Chapter 13: Weird Feelings

47 3 1
                                    

Chapter 13: Weird Feelings

Waaahhhhh!!!

Ayoko na!!!

Hirap naman nito.. Ang sakit sakit na ng mga kamay ko pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawa ang tamang tono. Tama naman ang mga chords ko pero bakit kapag nagstrum na ako hindi ko pa rin makuha yung kanta. Parang pare-pareho lang yung sound na lumalabas. I tried humming para maisabay ko yung strum pero wala pa ring nangyayari.

Nakatambay ako sa beach at kinakalikot ang gitara na pinahiram sa akin ni Marcus. Itinigil ko muna ang pagdo-drawing mukhang pagod na yung kamay at isip ko sa ginagawa kong masterpiece. Pero ganun nga siguro kapag ang isang bagay ay gustong gusto mong ma-achieve mas mahihirapan ka. Kaya eto para malibang ako ng konti, gitara naman ang inaatupag ko.

Puro kalyo na ang mga kamay ko pero hindi pa rin ako sumusuko. Hello! Isa kaya sa mga motto ko ay "No pain, No gain". At isa pa "Try and Try until you die." Pero sana naman bago yung "die" part matuto na ako nito.

Humiga muna ako sa buhangin at nagmuni-muni. Baka sakaling may magbago at magkaroon ng himala kapag nagpahinga muna ako. Ganito kasi talaga ako, sa oras na naging determinado, walang makakapigil sa akin na gawin ang isang bagay.

Hayy..

Ilang linggo na ang nakakaraan pero hanggang ngayon ay hind pa rin kami nag-uusap ni Natalie. I tried calling, texting, chatting pero wala pa rin eh. Buti sana kung kahit man lang sa chat makita ko na seen zoned ako kaso mo wala pa rin eh. Ibig sabihin kahit isa man lang sa mga chats ko ay wala pa siyang nababasa.

Malaking pasasalamat ko na lang siguro na hindi pa niya naiisip na i-block ako. Sobrang laki ba talaga ng nagawa kong kasalanan sa kanya? Eto pa lang yung major away namin pero bakit pakiramdam ko friendship end na? Hindi ba niya makuha sa puso niya na intindihin na lang ako dahil meron akong pinagdadaanan? Alam ko it's a lame excuse pero hndi ba talaga pwede?

Binaba ko naman yung pride ko at nag-sorry sa kanya pero mukhang ayaw niyang tanggapin. Wala na nga akong lovelife pati ba naman bestfriend mawawala pa sa akin. Dahil sa naisip kong yun ay parang may namuong luha sa aking mga mata kaya naman dagli akong pumikit.

"Bakit ba ang hilig mong humilata dito sa beach?"

Kahit hindi ako magmulat ng mga mata alam kong siya yun. Kahit na super nalulungkot ako, hindi ko mapigilan ang mapangiti at dahil yun sa kanya.

Dug..dug..dug..

"Ano bang problema mo? Beach ito kaya kahit ano pwede kong gawin."

Sabi ko sa kanya at iminulat ko ang aking mga mata.

Dug..dug..dug..dug..

Tila bumibilis ang tibok ng puso ko. Nakaupo siya sa tabi ko at ang lapit lapit ng mukha niya sa akin. Muli ko na namang nakita ang mga magagandang mata niya. Pareho kaming napatulala at hindi makagalaw. Tila pareho kaming nahipnotismo ng bawat isa. Tahimik ang paligid at tanging tibok lamang ng puso ko ang aking naririnig. May sarili yata itong pag-iisip.

Hindi ko alam kung imahinasyon lang ang lahat ngunit tila naririnig ko din ang puso niya at parang ang bawat tibok nito ay nakikisabay sa puso ko

Dug.. dug.. dug..

Naririnig din kaya niya ito?

Ano bang nangyayari sa akin?

Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Are you in love?

Tanong ng isip ko..

Hindi ah.. Asa ka pa..

OMG: (Oh my Ghost)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon