and for sure lagot kaming pareho ni Rafi kapag naabutan niya akong nagkakaganito ng dahil sa hang-over. Kinakabahan ako pero, ipinagpatuloy ko lang ang pag-acting ko.
“Jasmine, alam kong gising ka na. Bumangon na diyan,” si Rafi ang nagsalita.
Iminulat ko ang aking mga mata and how relieved I am ng makita kong si Rafi lang ang nasa kwarto.
“Rafi! Buti ikaw ang pumasok dito akala ko si Lola ka na.”
“Dapat nga si Lola na yung gigising sayo, nag-volunteer na ako kasi pareho tayong makakatikim sa kanya kapag naabutan ka niyang nagkakaganyan.”
“Rafi, ang sakit sakit ng ulo ko,” reklamo ko sa kanya.
May inabot siya sa aking paracetamol at noon ko lang napansin ang isang baso ng tubig sa may bedside table.
‘Alam ko kaya nga dinalhan kita nito eh. Inumin mo para kahit papano mawala ang sakit ng ulo mo.”
“Thank you Cuz,”
“It’s okay, may kasalanan din naman ako. Maligo ka na din, nakakabawas yun ng hang-over.”
“Okay”
“Ako na ang bahala magpalusot kay Lola. Mamaya na lang tayo mag-usap.”
Dumiretso agad ako sa banyo pagkatapos kong inumin yung paracetamol. Ang sarap!!! Nakaka-refresh talaga ang malamig na tubig. Tama nga si Rafi kahit papano nawawala na yung sakit ng katawan ko at saka mukhang effective yung paracetamol dahil unti-unti ng nawawala ang sakit ng ulo ko.
I feel so alive again. I think my energy was restore. Nagmamadali akong lumabas ng kwarto at dumiretso sa dining room. Tahimik na hinihintay ako nina Lola at Rafi.
“Good morning Lola! Good morning Rafi!” bati ko sa kanilang dalawa.
“Mukhang nakabuti ng sayo yung pagsama mo sa party nina Rafi kagabi ” nakangiting puna ni Lola.
“Oo nga po Lola eh. Medyo tinanghali lang po ako ng gising dahil po siguro sa pagod,” medyo kinakabahang paliwanag ko kay Lola.
“Gigisingin dapat kita kanina kaya lang nag-volunteer na itong pinsan mo”
“Yun nga po yung sabi sa akin ni Rafi”
“Ay siya sige kumain na tayo.”
Tahimik naming sinimulan ang pagkain. It was actually an awkward silence. Nalaman kaya ni Lola yung nangyari sa party kagabi. Patay. Kawawa naman si Rafi dahil sa akin mapapagalitan pa ni Lola.
BINABASA MO ANG
OMG: (Oh my Ghost)
RomanceAng gusto ko lang naman maghilom ang malalim na sugat sa puso ko kaya pumayag ako sa kagustuhan ng mga magulang ko na magbakasyon sa rest house namin sa Batangas. Hindi ko alam meron palang naghihintay para sa akin doon. Maaaring hindi kapani-paniwa...