PREVIEW
A peek of the truth. Conversation happens. A blue-eyed and golden-haired stranger.☆☆☆
CORDELIA'S POV
"Can you stand?"
NAPALUNOK ako at dahan-dahang tumango. Tinulungan niya akong tumayo at kinuha ang bag ko na nahulog ko pala sa sahig. Napataas ang kilay niya ng makita ang nakakalat na gintong abo sa sahig at mahinang napasipol.
"You did a great job stalling those guys," wika niya at binigyan ako ng isang curious na ngiti. "Where did you learn to fight like that?"
Hindi ko mapigilang mamula. "Uhm.. self-defense.. classes? And fencing..?" Kabado kong sagot.
Pinasadahan niya ako ng tingin at napatango. "I see. Let's go." Mahigpit niya akong hinigit at hinila papaalis.
Hindi naman masyadong mahigpit ang hawak niya para masaktan ako. Tama lang para hindi agad ako makatakbo.
"T-Teka," pigil ko paglabas namin ng gate. Agad naman siyang napahinto. "Saan mo 'ko dadalhin?"
Agad kumunot ang noo niya. "In my car," sagot niya sabay turo sa pamilyar na pulang kotse.
Wait..
Nanlaki ang mata ko. "Sayo 'yan?!"
"Yes," diretso niyang sagot habang tinaasan ako ng kilay. "Why?"
"Anong why?" Nagsalubong ang kilay ko. "I don't even know you! Besides, nakita ko yung kotse mo nung hinabol ako ng mga asong halimaw..!" Agad ako napatigil nang may napagtanto. "Teka, anong nangyari sa empousai? Pati na rin yung sa mga asong halimaw, ikaw ba may kagagawan n'on?"
Pasimpleng tumaas ang sulok ng labi niya at agad naman akong napatitig dito. Naturally red.. or gumamit siya ng lipstick? Lipgloss? Ang shiny kasi ng labi.
"Hellhound."
Agad naman akong tumitig sa kaniya pabalik. Kumikislap ang asul niyang mata na parang nasisiyahan sa ginawa ko. "Hm?"
"The dog monster," giit niya. "They're called hellhounds." Dahan-dahan akong napatango. "And yes. I did kill them. Same with the last empousa- we call them empousai in plural."
Namilog ang mga mata ko. "Talaga?!" So ibig sabihin.. dalawang beses niya na akong niligtas? Pero.. "Pano mo naman nalaman na aatakihin nila ako?"
Mariin niya akong tinignan at hinila ulit. This time, agaran akong sumunod.
"I see all. Know all." Anong klaseng sagot 'yan?
Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa passenger seat at pumasok naman ako. Umikot siya sa harapan at pumasok sa driver's seat.
Normally, hindi naman ako pumapasok sa kotse ng taong kakilala ko lang kahit pa ilang beses na niyang akong niligtas. Pero kasi.. komportable ang feeling ko sa kanya. Pamilyar din ang presensiya niya, na para bang kakilala ko na ito..
BINABASA MO ANG
The Empires (Mythic Trilogy #1)
Fantasy[MYTHIC TRILOGY #1 | VOID | ON-GOING] Despite being an only child, Cordelia Winsthale grew up in a relatively normal life with her foster father. Being provided by her daily needs, Cordelia was contented to live the simple life. However, a week late...