[II] Monsters

3 1 0
                                    

PREVIEW
Creepy voices in a dream. Strange storms. Weird hallucinations. A monstrous canine. Familiar red car.

☆☆☆

CORDELIA'S POV

NAKATAYO ako sa gitna ng madilim na silid. Agad namang napakunot ang noo ko sa pagtataka.

Paanong napunta ako rito? Sa pagkatatanda ko, dumiretso lang naman ako sa pagtulog. Hindi kaya ng si-sleep walk na naman ako?

"Pa?" Tawag ko at dahan-dahang naglakad. Ang tanging ilaw lamang ay galing sa buwan. Biglang bumukas ang sirang bintana, kasabay nito ay ang malamig na ihip ng hangin. Napakapit naman ako sa sariling braso at nanginging na napabuntong-hinga.

"Hello? May tao ba rito?"

Hindi ko mapigilang mapapiksi sa gulat nang nakaapak ako sa isang loose na floorboard. Asan ba kasi ako?

Come..

Nanigas ako sa kinatatayuan at napalingon sa paligid. Biglang dumadagundong ang kaba sa katawan ko.

..come..hero..

"S-Sino 'yan?" Nauutal kong tanong habang napalinga-linga pa rin. Dahan-dahan akong napaatras. Muntik na akong matumba. My legs felt like jelly. Nahihirapan akong huminga.

Hero..

"S-Stop it," matigas kong sambit. Naninindig ang balahibo ko. Kakaiba ang boses. Nakakatakot. Parang.. parang isang.. halimaw..

Come..

We are waiting for you..

"I. Said. Stop. It," nanggigigil kong wika habang nakakuyom ang kamao. Dahan-dahan kong kinuha ang alarm clock na nasagi ko sa sahig. Iginawad ko ang paningin sa paligid habang pinipilit ang hininga kong maging normal.

Hero..

Biglang may gumalaw sa kaliwang banda ko. Namutla ako at mabilis napalingon.

Come here..

Agad kong ibinato ang alarm clock sa direksiyon na 'yon.

"I SAID STOP!"

Agad akong napabalikwas ng bangon. Nanginginig ang kamay ko habang mabilis naman ang pintig ng puso ko.

Napapiksi naman ako sa kinauupuan nang biglang kumidlat. Napakunot ang noo ko habang napatitig sa labas bintana. Napakalakas ang pagbuhos ng ulan. May bagyo?

"Wala namang balita, ah?" Bulong ko habang pilit na pinapakalma ang sarili.

"Cordelia?"

Napakurap ako bago umiling. Kinuyom ko ang malamig kong kamay at napabuntong-hinga. Bangungot. Isa lang 'yong bangungot.

But why.. why does it feel so real?

Ilang minuto akong napatitig ako sa kisame.

"Pababa na po!"

The Empires (Mythic Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon