Chapter 3

330 9 0
                                    

"PASENSIYA ka na, ha? Nagtagal tayo. Pagod ka na ba?" pagpapaumanhin ni Jet kay Chay.

Pauwi na sila noon mula sa party. Nalibang si Chay sa pakikipag-usap kay Ditas at sa pakikipagsayaw sa ilang kaibigan ni Jet. Ngunit nakaalis na sila ay hindi man lang siya isinayaw nito. Gustong sumama ng loob niya lalo pa nang makitang isinayaw nito nang ilang beses si Ditas.

"Okay lang."

Hindi naman siya pagod ngunit tiyak na iyon ang aakalain nito sa maikli niyang sagot. At sa hindi na niya pag-imik nang mga sumunod na sandali. Nakauwi silang wala nang namagitang salita sa kanila.

"You still look beautiful kahit pagod ka na," anito nang ipagbukas siya ng pinto ng kotse. "Salamat nga pala sa gown na 'to."

Hindi pa rin ito lumalayo sa may pinto ng kotse kaya

hindi

rin

siya

makaalis

sa

kinatatayuan. "Kulang pa 'yan sa pagpayag mong maging partner ko."

Umabot ang isang palad nito sa gilid ng kanyang pisngi at ganoon na lang ang pagsisikap niyang huwag mapakislot.

"Thank you, Chay. Thank you so much." Bago pa siya makatutol o makaimik man lang, dumampi na ang mga labi nito sa kanyang pisngi. "Goodnight."

Pinaraan na siya nito pagkasabi niyon. Wala naman lumabas na salita sa kanyang lalamunan hanggang sa makapasok siya sa bahay.

Sa kabila ng sarisaring katanungan sa kanyang isip, agad din siyang nakatulog nang gabing iyon.

"KAIBIGAN mo lang ba talaga si Jet?"

Hindi inaasahan ni Chay na itatanong iyon ni Al. Nasa canteen sila noon ng kompanya at kasalukuyang nanananghalian. "Oo naman. Bakit mo tinatanong?"

"Para kasing hindi kaibigan lang ang tingin niya sa 'yo."

"Magkaibigan lang kami. Magkababata kaya gano'n siyang kumilos sa 'min."

"Niligawan ka ba niya before?" usisa pa nito.

Natatawa siyang naiinis sa insecurity na ipinakikita nito. "Hindi. We're almost siblings. Kababata ko siya, kaibigan at kapitbahay pa, so the familiarity. Bakit ba nasentro na kay Jet ang pag-uusap natin?"

"Sorry. Puwede ba kitang ihatid mamaya?"

"Bahala ka."

"Gusto kong mapalapit din sa mga parents mo."

"Mababait naman sila. Madaling kaibiganin."

"Sana mapantayan ko man lang ang closeness ni Jet sa kanila."

"Al, hindi mangyayari ang sinasabi mo. Maliliit pa lang kami ni Jet, parang anak na ang turing sa kanya ng parents ko. And you don't have to go out of your way just to please my parents... just to please me. Habang pinipilit mong makuha ang isang bagay, baka lalo lang lumayo sa 'yo."

Malungkot itong tumingin sa kanyang mga mata. "Lalayo ka ba sa 'kin?"

"No, of course not. Ang sinasabi ko lang, huwag mo namang ibuhos ang lahat ng effort mo sa panunuyo sa 'kin. Baka masakal ako at hindi maging maganda ang epekto."

"Yeah. I understand," tumangu-tangong sabi nito. "But I still want to do things for you."

"Hindi naman kita pinagbabawalan, eh. Huwag lang sobra."

"HIRAP nang ibalasa nitong baraha. Dikit-dikit na."

"Luma na po kasi, Lolo Vito. Hayaan n'yo, pagkagaling ko sa office bukas, ibibili ko kayo."

Jet Josefino - Dawn IgloriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon