Chapter 11

573 25 0
                                    

"BAKIT mo sinabi 'yon kina Daddy?‛ asik ni Chay kay Jet.

Kampante lang itong nakaupo habang dinadakdakan niya. Ni hindi man lang nagugulo ang balahibo nito gayong hindi na siya mapalagay sa isusumbat ng kanyang mga magulang kapag naharap na siyang kausapin ng mga ito.

Totoo namang natulog tayo nang magkatabi, eh.‛

Pero wala namang nangyari sa 'tin.‛ Halos magpingkian ang mga kilay niya.

Kung makatalak ka para bang ikinagagalit mong walang nangyari sa 'tin,‛ anitong ngingiti-ngiti pang tila nakakaloko.

Tahimik siyang nagbilang hanggang sampu. Kung bayolente lang siyang tao, nasakal na niya ito. ‚Bakit mo nga in-insinuate sa daddy ko na may nangyari sa 'tin?‛

Lalaki ang daddy mo. Sa palagay mo ba maniniwala 'yon na walang nangyari sa 'tin, ngayong nalaman niyang natulog tayong magkatabi?‛

Paniniwalaan nila ako kung ako ang magpapaliwanag,‛ malakas pa rin ang tinig na sabi niya. ‚Ngayon, paano pa sila maniniwala sa 'kin kung inunahan mo na?‛

Bakit ka ba nanggagalaiti sa galit?‛ anitong mukhang yamot na. ‚'Buti nga 'yon, hindi ka na mapupunta sa isang lolo mo na lamang sa tuhod na tulad ni Lolo Vito, o sa isang sira-ulong gaya ni Elvin. Matinung-matino itong pakakasalan mo, 'no!‛

Kung pakakasal sila for the usual reason na niligawan siya nito at nagkaibigan, baka magtatalon pa siya sa tuwa. Pero hindi nga sila ganoon ni Jet. ‚Sandali nga, bakit ba ikaw pa itong nag-suggest na pakasal tayo? Ni hindi nga tayo mag-boyfriend, bakit ka patatali sa 'kin?‛

Tumayo ito. Naningkit ang mga mata at halos ipagduldulan ang mukha sa kanya. ‚Hindi mo alam, o manhid ka lang talaga?‛ Pagkasabi niyon ay iniwan na siya nito.

Awang ang mga labing sinundan na lang niya ito ng tingin.

AKALA ko pa naman iba ka sa mga kapatid mo.‛ Iyon ang sumbat kay Chay ng kanyang ina nang muli silang magharap.

Mommy, iba naman talaga ako sa kanila, eh.‛

Iba ka lamang ngayon dahil ikakasal kang hindi buntis. O baka bago sumapit ang araw ng inyong kasal, buntis ka na.‛ Naiiyak na naman ang kanyang mommy kaya inakbayan niya ito.

Bakit ba hindi pa noon kayo nagsabi sa amin ng daddy mo? Hindi naman kami tututol kay Jet. Baka nga matuwa pa kami dahil kilalang-kilala na namin siya at parang anak na rin ang turing namin sa kanya.‛

Hindi naman kami mag-boyfriend ni Jet, Mommy.‛

Pero may nangyari na sa inyo kaya dapat lang na panagutan niya ang ginawa sa 'yo.‛

Nasapo niya ng dalawang kamay ang kanyang noo. ‚Paano kaya n'yo 'ko paniniwalaan na wala namang nangyari sa 'min ni Jet?‛

Anak?‛

At kung maniwala man kayo, maniniwala rin kaya si Daddy?‛

Ilang araw na hindi nagpakita sa kanya si Jet. Pumupunta siya sa bahay ng mga ito ngunit si Lolo Vito lamang ang madalas niyang abutan doon.

Hindi na rin kami nagkakausap ni Jet, Chay,‛ sabi ni Lolo Vito. ‚Masyado siyang abala nitong mga huling araw. Madalas siyang wala.‛

Pinagmasdan siya nito. ‚Ano ang pakiramdam mo ngayong ikakasal na kayo ng apo ko?‛

Malamlam ang mga matang tiningnan niya ito. ‚Bakit ka malungkot? Hindi ba dapat, maging masaya ka dahil alam kong mahal mo rin si Jet?‛

At ako, Lolo Vito, mahal ba niya?‛

Hindi mo na ako dapat pang tanungin d'yan. Matagal ko nang alam 'yon.‛

Kung mahal niya ako, bakit hindi ko maramdaman?‛ naiiyak na niyang sabi.

"SOMETHING wrong, Peach skin?‛

Napabalikwas siya ng bangon. Nasa loob ng silid niya si Jet, nakaupo sa gilid ng kanyang kama at malapit na malapit sa kanya. ‚Ano'ng ginagawa mo rito?‛

Ako nga ang dapat magtanong sa 'yo niyan, eh. Ano't nagmumukmok ka rito sa kuwarto mo samantalang dapat kasalo ka namin sa hapunan sa ibaba?‛

Bihis na bihis ito. Parang tulad noong samahan niya itong um-attend ng class reunion. Napakakisig nito. At lalong lumutang ang kaguwapuhan nito sa kakaibang kinang ng magagandang mata.

Titingnan mo na lang ba ako at hindi ka na magsasalita?‛ sabi nitong tila nanunudyo.

B-bakit bihis na bihis ka?‛

Ginagap nito ang mga kamay niya at ibig niyang panginigan sa kakaibang init na nagmumula sa balat nito. ‚Why? Namamanhikan na kami ni Lolo Vito sa inyo.‛

Namamanhikan!?‛ gulat na tanong niya. Mahina itong tumawa.

‚Bakit ka ba nagkakaganyan? Daig mo pa ang namamatanda, ah. Tumayo ka na at magbihis, ikaw na lang ang hinihintay para masimulan na ang dinner. And later, mapag-usapan na ang kasal natin.‛

A-are you serious with this? Tingin ko, mapapaliwanagan ko naman sina Mommy na wala talagang nangyari sa 'tin.‛

Biglang nagdilim ang anyo nito at binitiwan ang mga kamay niya. ‚Talaga bang gusto mo munang may mangyari sa 'tin bago ka pumayag na pakasal?‛ Tumayo ito para i-lock ang pinto ng silid.

Sandali! Sandali!‛ nagpa-panic na sabi niya nang muli itong lumapit at simulang buksan ang pagkakabutones ng suot na long sleeves. ‚Ayoko lang na mapilitan kang pakasalan ako. Papaano na ang sarili mong kaligayahan? Paano na kayo ni Ditas?‛

Tila nahahapong napaupo itong muli sa kama. ‚Bakit ayaw mong tingnan ang obvious naman, Chay?‛

J-Jet?‛

‚Kaibigan ko lang si Ditas. At kung higit pa roon ang pagtingin niya sa 'kin, naiparating ko na sa kanya na hindi ko siya maaaring mahalin.‛

Pero sabi mo sa 'kin noon, natagpuan mo na ang iyong bride-to-be.‛

And it seems na napakamanhid niya para mahalata 'yon...‛

Tila nanunuot ang intensidad ng pagkakatitig nito hanggang sa kanyang kaluluwa.

Mga bata pa lang kami, tiyak na 'ko sa aking sarili na siya ang gusto kong pakasalan. Natutuwa nga ako nang umabot siya sa edad na twenty-two nang hindi siya nakipag-boyfriend sa iba. Naisip ko, baka pareho kami ng nararamdaman. And now that she is ripe enough for marriage, hinding-hindi ako papayag na maagaw siya ng iba, maging ng sarili ko pang lolo at lalo na ng kamatayan.‛

Parang sasabog sa kaligayahan ang dibdib niya sa ipinahahayag sa mga sandaling iyon ni Jet. Ngunit sumisingit pa rin ang pagdududa. ‚Bakit marami kang naging girlfriends kung totoo ang sinasabi mo?‛

Dahil baka hindi ka makatapos ng pag-aaral 'pag hindi ko ibinaling sa iba ang pansin ko. Nang magdalaga ka na, gano'n na lang ang pagpipigil ko sa 'king sarili na itanan ka. Muntik ko na ngang gawin nang makalimot ako at halikan ka noong una tayong pumunta sa The Strands...‛

Ibig niyang pamulahan ng mukha sa binanggit nito. Paano ay tiyak niyang tumibay ang hinala nito sa kanyang damdamin dahil doon.

I love you, Chay, inalagaan kita nang matagal na panahon sa puso ko. Gusto kong patuloy na alagaan ka nang magkasama na tayo.‛

Bakit... b-bakit pala para kang umiiwas sa 'kin nitong mga huling araw?‛

Inaasikaso ko ang ilang bagay. Isa na ro'n ang tungkol kay Elvin. Nahuli na siya at ikinulong na sa isang sanitarium. He will stay there hanggang sa gumaling siya.‛

Wala na siyang masabi nang hapitin siya nitong palapit. Lumatag ang kasiya-siyang pakiramdam sa buo niyang katawan nang hagkan siya nito.

Pinalis ng halik na iyon ang lahat pang natitirang pagdududa.

I love you, too, Jet...‛

Hmmm... you better, Peach skin.‛

Kumalampag ang pinto at nahinto sila sa ginagawa. Kasunod noon ay ang pag-iingay ni Manang Pining. ‚Hoy, Jet, ano nang ginagawa mo r'yan sa alaga ko?'

Nagkatawanan sila bago siya muling siilin ng halik ni Jet.


Wakas

Jet Josefino - Dawn IgloriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon