[V] Confrontation

5 2 0
                                    

PREVIEW
Unveiling the truth. Learning a true identity. Mysteries ensue. Gifts are given.

☆☆☆

CORDELIA'S POV

"Pa! Andito na ako!"

BATI ko kay papa pagpasok ko sa bahay. Lumabas naman siya galing sa kusina at halata ang pag-aalala sa mukha niya.

"Anak, malapit nang mag alas sais," sabi niya at hinalikan ako sa noo. "Bakit ginabi ka na?"

Agad akong napakagat ng labi at 'di nakapagsalita. Totoo nga ba? Alam nga ba talaga ni papa ang mga nangyayari?

"Ano kasi.." napabuntong-hinga ako at hinila siya paupo sa sala. Kunot-noo namang sumunod si papa sa akin.

"Nak? Ayos ka lang?"

"Uh.." Shoot, pano ba 'to? Straight to the point ba? "So.. uh, inatake ako kanina?" Fuck.

Nabigla naman si papa sa sinabi ko bago naging seryoso ang ekspresiyon niya. So alam nga niya?

"Ayos ka lang?" Agad niyang tanong. "Hindi ka naman nagkasugat?"

Umiling naman ako. "Wala. May tumulong sa akin."

Napakunot ang noo niya. "Tumulong?"

Tumango ako. Agad ko namang kinuwento sa kaniya ang nangyari, galing sa paghabol sa akin ng mga hellhounds, sa mga empousai, at sa misteryosong estranghero na tumulong sa akin. Biglang nagbago ang ekspresiyon ni papa nang inilarawan ko ang lalaking may asul na mata at sinabi ang nabasa ko sa papel na iniwan niya.

"A?" Rinig kong bulong ni papa. Nagtaka naman ako dahil parang hindi naman siya nababahala na may kung sino ang naghatid sa anak niya. He's more resigned than conflicted. "So it's him.."

"Kilala mo siya?" Gulat kong tanong. Magkakilala sila ni papa?

Umiling lamang si papa. "I know of him, but I don't know him personally." Napabuntong-hinga naman siya. "I just thought that if I keep you hidden, hindi ka nila matutunton. Looks like I was wrong."

"Anong ibig mong sabihin?" Hindi ko mapigilang kabahan. Naalala ko naman ang tawag sa akin ng empousai. "Anong demigod?"

"Demigod," pag-uulit ni papa. "Is an offspring between a mortal and a god. And you are one of them, anak."

"A mortal.. and a god?" Agad akong napailing at mapaklang napatawa. "Impossible. Gods don't exist."

So does monsters, pero tignan mo naman kung anong nangyari.

"Listen to me, Cordelia." Hinawakan niya ang balikat ko at diretso akong tinitigan sa mata. His cobalt blue eyes were serious and his usual mischievous smile was replaced with a frown. "Remember when you were four years old? Before we moved here?"

Naalala ko nga. Bago pa kami lumipat dito sa subdivision, nakatira kami sa isang apartment malapit sa city proper. Pumunta kami ni papa sa park n'on at bumili siya ng ice cream at naiwan naman ako sa swing. May biglang lumapit sa akin. Nakasuot ito ng itim na jacket at cap. Pero ang mas nakakakuha ng atensiyon ko ay ang nag-iisa niyang mata.

"Hello. Isa lang po eyes mo?" I asked curiously, kicking my feet back and fort. Ngumiti ng marahan ang lalaki at ginulo ang buhok ko.

"Where is your father, child?"

I tilted my head to the side. Pano niya nalaman na si papa ang kasama ko? Itinuro ko naman si papa na paparating na sa direksiyon ko. "Pa!"

The Empires (Mythic Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon