[VIII] Currency

2 0 0
                                    

PREVIEW
Tasting dessert. Learning currency. Meeting a new friend.

☆☆☆

CORDELIA'S POV

"How about you try this one?"

INABOT sa akin ni Myrtle ang isang dessert sa stand. It was a flaky pastry covered in sugary syrup and oozing with chocolate and nuts. Dahan-dahan ko itong kinuha at kinagat. Nagliwanag ang mga mata ko ng malasahan ang matamis nitong lasa.

"Ang sarap!" I exclaimed. "Anong tawag dito?"

"It's called baklava, a dessert from Greece," sagot niya habang nakangiti. "If you don't mind me asking, child.. are you going to Metanoia?"

Muli akong napakagat sa dessert at dahan-dahang napatango. "Hm! Nakatanggap kasi ako ng admission slip galing sa Elpida Institute at sabi ni papa dito raw ang daan patungong Metanoia?" Kunot noo kong sagot. "Ano nga pala ang Metanoia?"

"Elpida? Congratulations, it's the best academy there is." Napatango-tango siya sa sarili. "And to answer your question, Metanoia is a safe haven for the mythical creatures of Greek. It's basically a place where the divine exists and is protected. As the flame of civilization moves to different countries, so does Metanoia. It's a piece of our divine world." May halong pride at pagkamangha ang boses niya habang nagsasalita.

Wala akong naintindihan sa sinabi niya kaya tumango na lang ako. Siguro naman maiintindihan ko ito kapag nando'n na ako?

"Myrtle, pwede ba ipagbalot mo ako ng iba't ibang desserts? Gusto kong kainin kapag nakarating na kami ni papa sa destinasyon," wika ko nang maubos na ang baklava. Is it just me or parang kakaiba ang lasa ng pagkain dito sa Elysia Town? Sobrang sarap! "May peanut butter flavors kayo?" Tanong ko nang may napag-tanto.

She looks amuse by my question but nodded. Nagsimula na siyang magpili ng mga desserts at nilagay sa isang box. Napakunot ang noo ko habang may inaalala bago napa-facepalm. Ang bayad nga pala!

Binuksan ko ang supot na bigay ni papa bago napatigil. Teka, ano ang mga ito?

"Myrtle?" Nakabulong kong tawag. "Pera ba 'to?"

Natapos na ni Myrtle ang pagbabalot ng desserts at lumingon sa akin. Sumilip naman siya sa pouch na nasa kamay ko bago napa-'ahh' bilang pag-intindi at mahinang napatawa.

"That's the nómisma of Ancient Greek. Modern Greek uses euro but we use drachm instead."

Nómisma.. currency?

"Here," tawag niya at pinapasok ako sa stall inilagay ko sa lamesa ang pouch at ibinuhos niya naman sa mesa ang laman. Mabait naman si Myrtle kaya alam kong hindi niya ako pagnanakawan. Tsaka, marami na siyang nasagot na katanungan ko kaya komportable na ako sa kanya.

"This is a drachma." Turo niya sa isang maliit na silver coin- and yes, silver- katabi ng bronze coin. May tatlong klase ng coin sa pouch. Yung drachma na tinuro ni Myrtle, yung bronze coin, at yung isa pang darkish silver coin na mas maliit pa sa drachma. "This one is a chalkoi and the smaller silver one is called obol," sabi ni Myrtle habang una niyang tinuro ang bronze coin at panghuli, ang maliit na silver. "1 drachma equates to 6 obolos and 1 obol is equal to 8 chalkoi.. and 1 chalkoi's value is roughly estimated to be $1 US dollars, while 1 obol is $10 dollars."

The Empires (Mythic Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon