Chapter 7

294 9 0
                                    

SAGLIT na pinalaya ni Jet ang mga labi ni Chay, nang marahil ay maramdaman nito ang pag-agos ng mainit na luha. Hindi na niya iyon napigilang bumalong sa mga mata. Ngunit muli ring nanakop at sa pagkakataong iyon ay naging masuyo na ang halik nito. Nang-aalo, nanunuyo, nagbibigay. Sinimsim nito ang saluysoy ng tamis doon. Tinuyo ng mga labi nito ang kanyang mga luha bago muling uminom sa bukal ng kanyang mga labi, coaxing her to respond.

He was an expert kisser at hindi niya napigil ang sarili. Tinuruan siya nito at buong-puso naman siyang nagpaturo hanggang sa matutuhan niya ang sining ng paghalik. May init na ibig mag-umalpas sa kanyang dibdib ngunit hindi naman alam kung paano palalabasin. Humigpit ang pagkakayakap niya kay Jet hanggang sa magsalikop na ang kanyang mga kamay sa batok nito. Kapwa darang na sila nang biglang may kumatok sa pinto.

Agad naghiwalay ang kanilang mga labi ngunit yakap pa rin siya nito. Hinagkan muna siya nito sa sentido bago humiwalay para tunguhin ang pinto.

"Yes?" anito sa kung sinong nasa labas.

Saglit itong nakipag-usap at pagkatapos ay muling isinara ang pinto. "Go take a shower," marahan nitong sabi sa kanya. "Baka malamigan ang likod mo."

Gusto sana niyang sabihin na sa ginawa nito ay hindi lamig kundi init ang naramdaman niya nang mga sandaling iyon. Ngunit sinunod na lang niya ito at hindi na siya nagsalita pa.

Wala na silang imikan hanggang sa magligpit ng mga gamit para sa pag-alis. Kinakausap lang siya nito kapag may kailangang itanong at siya man ay ganoon din. Hindi na niya nakuhang magpaalam sa mag-amang Elvin at Ian. Baka magtalo na naman sila ni Jet kapag pinaghintay na naman niya ito. Para sa kanya, tama na sa araw na iyon ang mga naging engkuwentro nila nito.

Nasa crossing na sila ng Alauli, Pilar at naghihintay ng kanilang turn sa traffic nang magsalita ito.

"I-I'm sorry, Chay. I got carried away." Daig pa niya ang dinagukan sa sinabi nito. Naroon siya at sa isang panig ng kanyang puso ay umaasam na may katugon ang damdamin niya para dito. Iyon pala ay nadala lang ito ng sitwasyon nila. "I-I perfectly understand." Halos ayaw maglagos ng tinig sa lalamunan niya. "Wala ka nang girlfriend and I guess you just missed having one."

"No, of course not. Hindi iyon ang—" Naputol ng busina ng sasakyan sa kanilang likuran ang sasabihin pa sana nito. Nakatawid na ang sasakyan nila sa highway ngunit hindi pa rin nasundan ang sinabi nito. Masamang-masama ang kanyang loob. Hindi rin siya umimik. Ni ang tumingin sa gawi nito ay hindi niya ginawa. Nagkunwa siyang inaantok at ipinikit na lang ang mga mata hanggang sa natitira pa nilang biyahe.

"We're here," marahan nitong pukaw sa kanya kasabay ng paghaplos sa kanyang ulo.

Iniiwas naman niya ang sarili at agad na kinalag ang seatbelt sa kanyang katawan. "Chay..."

Inunahan niya ang kung ano pa mang sasabihin nito. "Salamat sa pagdadala mo sa 'kin doon," walang emosyon niyang sabi. "I enjoyed myself." Hindi na niya nahintay na ipagbukas pa nito ng pinto ng kotse. Agad na siyang bumaba. Mabibigat ang mga paang pumasok siya sa kanilang gate. Nadatnan niya sa sala ang mga magulang.

O, anak, dumating na pala kayo,‛ bati ni Sandra sa kanya.

How was your stay there?‛ usisa naman agad ng ama niyang si Ramon. ‚Nag-enjoy ka ba?‛

Humalik siya sa mga ito. ‚Okay naman, Mommy, Daddy. I'm tired. Magpapahinga muna ako sa kuwarto.‛

O, èto pala si Jet,‛ sabi ng kanyang daddy ngunit hindi na niya nilingon pa ito. Umakyat na siya sa hagdan. ‚Ilagay mo na lang ang bag ni Chay d'yan sa tabi, hijo. Pagod na sa biyahe ang anak ko. Halika at saluhan mo muna kami sa merienda bago ka umuwi.‛

Jet Josefino - Dawn IgloriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon