[III] You're Safe

4 2 0
                                    

PREVIEW
Suspiscious strangers. Tissue eating monsters. Vampire ladies. A handsome savior.

☆☆☆

CORDELIA'S POV

"Anak, sigurado ka lang na okay ka na?"

ISANG tango at pilit na ngiti lamang ang sinagot ko kay papa.

"Opo, pa. Mauuna na po ako," paalam ko at hinalikan siya sa pisngi bago bumaba ng kotse at tumungo sa gate ng school.

Isang araw lamang ang nakalipas bago ako habulin ng mga asong halimaw na 'yon. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari. Habang natutulog nga ako, nananaginip ako na hinahabol na naman ng halimaw. Dahil dito, medyo nagka-develop ata ako ng phobia sa aso. Hindi ko maiwasang mapabuntong-hinga.

At ang may-ari ng kotse na 'yon.. sino siya? Sinusundan ba niya ako?

Hindi ko na ito pinansin at napabuntong-hinga na lang. Nope. Not now. May klase pa ako.

Pumasok na ako ng classroom at napakunot naman ang noo ko ng makakita ng bagong mukha sa mga kaklase ko.

"Sino 'yan?" Tanong ko sa katabi ko sabay turo sa direksiyon ng babae nang makaupo ako sa pwesto ko.

Napakunot naman ang noo ng katabi ko. "Huh? Si Claire? Classmate natin, duh. Anyare sa 'yo?"

"Claire?" Taka kong tanong. "Ngayon ko lang siya nakita. Transferee ba siya?"

Binigyan niya ako ng nawi-wierdohang tingin. "Transferee? Eh, nandito na 'yan start of term pa natin. Okay ka lang? Baka may lagnat ka?"

Napatitig ako sa mukha ni Claire. Itim na itim ang mahaba nitong buhok, habang ang kutis naman niya ay maputla.

Gaya ng kay Miss Sam.

Agad akong napalunok. "Siguro nga.." Epekto na siguro 'to ng walang tamang tulog.

Hindi ko na pinansin pa ito at nakinig lamang sa discussion ni ma'am nang pumasok ito. Wala namang nagtataka sa presensiya ni Claire na mas lalo kong kinabalisa. Bakit ako lang ang hindi nakaka-alala sa kaniya?

'Di kaya..

Agad akong namutla. 'Di kaya.. may alzheimers na ako?! Pero ibig sabihin n'on.. matanda na ako?! Kita siguro ang pagpa-panic sa mukha ko kasi tinawag ako ng teacher.

"Ms. Winsthale? Ayos ka lang?"

Pinadalhan ko si ma'am ng pilit na ngiti. "O-Opo. Masama lang ang pakiramdam."

NAKAPALUMBABA ako sa lamesa sa waiting shed. Tapos na ako kumain ng lunch at hinihintay lamang ang oras. Ayoko pa kasing bumalik sa room. Lalo na't nandoon si-

"Hi! You're Cordelia, right?!"

Napapiksi ako sa gulat at nanlaki ang mga mata nang makitang si Claire 'yon.. kasama ang dalawa pang babae. May maiksing buhok ang nasa kaliwa habang may brown hair naman ang nasa kabila. Pero silang lahat.. may mapuputlang balat, na para bang kalahi nila ang bond paper.

The Empires (Mythic Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon