Chapter 8

294 8 0
                                    

"I'M REALLY impressed," humahangang sabi ni Sandy matapos itong ilibot ng mag-amang Elvin at Ian sa dalawang silid na kinalalagyan ng mga paintings. Si Sandy ang kaibigan ni Chay na organizer ng mga art exhibits. Isa rin itong mahusay na art critic.

"I told you, magaling talaga ang dalawang ito."

"So, iplano na natin ang exhibit?" baling ni Sandy kay Elvin.

"Are you serious?" hindi makapaniwalang sabi rito ni Elvin.

"Of course," waring nasaktang sabi nito. "Why would you think I'd travel this far? Isiningit ko lang ang pakiusap na ito ni Chay sa schedule ko."

"Ie-exhibit mo na po ang paintings namin?" ani Ian na naa-amuse sa narinig dito.

"Yes, young man," sagot nito na hinawakan pa sa balikat si Ian, pagkuwa'y bumaling muli kay Elvin. "Now, let's get down to the business."

MAAGANG-MAAGA kinabukasan, lumuwas na sina Chay at Sandy pabalik sa Maynila. Dalawang buwan mula noon, nag-set ang huli ng tentative date ng exhibit.

"What do you think?" tanong ni Chay rito habang lulan ng sasakayan.

"Sabi ko nga impressed ako, 'di ba? I think the child is a genius."

"What about the father, hindi ka ba impressed sa paintings niya?"

"Well, magaling din naman siya. Kaya lang parang may kulang sa kanyang mga obra. Or should I say na parang may sobra. There's a certain mood na nagka-clash sa tema ng bawat paintings niya. Let's see kung paano i-judge ang mga iyon ng mga art collectors at art critics sa araw ng exhibit."

Tumunog ang cellphone niya, pangalan ni Jet ang rumehistro sa screen. "Yes, Jet?"

"Nasaan na kayo," ani Jet sa kabilang linya.

"We're on our way home. Bakit ba?"

"Magkakasama pa rin kayo ni Sandy?"

"Oo naman."

"Well, I'm relieved. Sige, ingat na lang sa pagmamaneho."

"Thanks, 'bye."

Napatingin si Chay sa ngingiti-ngiting si Sandy matapos niyang makausap si Jet.

Hindi niya nagugustuhan ang mga makahulugang tingin na ipinupukol ni Sandy sa kanya sa tuwing tatawag sa kanya si Jet.

"Close guarding talaga, 'no?" sabi ni Sandy.

Tinaasan lang niya ito ng kilay.

"Kahapon ka pa mino-monitor ng lalaking 'yon, ah. Oras-oras yata tumatawag sa 'yo. Kayo na ba ngayon?"

"Hindi, ah. Alam mo namang halos kapatid na ang turingan namin ni Jet."

"Maybe, pero nagsisimula na akong magduda, at least on his part."

"Akala ko rin. Well, alisin mo na ang pagdududa. Siya mismo ang nagsabi sa 'kin na nakita na niya ang kanyang magiging bride."

Ipinagkibit-balikat lang iyon ni Sandy.

"HI," BATI ni Chay kay Al. Tulad ng dati, may dala na naman itong isang basket ng mga red roses. Ibinukas niya nang maluwang ang gate.

"Halika, pasok ka."

"Salamat." Iniabot sa kanya nito ang mga bulaklak.

"Wala ka talagang kasawa-sawa sa pagbibigay sa 'kin ng mga ito," aniya matapos magpasalamat.

"Kung tayo ang magkakatuluyan, makakaasa kang patuloy na makakatanggap niyan hanggang kaya kong bumili ng mga bulaklak."

Alanganing ngiti ang isinagot niya rito dahil seryoso ang mukha nito. Nanatili ang kaseryosohan nito kahit nang magkaharap sila nitong nakaupo sa sofa sa living room.

Jet Josefino - Dawn IgloriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon