Isang linggo na ako dito sa resthouse namin pero hindi pa rin ako lumalabas ng bahay. Alam kong nag-aalala na si Lola sa akin. Alam niya ang pinagdadaanan ko kaya naman nagpapasalamat ako dahil sa binibigay niyang space. Ilang lingo na ang nakakalipas pero nahihirapan pa rin akong maka-move on. Nandoon pa rin ang sakit, walang oras na hindi ko siya naaalala.
Nagkukulong lang ako sa kwarto simula ng dumating ako dito. This is supposed to be one of my favorite place in the world dahil kaharap lang ng rest house ang dagat pero kahit ito ay walang impact sa akin. I know I should stop wallowing because he’s not worth it but I just can’t. I can still remember yung advice ni Mama nung hinatid nila ako dito sa Batangas.
“ We know you need new environment para makatulong sayo na maka- move on. Hindi ko naman sinasabi sayo na agad- agad dahil hindi naman talaga yan minamadali eh. It takes time and before you know it okay ka na.” sabi ni Mama.
“ I wish you are here with me”
“I know kami din. Kung wala lang summer workshop si Ivy at saka trabaho ang daddy mo sasamahan ka namin. Pero I promise you by the end of the summer nandito kami.
“Thank you Mama, for being there with me.”
“Syempre naman, kahit anong edad mo pa, you are still my princess. And habang nagmo-move on ka, why don’t you explore, marami na daw nabago dito ngayon sabi ng lola mo. Malay mo makakita ka ng inspiration dito.”
“Mama, kaka-break ko lang po okay tapos pinahahanap mo na agad ako ng inspirasyon”
Dahil sa sinabi kong yun nakatikim ako ng pirong kurot kay Mama.
“Ay nakung bata ka talaga. Ang ibig kong sabihin ay inspiration para sa portfolio mo. Malapit na ang internship mo and kaylangan ma-impress mo yung firm na gusto mo through your portfolio.”
“Ah.okay po medyo linawin niyo po kasi” sabi ko kay Mama na sinamahan ko ng konting ngiti.
“SIya sige na, mahirap na abutan pa kami ng dilim sa daan. Kung hindi ka na medyo komportable dito and hindi nakakatulong yung place, tawagan mo lang kami ni daddy mo at susunduin ka namin agad.”
“Don’t worry Mama. Simula pa po nung bata pa kami ni Ivy, I believe that this place has its own magic and it will help me to heal.”
“Basta, tawagan mo kami or itext palagi ha.”
“Opo, at saka for sure lagi naman po kayong updated kay Lola.”
Maya-maya pa ay lumapit na sa amin si Papa at si Lola. Ready na ang lahat para sa pagbalik nila. Hindi nakasama si Ivy dahil meron silang two-days camp sa school.
“Enrique, ingat kayo ha. Mag-text agad kayo kapag nakarating na kayo,”sabi ni Lola.
“Opo Nay. Jasmine okay ka na ba dito?” tanong ni Papa.
“Opo Papa. Sige na po umalis na po kayo ni Mama. Mahirap na po ang gabihin kayo sa daan,” sabi ko kay Papa at niyakap siya.
“I love you, Pa. See you at the end of the summer.”
“ I love you too, my princess. Nakapag- set na agad kayo ng Mama mo ah. Sige, pero promise mo sa akin na pagbalik namin makikita ko na uli ang ngiti at kinang sa ‘yong mga mata.”
“Opo”
Niyakap na din kami ni Mama at sabay na silang sumakay sa sasakyan at umalis. Sana lang talaga maipakita ko na uli kina Papa ang dating masayahing ako. Hay… Tama nga si Mama kaylangan ko ng i-explore ang lugar na ito. Tama na siguro ang isang linggo na pagmumukmok ko. Hindi lang ako ang nag-iisang brokenhearted sa mundo at saka di hamak naman na mas malaki ang problema ng bansa kaysa sa akin. At saka para na rin hindi na masyado mag-alala sa akin si Lola, baka dahil sa pag-aalala sa akin ay atakihin pa siya.
BINABASA MO ANG
OMG: (Oh my Ghost)
RomanceAng gusto ko lang naman maghilom ang malalim na sugat sa puso ko kaya pumayag ako sa kagustuhan ng mga magulang ko na magbakasyon sa rest house namin sa Batangas. Hindi ko alam meron palang naghihintay para sa akin doon. Maaaring hindi kapani-paniwa...