Chapter 4: The Party and Him

215 7 2
                                    

OH MY!!! It’s twilight already. I can’t believe it na super na-occupied ako sa ginagawa ko. Dapat kanina pa akong nasa bahay para nasalubong ko si Rafi.Nagmamadali na ako sa paglalakad ng mapatigil ako at napatingin sa dagat. Ang ganda ng view while the sun is setting. God really is the best artist for Him to paint this view for everyone to see and appreciate. Matagal-tagal na din ng huli akong makakita ng ganitong breath-taking sun set. Ipagpapatuloy ko na uli ang paglalakad ko ng mapagawi ang tingin ko sa may beach. Someone is there, a guy actually, I think he’s also enjoying the sunset but there is something odd about him. I looked at the sunset again bago ako magpatuloy sa pag-uwi. Muli kong sinulyapan ang lalaki ang he’s not there already. Huh?

Naabutan ko sina Lola at Rafi sa kitchen and they are preparing food. Excited akong nilapitan ni Rafi at niyakap.

“ I can’t believe it magkasama tayo ngayong summer. It has been ages the last time we’re together” sabi ni Rafi.

“Oo nga eh. I missed you. Masyado kasi tayong naging busy sa school eh.”

Umalis sa pagkakayakap sa akin si Rafi at mataman akong tinitigan.

“School nga ba? Kung hindi ka pa na-broken hearted hindi mo maiisipan na pumunta dito eh.” Sermon niya

Natigilan ako at napansin ko na ganun din si Lola sa kanyang ginagawa at tumikhim. Doon naman parang nagising si Rafi at nakita ko na napalitan ng pag-aalala ang panunudyo sa kanyang mga mata.

“Ah, foot-in-mouth disease. I’m sorry ‘Cuz. I didn’t mean it.”

“Don’t worry ‘Cuz. Okay lang yun. You’re right naman eh, kung hindi pa nangyari to sa akin, hindi ko maiisipan na magbakasyon dito uli.”

“Hay naku tama na nga. Nonsense na yung pinag-uusapan natin. Halika tulungan mo na lang kami ni Lola.”

“Oo nga pala, bakit parang andami niyo yatang niluluto ni Lola” tanong ko sa kanila.

“Eh kasi yang pinsan mong yan, nag-imbita ng mga kaibigan kasi may beach party daw sila mamaya” reklamo ni Lola.

“Lola, it’s the start of the summer. At saka may kanya-kanyang internship kami kaya first and last party na namin ngayon for the summer. Don’t worry dun lang kami talaga sa beach para hindi maistorbo ang beauty sleep niyong dalawa ni Yaya Tilda,” tudyo ni Rafi kay Lola.

“Hay naku, may magagawa pa ba ako. Ito nga at hinahanda na natin ang pagkain niyo. Basta ‘wag kayong magiging pasaway. Alam ko din na nasa tamang edad na kayo pero kung maaari, iwasan niyo ang mag-inom. Alalahanin niyo nasa tabing-dagat kayo at kung anu-ano ang pumapasok sa isipan kapag nakakainom,” paalala ni Lola.

“Hay naku, old school talaga. Yes Lola, don’t worry mababait naman po yung mga friends ko and promise hindi niyo mararamdaman na may party na nagaganap sa beach,’ assurance ni Rafi kay Lola at bumaling siya sa akin.

“And of course ‘Cuz, you’re invited.”

“Huh. Hindi na kailangan Rafi. May gagawin din kasi ako mamaya” pag-tanggi ko sa kanya.

“Nonsense! At ano naman ang gagawin mo? Mag-mukmok? No way! You are coming to the party.”

“Pero kasi hindi ko naman kilala yung mga friends mo at-“

“Uh-uh. Stop making excuses. Kaya nga ipapakilala kita eh. No more buts, okay?”putol sa akin ni Rafi.

“Fine. May magagawa pa ba ako? For sure, you’ll find a way to drag me away from the room and to the beach”

“Yup. I’m thankful na ganan mo ako kakilala.”

“Ilalagay ko lang ‘tong gamit ko sa kwarto and tutulungan ko na kayo ni Lola”

OMG: (Oh my Ghost)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon