And the long time awaited for us, kidding. We are going to the grocery store tonight, I'm with Devyn and Jirou. I made sure the Devyn is wearing a comfortable outfit but also have long sleeves on because of the cold night.
Binuhat naman ni Jirou si Devyn nang makasakay kami sa kotse, naka seatbelt pa sila pareho kaya natawa ako.
This is the first time na ilalabas ko si Devyn, kaya napatingin si Devyn sa bintana at palinga linga. Natutuwa siguro siya sa kung anong nakikita niya sa labas ng bintana.
Pinaandar ko na ang kotse. I made sure na tama lang ang pagda-drive ko at baka na rin mahilo si Devyn kapag umandar ako nang mabilis.
"This is her first time outside, right? First time niyang lumabas ng gabi," wika ni Jirou habang hawak hawak niya si Devyn.
Pinayagan kami ni Warren at Dionne, kampante si Dionne dahil kasama ko si Jirou. Napangiti ako sa kaniya, kahit ako ay excited na ilabas si Devyn sa labas. At pumayag si Dionne dahil gusto niya raw ng bebe time with Warren. Ang bebe dito ay si Devyn at hindi si Dionne.
"Yes," sagot ko. "Devyn, are you excited? We'll go to a place that has a lot of food," dagdag ko kaya pumalpakpak pa siya.
"I'm super duper excited!"
Napangiti tuloy si Jirou dahil ramdam niya ang tuwa ni Devyn. May malaking pure gold dito na siyang pupuntahan namin, next time ko na lang siya dadalhin sa big mall, need lang talaga namin ng grocery ngayon.
Nang makarating doon ay mabilis akong lumabas ng kotse para pagbuksan sila ng pinto, ako na rin ang nagtanggal ng seatbelt ni Jirou bago buhatin si Devyn mula sa kaniya. Ngumiti naman ng tipid si Jirou sa akin bago lumabas ng kotse.
Pumasok kami sa pure gold at kumuha ng cart, nilagay ko si Devyn doon bago iyon itulak, sumunod naman si Jirou. Napatigil din ako sa paglalakad at may kinuha sa bulsa na maliit na camera na dinikit ko lang sa cart, I want to see Devyn's reaction.
Nanlaki ang mga mata ni Devyn at tumingin sa paligid, halatang nagulat sa kung gaano kalaki ang lugar at puro pagkain pa ito. Matutuwa si Warren kapag nakita niya 'to.
Dapat pala siya ang unang nagdala sa anak niya rito. Devyn's reactions are priceless.
Tinulak ko na ang cart at sumunod lang si Jirou sa akin at tila nagniningning ang mga mata niya sa mga pagkain na nakikita niya, kaya napangiti ako lalo.
Dumiretso muna ako sa mga biscuits para hindi ma-bored si Devyn, nagtuturo pa si Devyn. Nang makita niya ang eggnog ay tinuro niya ito, kaya mabilis ako kumuha, nakikuha pa siya. Kumuha rin ako ng ilang biscuits na gusto rin ni Linux at madalas kinakain.
"Jirou, you should try this one. Wafer time, masarap siya and I love it. I'll add it to the cart, so that you can try to eat it," wika ko at kumuha ng dalawang packs nito. Buti dala ko ang credit card ko dahil mukhang marami ang mabibili ko rito.
"Can we have this too? It's a mini cupcake," wika ni Jirou kaya napatingin ako ro'n at kalaunan ay natawa dahil hawak hawak niya ay ice gems. Favorite ko 'yon noong bata ako at paborito rin ni Devyn na snack pag nanood siya ng hello kitty.
"It's a biscuit with meringue,. Ice gems for short," wika ko para maintindihan niya kaya tumango tango siya sa akin. Mabilis kong kinuha sa mga kamay 'yon para ilagay sa cart, natutuwa naman si Devyn nang makita na dumadami na ang laman ng cart.
She pouted. "You really know a lot of foods," she said.
"Because I have to learn to cook for them, I'm Linux parent now and I have to learn a lot so that I can take care of him."
I have to be his parents at a young age. Natatandaan ko pa na maliit lang din ang bahay namin no'n, at nag-aral ako paano magluto lalo't may assets din naman kami. Ilang burn at mga hiwa ang nakuha ko sa pagluluto. Natatakot pa nga si Linux kumain dahil baka raw mamatay siya kapag tinikman niya ang luto ko.
Wala rin nagawa ang loko kung hindi kainin ang food na niluto ko dahil magugutom siya. Nagagalit pa nga siya kapag sinasabi ko na siya maghuhugas ng plato, mas gugustuhin pa raw niya magkusot ng damit kesa maghugas ng plato.
Eh mas mahirap magkusot ng damit for me. Wala akong nagawa, ako na lang naghugas ng plato. He is really a brat, hanggang ngayon ay hindi niya maalis sa ugali niya ang pagiging sinto sinto. Sana ubuhin siya para malaman niyang bina-bash ko siya ngayon.
"Let's head to the junk foods," wika ko at nilakad ang cart muli at dumiretso sa mga junk foods. Nilagay ko lang ang mga chips. Dumukot pa si Devyn ng pringles at nilagay sa cart, nagawa niya pang tumingin sa akin nang may puppy eyes.
Nakikuha rin si Jirou noong mga chips na may nakalagay na spicy.
"That's spicy, you know?" I said but she just smiled.
"I think it is, but I love the packaging, it's the color red," saad niya kaya natawa ako dahil do'n. Natuwa sa packaging kaya niya gustong tikman 'yon. Hindi naman essentials 'tong nilalagay ko sa cart at puro snacks lang.
Kumuha ako ng tomi, Alibaba at sweet corn, hilig ni Warren 'yon. Mahihilig si Warren sa mga matatamis na chips. Pero kung maalat sa V-cut siya at Nova.
Alam na alam ko talaga kung anong mga gusto nilang kainin, hays. Sa akin na man ay okay lang ako sa lahat.
Kahit anong nandiyan kakainin ko, kahit tira pa ni Linux. Takaw tingin si Linux pero hindi niya naman nauubos lahat kaya sa huli ako na lang kumakain. Para talaga akong nanay ng mokong 'yon.
Hindi ko naman siya dinala sa tiyan ko, pero ako itong naga-asikaso sa kaniya. Puro lang ako reklamo ngayon pero ginagawa ko naman para sa kaniya lahat.
"Do you know Dionne's favorite chips?" I asked Jirou. Para mailagay ko rin, magtampo pa si Dionne at wala siyang pagkain dito.
"Pringles, all of the flavors. I have seen a lot of jars in the murder room," she coldly said which made my eyes widened.
"M-murder room?!" gulantang na wika ko kaya napatingin din si Jirou sa akin, mabilis kong tinakpan ang tenga ni Devyn pero mukhang hindi naman siya nakikinig sa amin.
Jirou awkwardly smiles. "I-it's fun room! She has all those bodies to play with and it's really fun, it's a game for her! It's not scary!"
Parang lalong lumala lalo ang mga nasa isip ko dahil sa mga sinabi niya! Napatingin ako kay Devyn na siyang nakatingin sa akin ngayon.
"Like killing people?" Devyn innocently asked. Patay, lagot ako kay Warren. Ayaw na ayaw pa naman ni Warren na may marinig si Devyn na ganito!
What should I say? Matalino pa naman si Devyn at malalaman niya kapag nagsisinungaling ako! I'll get scolded later by Warren at na-capture ng camera!
"Well, well." Napatigil ako at napatingin sa pinanggalingan ng boses. "Bakit hindi niyo 'ko sinama?!"
--
Palapit ng palapit tayo ah.
YOU ARE READING
Echoes of Heart (Duology of He's Pregnant?!)
RomanceIs it possible for someone to love me? "Luxian Arche," a successful model and barista in his own café, has spent his life overshadowed by his beloved identical twin, who effortlessly captivates everyone around him. One day, a woman named, "Nico Broo...