MAGAAN ang pakiramdam ni Chay nang magising kinabukasan. Kasabay sa pag-iinat ay kumawala ang paghikab sa kanyang bibig.
You look like a waking baby.‛
Napadilat siyang bigla. Naroroon at nakaupo sa gilid ng kanyang kama si Jet. Nakatunghay sa kanya ang nakangiting mukha nito. ‚Good morning,‛ awtomatiko niyang bati. Medyo garalgal pa ang kanyang tinig.
The morning is good, indeed. Hindi pa sumisikat ang araw pero medyo maliwanag na sa labas. Bangon na. 'Di ba, gusto mong mag-swimming nang maaga?‛
Parang ayaw pa niyang bumangon. Gusto pa niyang namnamin ang nabungaran. Ang magisnan itong nakangiti at napakaguwapo kahit kagigising lang. Medyo magulo pa ang maikli at tuwid ngunit makapal nitong buhok. Para tuloy ibig niyang paraanan iyon ng kanyang mga daliri. Ang mga mata nitong medyo maga pa sa pagkakatulog ay tila nakangiti sa kanya. Parang ibig niya iyong paghahalikan.
Bakit ba nang mga sandaling iyon, parang gusto niyang itaas ang mga kamay sa batok nito at hilahin ito hanggang sa maglapat ang kanilang mga labi?
Kinuha nito ang kanyang mga kamay. ‚Sabi ko, bangon na. Palitan mo na ng pampaligo 'yang pyjamas mong suot.‛
Noon lang niya napansin na naka-shorts na lang ito at tuwalya na ang tumatakip sa itaas na bahagi ng katawan. ‚Tinatamad pa 'kong bumangon.‛
Hindi man sinasadya ay napalambing yata ang pagkakasabi niya niyon. Bahagyang namilyo ang pagkakangiti nito. ‚Tinatamad pala, ha.‛
Hindi niya inaasahan ang sumunod nitong gagawin. Tumayo ito and scoop her up kaya bigla siyang napatili.
Ang aga mong mag-hysteria.‛ Idinikit nito ang mukha sa pagitan ng kanyang tainga at leeg, pagkatapos ay pahigop siyang sinamyo bago ibaba sa sahig. ‚You even smell like a baby.‛
Ikaw talaga.‛ Akmang kukurutin niya ito ngunit agad itong nakaiwas.
Pumunta ka na sa banyo and then join me for some coffee bago tayo bumaba,‛ anitong tumawa pa.
Sinunod naman niya ito. Pagkatapos nilang magkape ay tumuloy na sila sa beach. Medyo mainit-init pa ang tubig nang lumusong sila at saglit pa ay nagkakatuwaan na sila sa pagkakarerang lumangoy. Naglaro sila sa tubig na parang mga paslit.
Nang mapagod ay niyaya na siya nitong umahon. Hawak na naman nito ang kamay niya habang nilalakad nila ang patungo sa hotel.
Magandang honeymoon venue ang resort na ito, don't you think?‛
Nagulat man sa binuksang topic nito ay umayon na rin siya. ‚Oo. Maganda at romantic pa.‛
Sa palagay mo ba, anu-ano pang place ang magandang honeymoon venue bukod dito?‛
Parang gusto niyang kabahan. Kabahan na ibang babae ang nasa isip nitong maging ka-honeymoon. ‚Kung beaches din lang naman, mas maganda na rito sa Pilipinas. Pero kung places naman abroad, sabi nila maganda sa Venice but I've never been there,‛ aniya matter-of-factly kahit parang may maliliit na sundot siyang naramdaman sa dibdib nang mga sandaling iyon.
Bakit honeymoon na agad ang nasa isip mo? Nakita mo na ba ang potential bride mo?‛
Oo,‛ walang-gatol nitong sagot.
Kulang na lang na mapaaray siya nang malakas sa bigat na bumundol sa kanyang dibdib dahil sa pag-amin nito. ‚I-I thought wala ka nang girlfriend.‛
Wala na nga. Magkakaroon pa lang.‛
Hindi na siya umimik hanggang sa makaakyat na sila sa itaas ng hotel.
HELLO, Chay.‛
Nasa convention na si Jet nang maisipan niyang bumaba ng silid at hanapin si Ian. Hindi naman siya nabigo. Naglalaro ang bata ng matchbox toys sa lobby ng hotel. ‚Hi, Ian,‛ ganting-bati niya rito.
BINABASA MO ANG
Jet Josefino - Dawn Igloria
RomanceMalapit si Chay kay Lolo Vito. Abuelo ito ng kaba-bata niyang si Jet. Sa tuwing magkikita sila ng binata ay hindi pupuwedeng hindi siya nito aasarin. Ngunit kahit ganoon ito ay lagi siya nitong isinasama sa mga lakad nito. She didn't bother to have...