PREVIEW
Understanding the mist. A town of wonder. Meeting a nymph.☆☆☆
CORDELIA'S POV
ILANG oras na ako nakatitig sa kisame habang inaalaa ang nangyari kahapon.
Sa huli, napag-desisyonan ko na ring umayon sa sinabi ni papa. Siyempre, hindi ito madali kasi ayaw kong mawalay sa natatanging magulang ko pero tama naman siya. I'm not safe here anymore.
Ngayon, kailangan kong nang mag-impake ng mga gamit kasi doon na ako maninirahan sa Metanoia, kung saan lugar man iyan.
Nang mag-isa.
Hindi ko mapigilang mapa-buntong hinga bago bumangon para maligo.
Nadatnan ko naman si papa na naghahain ng pagkain pagkababa ko ng sala.
Nanatili ako sa dulo ng hagdan habang napatitig sa pigura ni papa.
Si papa ko.. na kasama ko sa aking paglaki. Na parating tunatahan sa akin tuwing umiiyak, na parating binibigay ang mga kinakailangan ko.
..hanggang kailan ko siya makakasama?
Napalingon naman si papa sa direksiyon ko at nanlambot ang kaniyang ekspresyon nang makita ako.
"Cordi.." Malumanay na tawag niya sa akin.
"Pa," mahinang sagot ko at naglakad sa kinaroroonan niya. "Naka-impake na po ako.."
Binungad niya ako ng isang yakap na agad ko namang binalik. Ilang minuto kaming nagyayakapan habang hinahaplos niya ang buhok ko.
"Tayo na at kumain. Malayo pa ang byahe," wika niya at dahan-dahang umalis sa pagkakayap namin.
Isang tango lang ang sinagot ko at tinulungan siyang maghain. Pagkatapos namin kumain, dumiretso ako sa kwarto para ilabas na ang mga gamit ko. Agad akong tinulungan ni papa para buhatin ito.
"Dinala mo naman ang box, 'di ba?" Tanong ni papa pagkarating namin sa kotse.
"Opo, nasa backpack ko."
Pumasok si papa sa driver's seat habang ako naman sa front seat katabi niya. Nasa passenger's seat sa likod naman ang mga gamit ko. Pinaandar niya ang sasakyan at nagsimula nang magmaneho.
"Asan nga pala ang Metanoia, pa? Ngayon ko lang iyan narinig." Nag-research din ako sa internet kagabi tungkol diyan pero yung nasa mga dictionary na meaning lang yung lumalabas. Sa lugar naman, walang nag-pop up maliban sa iilang restaurant or resort pero imposible namang may paaralan do'n, hindi ba?
"It's a hidden place for people like us, 'nak. Tinatago siya mismo ng mist sa mata ng mga mortal. Doon rin nakatayo ang Elpida Institute, and it's located at the northern part of the country."
Napatango-tango naman ako sa sagot ni papa. "Ano yung mist? Yung fog ba?" Taka kong tanong. Grabeng fog naman 'yan, kaya niyang tabunan ang isang paaralan?
I heard my father snort. "Mist. The magical veil that hides our realm from the mortal realm. Basahin mo yung Iliad,tsaka sigurado akong magiging parte din 'yan ng klase niyo."
Naalala ko naman yung mga empousai. Sabi ng mga kaklase ko na naging classmate na namin sina Claire since simula ng klase pero hindi ko siya maalala. Hindi ko rin kilala si Miss Sam no'n pero kilala siya ng mga estudyante. Gawa rin kaya 'yon ng mist?
BINABASA MO ANG
The Empires (Mythic Trilogy #1)
Fantasy[MYTHIC TRILOGY #1 | VOID | ON-GOING] Despite being an only child, Cordelia Winsthale grew up in a relatively normal life with her foster father. Being provided by her daily needs, Cordelia was contented to live the simple life. However, a week late...